"Good Morning." Isang yakap at halik sa batok ang naramdaman ko habang nagluluto nang agahan. Alam kong si Adrian ang nasa likod ko dahil amoy pa lang nito ay kabisado ko na. Humahalimuyak ang after shave nitong gamit sa buong kusina.
Hindi ko na siya liningon bagkus ay itinuon ko ang atensyon ko sa ulam na niluluto. Simpleng agahan lang para sa aming dalawa. Maaga akong nagising dahil na rin sa hindi ako mapalagay. Mula sa narinig kong usapan sa mall kahapon hanggang sa pagsasalita ni Adrian habang tulog kagabi.
Lahat ng iyon ay bumabagabag sa isip ko. Gusto kong malaman kung anong pinag-usapan nila sa emergency meeting nila kahapon. Gusto kong magtanong pero ayaw ko rin namang pangunahan ang lalaki.
"Arrange the table hon, malapit na akong matapos," mahinang sabi ko habang busy pa rin sa pagpiprito ng hotdog.
"Hmm… ayaw ko. Mas mahal mo na ba 'yang hotdog na nasa pan? Bakit mas inuuna mo 'yan kaysa sa akin?" tanong pa nito. Kahit hindi ko nakikita ang mukha nito ay alam kong humahaba na naman ang nguso ni Adrian.
"Come on, masusunog itong niluluto ko," sagot ko naman. Hindi ko sinagot ang tanong nito.
"Do you now prefer a charred hotdog for breakfast? Ayaw mo sa hotdog na fresh, hon?" bulong nito sa teynga ko na siyang nagpataas ng balahibo ko sa batok.
"It depends, mabubusog ba ako niyang pinagmamalaki mong hotdog?"
"You'll be full for the whole nine months. I guarantee that."
"Hotdog pa rin ba ang pinag-uusapan natin?" natatawang tanong ko habang nililipat sa plato ang prinito kong hotdog.
Nang makaharap ako ay halos magpang-abot ang mga labi naming dalawa. Masyadong malapit si Adrian sa akin. Hindi ko tuloy alam kung saan ibabaling ang mukha ko. Ang dalawang kamay nito ay nasa beywang ko. Nakakulong ang katawan ko sa mga kamay nito kaya pati paghinga ko ngayon ay pigil.
"Hon," kinakabahan kong tawag sa kan'ya. Nanginig ang buong tuhod ko nang haplusin ni Adrian ang leeg ko.
Hindi nagsasalita si Adrian pero ramdam ko ang titig nito sa mukha ko habang hinahaplos nito ang leeg ko. Nasa kamay ko pa rin ang babasaging plato na may lamang hotdog. Dahil sa ginagawa nito ay kinakabahan tuloy ako dahil baka bigla ko na lamang mabitawan ang plato sa kamay dahil sa panginginig ko.
Nakikiliti ako. Hindi mapigilan ng katawan kong hindi mag-react lalo pa at bagong ligo ang lalaki. Nakasuot ng itim na sando si Adrian at nakabalandra sa paningin ko ang magandang hubog ng mga balikat nito. Mula sa patpating Adrian noon ngayon ay mala-modelo na ang pangangatawan. Mga tipo ng katawan na kinababaliwan ng mga kababaihan. Habang boxer shorts lang ang suot nito pang-ibaba kaya bakat na bakat ang alaga nito.
"Patikim…" Dumukot ng isang hotdog si Adrian na nasa plato sabay subo. Akala ko ay buo niya 'yong kakainin pero nagulat na lang ako nang halikan ako nito sa labi.
Dahil sa gulat ay walang ano-ano ay napasok sa bibig ko ang hotdog na kagat-kagat ni Adrian kanina. Ang kalahati ng hotdog ay nasa bibig nito habang ang kalahati naman ay nasa bibig ko habang naghahalikan kaming dalawa.
"Hmmm," ungol ko nang mas diniinan pa ni Adrian ang halik nito sa akin. Lasang mint na galing sa toothpaste at lasang hotdog ang nalalasahan ko ngayon.
Pero kahit ganoon pa man ay hindi umangal ang katawan ko sa ginagawa naming kababalaghan dito sa kusina. Mas nakaramdam pa nga ako ng pananabik sa susunod na gagawin nito.
"B-breakfast n-natin," nauutal kong sabi nang sa wakas ay natapos ang mainit na pagtatagpo ng mga labi namin. Pareho kaming naghahabol ng hininga at parehong namumula ang bawat teynga.
BINABASA MO ANG
The Third Wheel
RomanceBlurb: I was there when I saw him staring at her full of love for the first time. I was there when he confessed. I was there when she said "Yes" to him. I was there when they had their first date. I was there when they had their massive fight. I wa...