TTW2

63 0 0
                                    

Two days na akong nagmumukmok sa kwarto. Hindi ko rin alam kung bakit. Wala akong gana mag-aral at nakakapanibago 'yon. Isa lang talaga ang dahilan nito, si Adrian!

Oo si Adrian, after what he did noong birthday namin ay hindi na mapakali ang puso ko. Sa tuwing nakikita ko siya ay kinakabahan na ako at kusa nalang tumatakbo ang mga paa ko papalayo sa kan'ya. I don't know what's happening to me. Kahit na iniisip ko lang siya ay panay parin sa pagtibok ang puso ko. Natatakot na ako, mukhang kailangan ko nang magpa-check up dahil hindi na normal 'tong puso ko. Kanina nga lang ay nagpunta na naman si Adrian dito sa bahay upang kulitin ako. Hindi ko siya pinagbuksan at isinirado ko ang sliding window ko in case pumasok na naman siya sa balkonahe. After we promised each other na pakakasalan namin ang isa't-isa when we reached 27, and at the same time single kami pareho that time, mula noon hindi na nawala sa isip ko ang pag-iimagine. Dalawang araw na rin akong puyat, makakita lang ako ng mga bagay-bagay na nagpapaalala sa kanya ay biglang nagpa-palpitate ang puso ko.

Two days na rin hindi umuuwi sila mommy at daddy. Tumawag sila kagabi at sinabing may konting problema lang silang inaayos at uuwi din sila ngayon. I wonder what the problem is.

"Sophie," tawag ni Manang Selya sa likod ng pinto.

Si Manang Selya 'yong matagal na naming kasambahay. Sabi pa nga ni mommy ay halos si Manang na ang nagpalaki sa'kin dahil kasisimula palang noon ng negosyo nila at naging busy sila parehos ni dad kaya si Manang 'yong laging nagbabantay sa'kin.

"Yes manang?" sagot ko naman.

"Buksan mo anak, may meryenda akong inihanda."

Tamang-tama at gutom na gutom ako dahil hindi ako bumaba kanina para mananghalian. Bumangon ako sa higaan ko at inayos ang salamin sa mata habang ang buhok ko naman ay nakabuhaghag dahil tinatamad talaga akong mag-ayos ngayon. Nakasuot lang din ako ng oversized na t-shirt na si Doraemon ang design atsaka pinaresan ko lang ng maong na dolphin short. Pagbukas ko ng pinto ay biglang lumaki ang mata ko dahil sa nakita.

"Yow Sophie."

"A-a-drian?" nauutal kong sagot. Bakit na naman siya nandito?! Pinapakalma ko ang buong sistema ko dahil ang lakas na naman ng tibok ng puso ko. Mukhang aatakihin ata ako.

"Manang naman," angal ko kay Manang Selya dahil sinabihan ko na kasi si Manang kahapon na kapag pumunta si Adrian sabihin na hindi ako magpapa-disturbo.

"Sorry anak, masyadong makulit itong kaibigan mo." Hinaplos pa nito ang buhok ko. "Sige na iho, dalhin mo na itong meryenda ninyo ni Sophie," utos naman ni Manang kay Adrian.

Wala na akong nagawa nang pumasok si Adrian sa kwarto ko at agad-agad umupo sa kama. Dali-dali ko namang inayos ang mga librong nakakalat sa sahig dahil baka isipin pa nitong lalaki na 'to na burara ako.

"Ang bango ng bedsheet mo Sophie," saad nito habang patuloy parin sa pag-amoy sa bedsheet ko.

Biglang uminit ang pisngi dahil sa pinaggagawa niya. Teka lang! Hindi naman ako ganito dati bat parang nagiging mahiyain ako kapag kaharap ko si Adrian.

"Oh? Ano bang tinatayo-tayo mo riyan halika na," sabi nito sabay hatak sa'kin sa kama.

Pareho na kaming nakahiga sa kama ngayon habang ang mga isang kamay ko ay hawak parin nito. Gusto kong hatakin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero parang may sumisigaw sa isip ko na hayaan ko lang. Namamawis na ang buo kong katawan dahil sa posisyon namin ngayon. Pareho kaming nakahiga at magkahawak ang kamay. Wala namang malisya noon itong ginagawa namin ngayon dahil normal lang talaga sa'min itong ganitong bonding, bat parang nag-iba lahat ng iniisip ko ngayon? Biglang humarap si Adrian sa'kin at tinitigan lang ang mga mata ko.

The Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon