TTW30

44 0 0
                                    

I was awake the whole night and couldn't sleep. Pinilit kong makatulog pero hindi gumagana. Problemado pa ako kay Adrian pati ba naman kay Jaspher. The plan on calling him last night was unsuccessful. I couldn't reach him and it makes me worry so much. Ilang beses kong sinubukan pero wala talaga. Nag-umaga na lang pero kahit isang message galing kay Jaspher ay wala akong natanggap. I am hoping that I can contact him later to talk to him. Na-mimiss ko na siya and I need some distraction. I get up from the bed at para akong zombie na naglakad patungong banyo. I did my morning routines and syempre naligo na rin.

"What the heck?!" gulat kong ani. Halos mapamura ako nang makita ko sa salamin ang isang kiss mark sa leeg ko. Kay Adrian 'to galing! Hindi ko na napansin siguro ito kagabi kaya ngayon kitang-kita ko ang ebidensya ng kabalbalang nangyari sa aming dalawa.

"How am I supposed to hide this?" problemado kong sambit sa sarili. May plano pa naman akong maligo ngayon sa dagat. Huwag mong sabihing mag-tu-turtle neck ako habang nag-swi-swimming?!

Nagbuga ako ng hangin at napapikit ako sa inis. This is the mark of my weakness last night. Hinayaan ko ang sariling magpakalunod sa halik ng kaibigan. Akala ko kahoy lang ang marupok, pati rin pala ako.

I didn't have a choice and just wore a turtleneck top. I need to make sure na walang makakakita nitong kiss mark ko sa leeg dahil malaking problema 'yon pag nagkataon. I have my swimsuit on. It's very early kaya alam kong tulog pa 'yong dalawa. This is a great opportunity to swim dahil hindi pa lumalabas si haring araw. It's just 5:30 a.m. kaya napaka-peaceful pa ng paligid. Nang makalabas ako ay ramdam ko kaagad ang lamig ng simoy ng hangin. Hindi naman madilim ang paligid dahil napapalibutan ito ng mga ilaw. Dahan-dahan akong lumusong sa dagat. The cold sea embrace my whole body, imbes na maginawan ako ay mas na-relax pa ang katawan ko. This is what my body needs. I need this cold feeling para mahimasmasan ako.

Even the sea is silent in this darkest hour. No one is here except me kaya lakas-loob kong hinubad ang turtleneck na suot. I only have my swimsuit now. I swim back and forth and every time I'm under the water ay ang mukha ni Adrian ang lagi kong nakikita. 'Yong mukha niya habang hinahalikan ako kanina, his moans at kung paano ito nasasarapan sa ginagawa.

"Hah!" habol hininga kong sigaw. This is bad. I can't get him out in my head. Kahit ba naman sa pag-swimming ay makikita ko ang pagmumukha niya?

"Why can't I get you out in my head dammit?!" galit kong wika. Inilublob ko ulit ang sarili ko sa tubig. Hoping something's gonna change, but I fail. Adrian dominates my whole brain now, I can't escape from thinking about him anymore.

Nagsisimulang mag-init na naman ang katawan ko. The thought of Adrian kissing me a while ago brought so many unfamiliar feelings I never felt before. Para akong nakatikim ng isang putaheng babalik-balikan ko. I'm not a virgin anymore, alam ko ang pakiramdam ng sex. Jaspher and I have already done it so many times before. I know what it feels like. Alam ko ang kiliti at sarap na hatid no'n. Pero bakit iba 'yong pakiramdam ko kapag si Adrian? This is like a new experience for me, and I'm not happy with it. I'm getting myself into a pithole where there's no way out. Naramdaman ko na ito noon eh, and I invested so much time to get out of there and stand where I am now. Nagtagal pa ako ng isang oras sa dagat bago ko naisipang bumalik sa bahay. The sun is starting to show up at nakakaramdam na rin ako ng antok. I just washed up a bit at nagbihis ng pantulog. Now that I have the opportunity to sleep ay lulubos-lubosin ko na lang bago pa may maisip ng kung ano-ano ang utak ko.

Naamlipungatan ako dahil sa tunog ng cellphone ko. When I pick up my phone ay nakita kong pasado ala-singko na pala ng hapon. Kaya pala mahapdi na ang tiyan ko dahil hindi pa ako nakakakain. Nang tinignan ko ang caller ay nakita kong sila Mommy pala ang tumatawag.

"Hey Mom." Biglang sumakit naman ang lalamunan ko at parang binugbog ang katawan ko. May pagkapaos pa ang boses ko habang nagsasalita. Hindi ko alam kung bakit tumatawag ngayon si Mommy.

The Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon