TTW38

41 0 0
                                    

Napahilot ako sa sentido ko. Parang umikot panandalian ang paningin ko sa narinig mula sa kanila. Paanong naging mag-half sisters kami kung adopted lang naman siya?

"Hindi ko po kayo maintindihan," mahinang sabi ni Patricia. Parang pakiramdam ko ay masusuka ako sa sinabi nila. Hindi ko rin magawang magsalita. Hindi ko alam kung anong uunahin kung itanong at saan ako magsisimula.

Half sisters? Paano nangyari 'yon? One day they came home from Cebu na dala-dala si Patricia. They said they want to adopt her at malayong kamag-anak namin siya. I remember it all. Hindi ko nakakalimutan lahat ng sinabi nila tungkol sa nakaraan ng babae kung paano siya nakaranas ng kalupitan sa kamay ng mga malayong kamag-anak nito. Tinitigan ko si dad. Hindi rin mapakali ang ekspresyon nito sa mukha. Mom is sobbing beside him. Ano? Wala man lang bang magpapatuloy sa sinabi nila?

"I don't want to sound rude. Pero ano na? Wala man lang ba karugtong ang sinabi ninyo? How the hell did Patricia and I become half sisters?! Adopted siya 'di ba? Adopted siya 'di ba, mom?!" galit na galit kong tanong sa kanila.

"Calm down," Adrian whispered.

"No, Adrian!" I shouted at napatayo sa kinauupuan. "All this time ay alam kong hindi ko siya kapatid by blood! Patricia is not my sister and will never be!"

"Akala mo ba ay nanaisin ko ring maging kapatid mo, Sophie?" sabat ni Patricia sa akin. "A sister who snatched my boyfriend? Hell no!"

Sasagutin ko sana ang sinabi niya nang magsalita ulit si daddy.

"This is the reason kung bakit nais naming malaman ninyo itong dalawa," pagpapatuloy nito sa sinabi kanina. "Hindi kayo dating ganito. Our family is not like this. Nagbabangayan kayo at nag-aaway dahil sa isang lalaki. Maybe I don't know the whole story but I'll protect this family no matter what. Minsan na ako naging bulag. Iniwan ko ang isa kong anak sa Cebu para protektahan ang kasal ko sa una kong asawa at para protektahan ka, Sophie," mahabang pagkukuwento ni daddy.

"What? So, kasalanan ko pa pala ngayon kung bakit iniwan ninyo itong bastarda ninyong anak sa Cebu?" napaluha kong tanong kay daddy.

"Baby," umiiyak na tawag ni mommy sa akin. "It's my fault baby. Tinakot ko ang daddy mo na iiwan natin siya kung kukunin niya ang anak niya sa Cebu. Patricia's mother is my ex-best friend. Hindi ko matanggap na niloko ako ng ama mo. Halos mabaliw ako noon and when he said na pananagutan niya ang bata, doon na ako nag-desisyon," si mommy.

"Iniwan mo kami ni mama? Dahil lang sa natakot ka?" nanghihina na tanong ni Patricia kay daddy. "Alam mo ba kung gaano kami nagdusa? Lumaki akong naririnig sa iba na parausan at maduming babae ang nanay ko. Habang ang isa ninyong anak ay tinatamasa ang buhay na pinagkait sa akin," may galit sa boses nitong wika.

"Please–huwag mong sisihin ang daddy mo, Patricia. Ako, ako ang may kasalanan kung bakit kinailangan ka niyang abandunahin," umiiyak na sagot ni mommy kay Patricia.

All of us are crying. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Hindi matanggap ng sistema ang katotohanan na nagloko si daddy at nagkaanak sa iba tapos inabandona niya iyon para sa pamilya namin. They took Patricia home para bumawi pero pinagmukha rin naman nilang adopted ang babae. For what? For protecting my feelings?! Or for protecting the image of our family? Oo nga naman. Masisira ang imahe ng perpekto naming pamilya kapag nagkataon. Nakakasuka sila!

"Kaya ba pinuntahan niyo ako at ni-rescue nang mamatay si mama? You adopted me at pinalabas na malayong kamag-anak? For what? Para lang hindi masaktan ang legal mong anak o para protektahan ang legal mong pamilya?" may galit na tanong ni Patricia sa ama.

"Back then, hindi ko kayang mawala ang pamilya ko. Bagong panganak pa lang din si Alice nang ipinanganak ka Patricia," dad explained.

"Kaya inabandona mo ako para sa kanila?" Patricia asked. "I can't go through with this conversation. Will you excuse me?" Hindi na napigilan ng mga magulang ko ang pag-alis ni Patricia sa bahay. Narinig na lang namin ang tunog ng papaalis na kotse. I saw how Adrian flashed a worried expression habang tanaw-tanaw lang ang kakaalis na kapatid. Fuck! Nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa narinig ko mula sa pamilya ko at sa pag-aalala ni Adrian sa kapatid.

The Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon