"Lalaki pala boss mo?" salubong na tanong ni Adrian sa akin.
May hawak itong wine glass sa isang kamay. Pagpasok ko pa lang sa loob ng condo namin ay nabungaran ko na agad si Adrian na mag-isa sa sala. Madilim ang buong sala at tanging ilaw lang na nagmula sa lampshade ang liwanag ng lalaki.
Hindi ko kaagad sinagot ang tanong nito. Hinubad ko muna ang suot kong coat atsaka heels bago ako naglakad papunta sa kinaroroonan nito. Sa tono pa lang ng boses nito ay alam ko ng galit na naman siya.
"Nakalimutan ko," pagod kong sagot. Nakatayo lang ako sa harap nito habang ang mga mata ay nakapako sa buong katawan nito.
Walang suot pang-itaas si Adrian at tanging itim na boxer shorts lang ang suot nito pambaba. Isang linggo na rin akong pumapasok bilang isang branch manager ng Avila Gourmet. Sa main branch ako na-assigned kaya lagi rin kaming nagkikita ni Brahm.
"Hmmm… Hindi ko alam na makakalimutin ka na pala ngayon," patutsada na sagot nito na siyang ikinainit ng ulo ko.
Ngayon na nga lang kami nagkita ulit dahil sa napaka-busy niyang schedule tapos may gana pa siyang magsungit ng ganito? Is it really big deal for him kung lalaki ang boss ko? Is he jealous again? Aalis na sana ako papasok sa kuwarto namin nang hilahin ako ni Adrian dahilan kung bakit napaupo ako sa sofa at napatingala sa lalaki na ngayon ay nakatayo na sa harap ko.
"Adrian, I'm tired… so please, let me rest at bukas na natin pag-usapan 'to."
Isang mapusok na halik lang ang tanging natanggap kong sagot sa kan'ya. Bigla agad akong kinilabutan sa paraan ng paghalik nito. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang tumayo ang mga balahibo ko sa katawan.
"Adria–" nahihirapang protesta ko. Akala ko titigil na siya but instead of stopping, he did the opposite. Adrian bit my lower lip that made me groan in pain and pleasure. Kasabay niyon ay ang marahas na paglalakbay ng kamay nito sa loob ng polo blouse na suot ko.
"S-stop!" Isang sampal ang kumawala sa kanang kamay ko patungo sa pisngi nito. Agad-agad akong tumayo at inayos ang suot ko. Habang si Adrian naman ay walang imik na nakatungo lang sa harap ko.
Hindi umimik at hindi rin gumagalaw ang lalaki. I tried pushing him aside para lang makaraan ako at makapasok sa kuwarto pero kasing tigas ng bato ang katawan nito na hindi ko matibag-tibag.
"I miss you, Sophie. One week kitang hindi nakita tapos malalaman ko na lalaki 'yong boss mo," malungkot na ani nito. Parang bata na nagtatampo habang paiyak na ang boses nito.
Mukhang nagsumbong si B1 at B2 sa boss nila. Wala namang problema kung lalaki ang boss ko ah? Ano ba kasi iniisip niya?!
"Adrian… hindi tama ang ganitong pag-uugali mo. You're being toxic dahil lang sa lalaki ang boss ko? I forgot, okay? But it doesn't mean na paghihinalaan mo na lang lahat ng gagawin ko," nagtitimpi kong sagot.
"Soph, I'm sorry. It's just that inatake lang ako ng selos ko," pangangatwiran nito.
"Take your jealousy somewhere else, Adrian. Pareho na tayong hindi bata. I hope you can see that. Kung patuloy mo pa rin akong paghihinalaan ay wala na sa akin ang problema. Maybe you should assess yourself kung tama pa ba 'yang pagseselos mo na wala sa lugar," huling sabi ko kay Adrian bago siya iniwan sa sala.
Pagkapasok sa kuwarto ay ini-lock ko kaagad ang pinto dahil alam kong susundan niya ako at alam na alam ko ring hindi agad matatapos ang usapan namin.
Pagod na pagod talaga ang katawan ko kaya nakatulog ako kaagad pagkatapos kong maligo.
KINABUKASAN ay wala akong nakitang Adrian sa sala. Dito ba siya natulog kagabi o umalis siya? Bigla ko namang naalala ang pag-uusap namin kagabi. Marahas akong napabuga ng hangin sa kawalan at problemadong napatingin sa kisame.
BINABASA MO ANG
The Third Wheel
RomanceBlurb: I was there when I saw him staring at her full of love for the first time. I was there when he confessed. I was there when she said "Yes" to him. I was there when they had their first date. I was there when they had their massive fight. I wa...