TTW5

42 0 0
                                    

"Ate," biglang tawag ko kay Patricia.

Lumaki naman ang mata nito dahil sa biglaang pagtawag ko ng ate sa kan'ya. I realized, masyado akong nabubulag sa mga maling ideya. I should't closed my mind at naguguilty ako dahil hindi ko alam ang mga pinaghirapan niya noon para magselos ako sa kan'ya ngayon.

"Sophie?" nagtatakang tanong nito sa'kin.

I sigh. I should have open my heart from the start. Hindi naman ako masamang tao, nabigla lang talaga ako at hindi ako sanay na mayroong kahati sa atensyon ng mga taong nakapaligid sa'kin.

"Can I call you ate?" I asked.

"Hindi ko maintindihan, akala ko galit ka sa'kin," malungkot nitong sabi sa'kin habang nakayuko ang ulo. Sumisinghot-singhot pa ito.

"No, I'm not. Pasensya na sa mga sinabi ko sa'yo sa hospital."

"Bakit?" tanong nito.

"It just that. Bakit? Ayaw mo ba?"

"No, gusto ko. Gustong-gusto ko. Matagal ko nang pinapangarap na magkaroon ng kapatid," ani ni Patricia na ngayon ay nakangiti na.

Napangiti ako dahil napakaamo ng pagmumukha niya at napaka-inosente niya.

"Ilang taon ka na nga pala Sophie?" kuryosong tanong nito sa'kin.

"Kaka-17 ko palang noong April 12," sagot ko naman.

Napasinghap pa ito at napatakip sa bibig nang sabihin ko 'yon.

"Bakit?" Nagtataka ako kung bakit ganoon nalang ang pagkagulat niya.

"Birthday ko kasi April 11, 17 lang din ako," masayang ani nito.

What?! 17 lang din pala siya? Atska isang araw lang ang tanda nito sa'kin. Ang awkward naman kung tatawagin ko siyang ate di ba?

"Ahh, Pat na nga lang pala ang itatawag ko sa'yo. Isang araw lang naman ang tanda mo sa'kin," alanganin kong sabi sa kanya.

"Hala, okay lang sa'kin Sophie kung ate ang itatawag mo sa'kin," agad naman nitong tugon.

"No, I insist. Masyadong awkward eh."

"Sige, ikaw bahala."

After our conversation ay nagpaalam na ako at bumalik na rin sa kwarto ko para magpahinga. Gusto kong magkaayos kami ni Adrian pero hindi ko alam kung papaano. Kung humingi kaya ako ng tulong kay Patricia? Argh! No. Problema ko naman 'to kaya ako ang mag-aayos.

Kinaumagahan ay maaga talaga akong nagising para mag-bake ng cookies na gusto ng bestfriend ko. Peace offering ko sana para magkaayos na kami. Ito na kasi 'yong pinakamatagal naming away and I don't like it. Na-mimiss ko na siya. Wait, ako? Na-mimiss si Adrian?! I shake my head and yeah na-mimiss ko 'yong kulitan namin, yeah that's it! Hindi si Adrian. Awkward pa akong tumawa sa isip ko. Naabutan naman ako ni Patricia kusina, mukhang bagong gising lang din ito. Sa bagay masyado pa naman talagang maaga. Hindi ito lumapit sa'kin at nagkasya na lamang ito sa panaka-nakang pagsilip sa ginagawa ko mula sa living room.

"Pat, come here. Samahan mo ako," tawag ko.

"Hala, okay lang ba?"

"Yeah, of course. Halika turuan kita."

Lumapit naman si Patricia at magiliw itong nakikinig sa lahat ng itinuturo ko. Kung minsan kasi kapag bored ako ay lagi akong nag-babake at ang taga-tikim lagi no'n ay si Adrian.

"Ang sarap," masayang ani ni Patricia sa'kin.

"Syempre! Ako yata nag-bake niyan," sagot ko naman.

"Ang galing mo naman Sophie, sana ako rin makagawa ng ganito kasarap na cookie."

Ngumiti lang ako ng kaunti sa kanya at napatingin ako sa gawi ng malaking orasan namin sa sala. Hala! 8 a.m. na pala. Isang oras din pala kaming nag-uusap ni Patricia sa may kusina.

"Pat, pakibantayan muna ang mga cookies huh? Maliligo muna ako saglit."

Tumango naman si Patrica at agad-agad akong pumanhik sa kwarto ko para maligo. Gusto ko sana personal ibigay kay Adrian 'yong cookies na ginawa ko. Alam kong matutuwa 'yon, dahil may pagkamasiba 'yon sa pagkain. Habang naliligo ay hindi ako mapakali. Kinakabahan ako baka kasi hindi niya ako patawarin. So what? sigaw ng isip ko. Oo nga naman, masyadong mababaw ang dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi niya pa rin ako napapatawad. Naalala ko pa noon nang masira ko accidentally 'yong game console niya. Isang araw lang niya ako hindi kinakausap no'n. Ngayon, mag-iisang linggo na dahil lang sa misunderstanding namin sa ospital.

Nang matapos akong maligo ay nagtagal pa ako sa kahahanap ng maisusuot. Wala kasi akong makita na gusto kong suotin ngayon. Gusto ko sana 'yong presentable. Teka, teh? Maghahatid ka lang ng cookies, hindi ka pupunta kung saan. Nabitawan ko naman ang mga damit ko na hawak-hawak ko kanina at hindi ako makapaniwalang kinalkal ko lahat ng 'yon makahanap lang ng maisusuot para maghatid ng cookies sa kanila. What's happening to me? Lately, parang hindi ko na kontrolado ang katawan ko.

Isang simpleng yellow dress lang ang pinili ko. Above the knee ito at off shoulder. Okay naman, parang hindi naman siya over kung titignan. Naglagay lang din ako ng yellow headband para matchy-matchy no'ng dress ko. Halos makipag-debate pa ako sa sarili ko dahil gusto ko sanang maglagay ng light make up pero may isang bahagi ng isipan ko ang nagsasabi na mag liptint at kilay nalang ako. I chose the latter at pinakalma muna ang sarili ko bago lumabas. Nang mawala 'yong kaba ko ay masaya akong lumabas ng kwarto. Pagbaba ko sa hagdan ay agad akong nakarinig ng mga boses sa kusina. Buong akala ko si Patricia at si Manang lang pero noong narinig kong mabuti ang isang familiar na tinig ay agad akong nagtago.

"Wow Pat! Marunong ka pala mag-bake?" si Adrian.

Anong ginagawa ni Adrian dito? Ang aga-aga pa eh. Hindi ko alam kung aalis ba ako sa pinagtataguan ko o hindi, pero nanaig sa puso ko ang kagustuhang marinig ang pinag-uusapan nila.

"Hindi Adi, hindi ako ang nag-bak--." Hindi pa natatapos ni Patricia ang sasabihin nito dahil agad namang sumingit magsalita si Adrian.

"Favorite ko 'to eh. 'Wag mong sabihing ginawa mo 'to para sa'kin?" tanong nito.

What the heck? Tanga! Ako ang gumawa niyan. Sarap mo talaga bugbogin Adrian. Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil nagsisimula na naman itong manikip.

"Hindi nga a--."

"Sus, 'wag ka nang mahiya. Na-appreciate ko promise."

Hindi ko alam pero unti-unting nag-iinit ang sulok ng mga mata ko habang pinapakinggan ang pag-uusap nila. Ako 'yon eh, ako 'yong gumawa nang cookies hindi si Patricia kung 'di si Sophie, na bestfriend mo. Mukha akong tanga, sa sarili kong pamamahay ako pa 'yong nagtatago at natatakot na makita nilang dalawa. Ayaw ko nang ganitong pakiramdam. I've decided na tanggapin si Patricia sa buhay namin ayaw kong maging unfair, pero hindi ko alam bat parang ako naman 'yong dehado at nawawalan ng lugar.

Aalis na sana ako sa kinatatayuan ko nang ang makulit kong katawan ay sumilip parin ng kaunti sa ginagawa no'ng dalawa sa kusina. Kitang-kita ko kung paano halikan ni Adrian ang pisngi ni Patricia sabay takbo at may bitbit na cookies sa kamay.

"Salamat sa cookies Pat, 'yon na 'yong pambayad ko sa'yo," si Adrian habang papalayong tumatakbo papalayo kay Patrcia.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. He kissed her! He kissed her on the cheeks! Natataranta ang buo kong sistema at hindi ako makagalaw. Nang tignan ko ulit si Patricia ay nakahawak lang ito sa pisngi habang tinitigan si Adrian na tumatakbo papalayo sa kan'ya. I saw how she react to that kiss and  I came up with the realization, Adrian likes Patricia! And I'm sure of it.

The Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon