TTW9

37 0 0
                                    

"Sophie," tawag ni Patricia sa'kin. Naiilang ang babae sa mga titig ng mga classmate namin. Nauna pala siyang nakarating sa classroom. Kasama ko ngayon si Jaspher na ABM rin ang kinuhang strand. Si Adrian naman ay nasa STEM kaya hindi namin siya kaklase.

"Pat," mahinang tawag ko sa kan'ya. Hinawakan ko pa ang kamay nito cause I feel her trembling. Naawa naman ako bigla, hindi siya sanay sa maraming tao dahil may social anxiety ito buhat noong pinagmalupitan siya ng mga kamag-anak niya.

"Jas, dito na ako ah."

"Sige Sophie, nasa likuran niyo lang ako." Umupo naman si Jaspher sa likuran namin ni Patricia habang itong katabi ko hindi pa rin tumitigil sa panginginig.

"Hey, it's alright," saad ko sa kan'ya. Nilingon niya ako at ngumiti lang ito ng pilit.

OK, she's not fine. Argh! 'Yong gusto kong mainis sa kan'ya pero hindi ko magawa dahil napaka-bait niya naman at wala naman siyang ginagawang masama sa'kin.

"Okay everyone please be settled." Biglang may pumasok na middle-aged woman na may suot na salamin sa mata. Sa appearance palang nito alam kong adviser namin siya. Nagsimula naman ang introduction.

Maraming namangha sa ganda ni Patricia habang ako nandito lang sa gilid. Agad namang pinalibutan ng mga kaklase namin si Pat. Marami silang itinanong sa kan'ya wala akong nagawa nang halos matumba na 'yong inuupuan ko dahil sa dami ng nakiki-usyoso. Na kesyo ang ganda raw ni Pat at mukha raw siyang si Mama Mary. Tatayo na sana ako para umalis sa kinauupuan ko ng bigla akong maitulak ng isang kaklase naming babae.

"Aray," mahina kong ani.

Hindi man lang ako sinulyapan at patuloy lang ito sa pakikipag-usap kay Pat. Mukhang unti-unti nawawala naman ang kaba ng kapatid ko kaya kahit papaano nawala 'yong pag-aalala ko sa kan'ya.

"You okay?" tanong ni Jaspher nang makita niya ako na nasa sahig hawak ang tuhod ko.

"Yeah," mahina kong sagot.

Inalalayan niya akong makaupo sa upuan nito at naglabas ng band aid para lagyan ang sugat ko sa tuhod.

"Jas, hindi na kailangan," saad ko.

"Let me," si Jaspher.

Pinanood ko lang kung paano niya lagyan ng band aid ang tuhod ko. Ingat na ingat ito na hindi ako masaktan. Napangiti naman ako dahil he's still very consistent kahit pa noong una.

"Thank you," sinsero kong ani sa kanya.

"For what?"

"For being here," sagot ko. Kahit na hindi na ako mag-explain alam na nito ang ibig kong sabihin. I'm thankful na nariyan siya dahil kahit papaano ay nararamdaman kong may kumakampi sa'kin.

"Si Patricia nalang kaya rep. natin sa foundation day para sa search?" bulong nang isa naming kaklase.

"Di ba ayaw ni Pat, 'yong kapatid ang sasali," sagot nang isa.

"Si Sophie ba? 'Yong may salamin sa mata? Di-hamak naman na mas maganda 'yong kapatid niya. Bat siya pa?"

"Eh ayaw ni Patricia eh, wala tayong magagawa."

"Sure win na sana kung si Patricia ang kasali."

Hindi naman masakit. Hindi masakit na kahit alam nilang naririnig ko lang 'yong pinagsasabi nila ay wala pa rin silang pakialam. Nagulat lang din naman ako kanina nang sabihin ni Pat na ako nalang ang sasali instead of her. Hindi ko alam kung bakit ang aga nilang mag-aasign ng mga gagawin sa foundation. Sabi nila ganito raw talaga sa AU, first day of school ay nag-aasign na sila para hindi masayang 'yong oras para sa klase para wala ng meeting-meeting sa susunod at alam na namin ang gagawin. Hindi na rin ako nakaangal dahil alam kong mahiyain talaga si Pat ayaw ko namang ilagay siya sa posisyon na mag-cacause ng breakdown niya dahil sa kinakabahan siya at hindi magandang tignan na napipilitan siyang gawin ang mga bagay-bagay.

"Sorry talaga Sophie huh?" si Patricia. Nandito kami ngayon sa Cafeteria. Kasama naman namin si Jaspher na tahimik lang kumakain sa gilid.

"Okay lang, ano ka ba." Hinawakan ko naman ang kamay ni Patricia para ipaalam na okay lang talaga at 'wag na siyang mag-alala.

"Di ba Jaspher pangalan mo?" biglang tanong naman ni Patricia kay Japsher na nasa harapan namin. Tumango lang si Jaspher at nagpatuloy sa pagkain.

"Ang cute ng name mo."

"Uh, thanks," sagot ni Jaspher.

"Friend mo si Sophie?" Ayaw ko sanang mag-isip ng masama pero parang interesado si Patricia kay Jaspher dahil sa inaasta niya ngayon.

"No, I'm her suitor." Halos mabilaukan pa ako dahil sa sinabi ni Jaspher. That man smirked at my reaction at napangiti ito habang kumakain. Nagpabalik-balik naman ang tingin ni Patricia sa'kin atsaka kay Jaspher.

"Really? Bagay kayo!" she said.

Hindi na umimik si Jaspher at kinuha na lamang ang cellphone nito sa bulsa at naglaro ng games. Natutuwa ako sa kinikilos niya. Siya 'yong unang tao na hindi nasisiyahan makipag-usap kay Pat at hindi rin ito nagpapakita ng interes sa babae. Hindi ko alam pero I am happy to know that, 'yong pakiramdam na hindi ako inagawan dahil hindi siya nagpasilaw sa ganda ni Patricia.

"Ang tahimik niya no?" bulong sa'kin ni Patricia.

"Yes Pat, piling tao lang kasi kinakausap niya."

"Ganoon ba? Ang cute pa naman niya," nakangiting saad ni Patricia habang nakatingin kay Jaspher.

"Adrian?" tawag ni Pat kay Adrian nang makita niyang naglalakad ito papunta sa'min.

"Dela Costa," tawag ni Jaspher kay Adrian.

"Santos," seryosong tawag nito kay Jaspher.

"Jas, tara library muna tayo," anyaya ko kay Jaspher.

Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko at hinila sa upuan si Jaspher. Ayaw ko na munang nasa iisa kaming lugar ni Adrian ngayon. Lalo na't magkasama silang dalawa ni Patricia. Iniiwasan kong magsama-sama kaming tatlo para maka-move on na rin ako dahil pagod na ako sa kakaiyak. Nagmumukha lang akong tanga.

"Chill Sophie, malayo na tayo sa kanila."

"Sorry," saad ko naman at binitiwan ang mahigpit na pagkakahawak ko sa kamay niya.

"Stop worrying, everything is going to be fine. Makaka-move on ka rin," ani ni Jaspher. Nagulat naman ako dahil sa sinabi niya. Paano niya nalaman? Paano niya nalaman na nag-momove on ako ngayon?

"Bat mo alam?" takang tanong ko.

"In how many years na lagi kitang pinagmamasdan kabisado ko na ang bawat reaction mo sa mukha pati mga kilos mo," si Jaspher. "In love ka kay Dela Costa kaya iniiwasan mo siya."

"I-I don't know what to say, sor--."

"Don't say sorry Sophie, handa akong tulungan ka para makalimutan mo siya kung ang maging rebound lang ang solusyon ay masaya kong gagawin para sa'yo."

Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa sinabi niya. Hindi ko gusto ang ideya ng pagiging rebound dahil hindi niya deserve maging ganoon. Hindi ko hahayaan na lamunin ako ng nararamdaman ko para kay Adrian para masaktan ko si Jaspher, ang nag-iisang taong hindi ako kinalimutan at nagparamdam na hindi ako nag-iisa.

The Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon