Sumapit ang gabi at sabay-sabay kaming kumain tatlo. Pagkatapos kong lumabas mula sa kwarto namin ni Patricia kanina ay naglakad-lakad ako sa paligid. I breathe out all of the negativities from a while ago. Kanina ko pa kasi dinadamdam ang sinabi ng kapatid, ayaw kong umabot sa punto na pati 'yong relasyon naming dalawa bilang pamilya ay madehado dahil sa problemang meron sa kanila ni Adrian. I'm torn between my best friend and my sister. Nandoon ako sa part na napakahirap pumili ng side. First of all, kasalanan naman ni Patricia kung bakit sila ganito ngayon. She broke Adrian's trust from the very beginning and now she's venting all her frustrations unto me. That's not fair! All I did was support them hanggang sa makakaya ko. I'm not her rival for Christ's sake! I'm her sister, sana itatak niya 'yan sa utak niya.
Habang kumakain ay wala ni sinuman sa amin ang umiimik. Tunog lamang ng mga kubyertos ang siyang maririnig mo sa buong hapag-kainan. The awkwardness of the situation is filling the air, umaalingasaw ang pagkailang namin sa isa't-isa. Si Adrian kay Patricia, si Patricia naman kay Adrian atsaka ako sa kanilang dalawa. Ako na 'yong dakilang "third wheel." Mapa-kahit anong selebrasyon ay nandoon ako sa pagitan nila. Argh!
"I'm full," biglang ani ko. Marahang kong iniangat ang plato, baso atsaka mga kubyertos na gamit ko at nagtungo sa dirty kitchen ng bahay para hugasan. Pagkatayo ko ay siya ring pagtayo ni Adrian mula sa pagkakaupo.
"Ako rin, busog na ako!" masiglang ani ng kaibigan. Naiwan na lamang si Patricia sa hapag habang nakayuko ang ulo.
Nang makalapit sa akin ang kaibigan ay napailing na lamang ako.
"Ano na naman 'yan Sophie?" Pinitik ni Adrian ang nakakunot kong noo at pagkatapos ay inilagay niya sa lababo ang hawak nitong plato. "Pahugas," aniya.
"Hanggang kailan mo iiwasan 'yong isa?" seryoso kong tanong sa kan'ya. Tutok ang mga mata ko sa paghuhugas ng plato habang si Adrian naman ay nakasandal sa pader sa may gilid ko.
"Hindi ko siya iniiwasan," saad niya. I can't look at him right now dahil nasa mga plato pa rin ang konsentrasyon ko.
"Do what you have to do, Adrian," I said.
"Alam ko," mahinang tugon ng kaibigan.
I don't want to nag him all the time about them. Alam ko na nagpipigil lang si Adrian, he's hurt pero pinipili niyang harapin 'yong nangyari kahit durog na durog pa siya hanggang ngayon. I know how much he loves Pat, pero kasi hindi biro 'yong traumang pinaramdam ni Patricia sa kan'ya. Pat is so insensitive at may gana pang pagselosan ako.
Pagkatapos kong maghugas ng plato ay agad akong pumunta sa kwarto namin para kunin lahat ng gamit ko. I decided to move out for the sake of a peaceful mind. Pat needs to learn on her own at ayaw ko ng makialam pa. I'm silently packing my things when I heard the door open. Hindi ako lumingon dahil alam ko naman kung sino ang pumasok do'n.
"You're packing," Pat said. Nasa likuran ko siya dahil ramdam ko ang presensya niya sa likod ko.
"I need my own space, you can have this room. Sa baba na lang ako," agad kong tugon.
"Is that so?"
"Yes," I simply replied. Bumalot ang katahimikan sa aming dalawa. Hindi na ako muling nagsalita dahil hindi rin naman nagsasalita si Patricia.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kanina Sophie," bigla niyang ani sa'kin. Napalingon ako kay Patricia na ngayon ay nasa kama na at nakaupo.
"What do you mean?"
"May pagtingin ka ba kay Adrian?" Pat asked.
Nagkatitigan kaming dalawa. Titig na nanunuot sa bawat kalamnan at parang binabasa niya ang lahat na bumabakas na reaksyon sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
The Third Wheel
RomanceBlurb: I was there when I saw him staring at her full of love for the first time. I was there when he confessed. I was there when she said "Yes" to him. I was there when they had their first date. I was there when they had their massive fight. I wa...