TTW16

32 0 0
                                    

Hindi pa rin bumabalik ang ilaw at wala pa rin ni isang tao ang nagagawi sa banyong 'to. Unti-unti ko nang nararamdaman ang kirot at sakit nang sugat na tinamo ko kanina. Sumuko na rin ako sa pag-akyat sa pader dahil alam ko namang hindi na ako aabot. Nakaupo lamang ako sa inidoro habang yakap-yakap ang sarili. Nanginginig ako sa takot at pagkadismaya. Hirap na rin akong huminga dahil sa phobia ko. Impit na lamang akong napaiyak nang marinig ko ang masigabong palakpakan na nanggagaling sa court kung saan ginaganap ngayon ang pageant. Isa pa sa pinagtataka ko ay ang pagiging kompleto ng mga contestant. Hindi ko alam kung sinong pumalit sa pwesto ko. Pero mukhang may hinala na ako kung sino.

"Si Pat." Mapakla akong napangiti at naitaas ko ang aking paningin sa madilim na kisame. Alam kong wala nang iba pang papalit sa pwesto kung 'di siya lang. Well, siya naman talaga 'yong dapat na kandidata parang pinahiram niya lang sa'kin ang pwesto atsaka ibinalik ulit sa kan'ya.

"Tulong," mahinang ani ko. Napapaos na rin ako sa kakasigaw. Mukhang matatagalan pa bago ako makaalis dito dahil nagsimula na ang pageant at tutok ngayon ang mga tao ro'n.

Bakit si Patricia lagi? Magiging ganito na lang ba lagi ang papel ko? Second choice sa lahat ng bagay dahil mas nakikita nila ang halaga ni Pat kaysa sa'kin? Ang hirap dahil pinipilit ko'ng maging maabot 'yong tuktok. Nagpapakahirap ako sa mga bagay na hindi ko naman makukuha dahil in the first place hindi para sa'kin. Nakuha niya na ang nag-iisang bestfriend ko, ang rank ko sa school, ang atensyon ng mga magulang ko at ang mga bagay na dapat nasa sa'kin. Pat? Hanggang saan ko kakayanin maging mabuti sa'yo at hanggang kailan ko mapipigilan ang kamuhian ka?

Sa kalagitnaan ng pag-iyak ko at kawalan ng pag-asa ay biglang bumukas ang liwanag. Muling nabuhayan ako ng pag-asang makaalis dito dahil sa liwanag kaya kahit namamanhid ang isang paa ko ay pilit kong kinakalampag ang pinto para makagawa ako ng ingay rito sa loob at nagbabakasali akong may makarinig mula sa labas. Matagal-tagal ko rin iyon ginawa kaya minabuti kong magpahinga muna dahil nahilo ako bigla habang nagpapahinga ay narinig ko ang tawanan ng mga kababaihan mula sa labas. Mukhang papasok sila rito sa banyo kaya bigla akong tumayo at handa na sanang sumigaw.

"Talaga Erika? Ang galing mo naman napapayag mo si Patricia para na siya na 'yong representative natin!" masayang ani ng babae. Nabigla ako at kahit gustuhin ko mang humingi ng tulong mula sa kanila ay naitikom ko ang aking bibig.

Grupo nila Erika na kaklase ko ang pumasok dito sa banyo. Medyo nakikilala ko ang boses nila dahil sila rin 'yong mga kaklase ko na ayaw akong maging kandidata para sa pageant na'to. Mas pabor sila kay Patricia at naisatinig nila iyon matagal na simula pa ata ng klase.

"Chelsea, bakit naman dito tayo nag-banyo? Look oh, out of order!" saad ni Erika. Alam kong itong cubicle ko ang itinuturo nila ngayon dahil may sira naman talaga kaya ngayon hindi ako makalabas.

"Atsaka, ewan ko ba do'n kay Sophie sabi niya magbabanyo lang daw siya pero ayun hindi na bumalik!" inis na wika ni Erika. Si Erika 'yong mag-mamake up sana sa'kin kanina.

"Baka natauhan na!" tawa naman ni Chelsea. "She doesn't fit to be a candidate naman din." Sabay silang nagtawanan lahat habang ako ay pigil ang hininga upang hindi ako makagawa ng ingay. Nahihirapan man ako pero pilit ko pa ring pinapakinggan ang mga pang-iinsultong binabato nila.

"Sure win na tayo dahil kay Pat mabuti na lang talaga at nag-back out na 'yong pelingerang si Sophie, akala mo naman kung sinong maganda at kung makadikit kay Jaspher akala mo linta! May pagka-malantod din 'yong babaeng 'yon eh!" si Erika.

Tanggap ko pa kung pag-usapan nila ang pag-back out ko kuno sa pageant pero hindi ko matatanggap na sasabihan nila ako ng malandi dahil lang sa malapit kami ni Jaspher. Akala ko, magiging masaya at memorable ang senior highschool life ko. Kabaliktaran pala lahat ng nangyayari ngayon.

"Let's go girls kailangan pa natin i-aasist 'yong pambato natin," ani ni Erika atsaka sabay-sabay silang lumabas.

All their attitudes towards me is all lies! Ngayon ay natauhan na ako. Ang hirap maging mabait, inaabuso ka ng karamihan dahil akala nila mahina ka. Ang hirap magpakumbaba dahil iisipin nilang easy target ka sa lahat ng insultong ibabato nila sa pagkatao mo. Pinunasan ko ang luhang ayaw paawat sa paglabas at kanina pa namamalisbis sa pisngi ko. Ubos na ubos na ako. At any time sasabog na lang ako at gugustuhin kong mawala. Magdadalawang oras na akong nakakulong dito kaya naisip ko na wala nang dadating na tao para tumulong sa'kin. I need to stand up on my own dahil walang taong mag-aabot ng kamay nila para itayo ako sa pagkakadapa.

Napangiwi ako nang makita ko ang sahig nitong banyo. Madumi at may mga putik at kailangan kong dumapa rito para makaalis. May maliit na siwang kasi sa ilalim ang pinto nitong banyo. Maliit iyon na mukhang toddler lang ata ang magkakasya sa siwang na 'yon. Pero kailangan kong subukan dahil baka hindi na talaga ako makalabas dito kung mag-iinarte pa ako. Dahan-dahan akong dumapa sa sahig at naramdaman ko na lamang ang basa at putik na unti-unting bumabakat sa buo kong damit. Nabasa agad ang croptop na suot ko at bigla akong nandiri.

"Eww," iyak ko. Pilit kong pinagkasya ang katawan ko sa siwang at kahit naiipit ako ay hindi pa rin ako sumusuko.

"Ang baho!" inis kong ani. Hindi ko talaga kaya ang baho nang pinagsamang putik ang tubig na hindi ko alam kung saan nanggagaling.

Nailabas ko na ang ulo ko kaya mas pinag-igihan ko pang ilabas ang buo kong katawan dahil kating-kati na talaga ako makaalis. Diring-diri at awang-awa na ako sa sarili ko kung bakit ang malas-malas ko. Nang maalis ko na ang buo kong katawan at makalabas na ay napaiyak ako sa galak! Napatayo ako at agad-agad tinignan ang sarili sa harap ng salamin. Puno ng putik ang buo kong damit habang wala na sa ayos ang buhok ko. I managed to get out! Pero parang nakakulong pa rin ang puso ko dahil sa pighati at awa na nararamdaman ko. I don't deserve this, I don't deserve this suffering! Wala naman akong ginagawang masama pero bakit ganoon na lamang nila ako husgahan? At the end, no one comes to save me. No one was there, not even Adrian, the best friend of mine for how many years. Ang taong nakasama ko mula pagkabata hanggang sa lumaki kami. Pat is not here also, my adopted sister na akala ko ay hahanapin ako kapag nawala ako. I expected her to worry about my disappearance at hanapin just how I worried about what happened to her in the past. We were supposed to be sisters but instead she took my place. Kailangan ko bang unawain 'yon? No! kahit katiting ng pag-alala wala silang pinakita, they never bothered to searched for me. And lastly Jaspher, ayaw ko mang magtampo sa kan'ya pero hindi ko mapigilan. Siguro ay masyadong mataas ang expectation ko sa kan'ya. I can say that I'm dissapointed but not surprised. Alam ko, it might sounds selfish to all of you pero no one was there when I needed help. Kinalimutan nila ako na parang hindi ako nag-exist. They have their own priorities and I'm not even in their list while sila nasa listahan ko.

"Cheer up Sophie, your battle starts now," pang-aalo ko sa sarili. "You don't need them, you just need yourself." Ngumiti ako sa sarili ako at ipinangako kong hindi na ako muli iiyak pa. Hindi na ako magkakaroon ng pake sa ibang tao. Mula ngayon I only have me and I don't care about them anymore.

The Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon