TTW21

47 0 0
                                    


(6 years later)

Time really flew so fast. Parang kahapon lang bitter ako sa relasyon nila Adrian at Patricia, ngayon I can wholeheartedly say that I move on! Yes, I'm free to all of those pains, suffering, and bitterness that I kept in silence for a very long time. Hindi ko na rin mabilang kung ilang ulit kong sinubukang magtapat kay Adrian noon, pero laging hinaharangan ng pagkakataon. Siguro nga ay sinadya iyon ng tadhana dahil may mas hihigit pa itong plano sa'kin. Sa loob ng anim na taon ay ang dami ng nagbago. We no longer teens anymore at mas na-dedefine na namin kung ano talagang goals namin sa buhay. Me and Patricia are very close, magkapatid na tunay na talaga ang turing namin sa isa't-isa. Halos hindi kami mapaghiwalay kaya hanggang ngayon ay magkasama pa rin kami sa isang bahay. Mom and Dad were in the U.S. naging malago ang resto namin dito sa Pinas kaya nakapag-patayo kami ng branch sa America, they are currently in the U.S. para hands on na i-manage ang resto namin do'n. Habang kaming dalawa ni Patricia ay naiwan sa Pilipinas, we took over the managing of our resto here in the Philippines, more on ako 'yong pumalit sa pwesto ng mga magulang namin. Patricia decided to chase her passion. She is now a painter who's been gaining popularity day by day because of her works. She's super busy now, dahil kasalukuyang nagpatayo si Patricia ng isang Art Gallery kung saan niya i-di-display ang mga nagawang painting.

Kung tatanungin mo ako but her and Adrian, they're still together and their relationship is getting stronger day by day. Speaking of Adrian, hindi rin magpapahuli ang ulupong na 'yon sa mga achievement. Adrian conquered his stage fright and became a member of the AU band or highly known as the gold squad. The same band, Assumption University created before, naging sikat sila rito sa Pilipinas, and now they are getting recognitions from all over the world. Lead vocalist si Adrian sa grupo kaya minsan na lang din namin siya nakakasama dahil sa mga gigs nito atsaka sikat na siya ngayon, baka dumugin pa kami ng mga fans niya kung sakali.

And as for me, masaya na ako sa buhay ko. Sobrang saya ko sa lovelife ko. Mukhang alam niyo naman siguro kung sino ang nobyo ko ngayon. Oo, si Jaspher. Si Jaspher na walang ibang ginawa kun'di ang suportahan ako. We've been together now for 3 years, and so far masaya kaming dalawa. He is now currently in the U.S. dinadalaw nito ang mga magulang na naka-base do'n. Minsan niya na rin akong isinama sa America at masasabi kong mabubuting tao ang mga magulang niya. Ramdam ko ang mainit nilang pagtanggap sa'kin bilang pamilya. Napag-usapan nga kung kailan daw kami ikakasal ni Jaspher. Nagkatinginan lang kaming dalawa ng nobyo dahil wala pa iyon sa isipan namin. We want take our relationship slowly at i-ni-enjoy namin 'yung isa't-isa.

I was taken aback when I hear knocks at my door's office. Nabalik sa kasalukuyan ang lumilipad kong isipan nang marinig ko ang malakas na katok galing sa labas ng pinto. 

"Sino naman 'yon?" tanong ko sa sarili. 

Pagkabukas ko ng pinto ay tumambad sa'kin si Adrian na may suot na hoodie at sombrero. Kailan pa siya dumating? May world tour kasi ang banda nila ngayon at sa pagkakaalam ko ay next month pa uwi nila. 

"Adrian?" 

"Tabachoy! Na-miss kita!" he said with full of cheerfulness in his voice. 

"What are you doing here? Di ba may world tour kayo?" tanong ko naman. He hugged me tightly atsaka hinila papasok sa loob ng opisina ko rito sa resto.

"Maagang natapos kaya umuwi ako, pero 'yung iba nasa Italy for the celebration party, ako lang talaga ang umuwi."

Nagtataka ako kung bakit napaaga ang uwi ng kaibigan. Ano kayang meron kung bakit siya umuwi.

"You know Sophie, the thing is, I really need your help," saad pa nito. I'm just listening to him habang nagsasalita. I wonder, kung anong tulong ba ang kailangan nito.

"What is it?" tugon ko.

"7th anniversary na kasi namin ni Patricia, gusto ko lang bumawi sa kan'ya. Masyado akong naging busy this few months at hindi ko siya naasikaso. I just want to make it up to her," Adrian said. 

Oh! Tama nga pala. Napaisip ako kung anong buwan ngayon. It's July, and it's the month of their anniversary. Napangiti naman ako sa tinuran ni Adrian, he really loves Patricia at hindi niya talaga sinira ang pangako niya sa'kin noon. 

"But of course! I'm in. Ano bang gusto mong mangyari sa surprise mo?"

"Gusto ko sanang surpresahin si Patricia sa site," sagot nito.

Site? Sa pinapagawa bang building ni Patricia para sa art gallery nito?

"You mean sa pinapagawa niyang art gallery?"

"Yes."

"Paano naman natin gagawin 'yon?" I asked. 

"Mag-po-propose na ako sa kan'ya Sophie," biglang sabi ni Adrian na ikinagulat ko.

"What? Really?" hindi makapaniwala na sagot ko sa kan'ya.

"Yes, matagal ko na ring pinag-isipan 'to. Gusto ko na talaga ibakuran 'yang kapatid mo at baka maagaw pa sa'kin, lalo pa't busy ako masyado," saad pa nito.

Nakanganga lang ako habang nakikinig sa gusto nitong mangyari. Wala naman akong angal doon, masya nga ako para sa kanila. I witnessed how their love started, and I'm so happy na mauuwi nga talaga sa kasalan ang relasyon nilang dalawa.

"Oh my God Adrian!" I scream a little.

"I'm so happy for the both of you!"

"Thank you Sophie, kaya kailangan ko talaga ng tulong mo."

We discussed all the plans Adrian have in his mind. Halos mahigit tatlong oras din kaming nag-usap tungkol sa mga details nito. While I'm listening to him, I can see that he's been planning this for a long time dahil sa ayos ng daloy ng mga plano niya.

"Is that all?" tanong ko nang matapos si Adrian sa pagsasalita.

"Yes, I want to make it simple but special," wika pa nito. 

Ang gusto nito mangyari ay punuin namin ng mga iba't-ibang designs ang likod ng sasakyan nito. He want to use the back of his car for his proposal. About naman sa dinner nila ay nasabi rin ni Adrian sa'kin na kailangan naming mag-set up ng patago sa harap ng building na pinapatayo ni Patricia. A fancy table with lights on, a simple dinner date kumbaga. Gusto kasi ni Adrian na harap ng Art gallery niya gawin 'yon. The art gallery is very important for Patricia, and Adrian wants to make it more special with his proposal. Madali lang naman gawin 'yon lahat knowing na gusto rin ni Adrian na ang resto ko ang mag-cocover no'n. Ako 'yong nakatoka para sa pag-vi-video ng mga nangyayari kaya napakalaki ng role ko para sa memories nila soon.

"That's so romantic of you Adrian, hindi ko akalaing may sweet bones ka rin pala sa katawan!" panunukso ko sa kaibigan.

"Syempre naman noh! Ako pa, mas sweet pa nga ako sa nobyo mong si Santos." Bigla namang nasingit sa pag-uusap namin si Jaspher.

"O? Bakit napasama naman si Jaspher sa usapan?" natatawang tanong ko.

"Matagal ko nang hindi nakikita 'yong kumag na 'yon, buhay pa ba?"

"Loko 'to, mukhang gusto mo atang mamatay boyfriend ko ah?" 

Sinapak ko siya sa ulo at nagtatawanan kaming dalawa habang nag-aasaran. Time really went so fast, at mukhang naririnig ko na ang papalapit na tunog ng kalimbang ng kampana. 

The Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon