"Manang 'yong gown ko ho?" Hindi na ako magkamayaw sa pag-asikaso ng mga gamit ko. Mamaya na kasi ang pageant at ito ako ngayon panay check sa mga gamit na dadalhin ko.
"Iha, relax ka lang. Nasa sasakyan niyo na lahat. Magpahatid ka na lang mamaya sa driver," tugon naman ni manang sa'kin.
Sinipat ko ang relo na suot ko at maaga pa naman talaga. Masyado lang akong kinakabahan dahil matagal ko na itong pinaghandaan. I even lost some pounds para fit na fit ako sa event na 'to. Atsaka i-rerepresent ko ang buong section ko. This is no joke for me. I need to be prepared and all the preparations must be perfectly executed and of course dapat manalo ako.
"Hey." Napalingon naman ako nang makita ko si Patricia na nasa pinto at pinagmamasdan ang ginagawa ko.
"Pat," tawag ko naman.
"You should relax Sophie, alam kong mananalo ka." Gumaan naman ang pakiramdam ko nang sabihin ni Patricia iyon sa'kin. Masyado kasi akong pressured dahil in the first place hindi naman talaga ako dapat 'yong representative. It was Pat from the very beginning masyado lang mahiyain si Patricia kaya naipasa sa'kin.
"You think so?" I asked.
"Yeah, 100% sure!" she blurted out happily. For the past few months ay unti-unti ng nagiging komportable si Pat dito sa bahay. I'm happy for her. Wala naman akong ibang hiling kung 'di ang maging masaya siya at makalimutan niya na ang mga masamang nangyari sa kan'ya sa nakaraan.
"Sasabay ako sa inyo mamaya," si Pat. "Atsaka sasabay na rin si Adrian," aniya.
As the days goes by ay lalong naging malapit sila ni Adrian sa isa't-isa. Expected naman sa kanila 'yon, they looked so in love to each other. Ang kulang nalang sa kanila ay relationship label. Para sa'kin ay unti-unti ko namang natatanggap na hanggang kaibigan lang ako kaya imbes na magpaka-bitter ako minsan ay sinusuportahan ko pa sila.
"We'll surely cheer you on atsaka first time mag-peperform ang AU band ngayon!" kinikilig na ani ni Patricia.
Oo nga pala, ngayon din i-lalaunch ang banda nila Adrian kung saan lead vocalist ang kaibigan. The AU band o mas kilala sa tawag na The Gold Squad. The group composed of four members. Si Adrian na lead vocalist and lead guitarist, si Tyron na drummer, si Sphynx na pianist/keyboardist, and Simon, the bassist of the group. Magkaklase silang apat kaya hindi naging mahirap sa kanila ang bumuo ng banda. Lahat naman sila ay sumalang sa audition. Ang mga taga-music club kasi ang laging nagsasagawa ng audition sa mga ganito and also they have the power to say NO sa bandang binuo ninyo kapag nakita nilang walang potential. You'll be an official band kapag naipasa niyo ang audition nila and of course if NOT, walang bandang mabubuo.
"Yeah I also heard about it. Kinakabahan tuloy ako Pat, what if I made a mistake atsaka matalo?" tanong ko sa kan'ya. Hinawakan niya lang ang kamay ko at ngumiti.
"Alam mo Sophie noong bata ako. I remember my mom always told me na kapag kinakabahan ako ay lagi niyang hinawakan ang kamay ko at sabay kaming nagdadasal," she smiled at me.
Pareho kaming walang imik at sabay naming ipinikit ang aming mga mata. I was surprised when I felt the relief. It works!
"Pat, thank you! Nawala medyo 'yong kaba ko."
"Sabi ko naman sa'yo eh."
4:30 p.m. pa lang ay naipasok ko na lahat sa loob ng sasakyan ang mga damit at costumes na gagamitin. 7:00 p.m. gaganapin ang pageant kaya kailangan kong maaga makapunta dahil may make up pa na gagawin. Atsaka hindi na magkamayaw ang mga classmate ko sa GC, sila kasi 'yong mga mag-aasisst sa'kin mamaya. I got a text from Jaspher wishing good luck to me. He's so sweet talaga. Kahit sa ano paman ay hindi nakakalimot si Japsher na alalayan ako.
"Is everybody ready?" tanong ko sa isang kasambahay namin.
"Yes po ma'am, naipasok ko na po lahat." Tumango naman ako at napahawak sa dibdib. Argh! Hindi talaga mawawala sa'kin ang pag-ooverthink sa mga bagay-bagay!
"Tabachoy!"
"Ay anak ni Marites!" gulat kong sigaw. Napatawa naman si Adrian sa likuran ko at halos mahulog ang puso ko nang makita ko ang ayos niya.
Napakagwapo niyang tignan sa itim na tshirt. May naka-print na AU sa harap at may dala siyang gitara.
"Ang gwapo ko ba?" At nag-pose pa ito sa harap ko. Napatikhim naman ako dahil baka mahalata ni Adrian na kanina pa ako nakatulala sa kan'ya.
"Hmm, okay na rin," sagot ko naman.
"Wow? Parang napilitan lang ah?" Napasimangot si Adrian dahil sa sagot ko. Mamamatay muna ako bago ko siya purihin baka iba pa ang lumabas sa bibig ko at nag-iingat lang talaga ako.
"Adi!" masayang tawag ni Patricia kay Adrian. Napanganga naman ako sa ganda ni Patricia ngayon. Nakasuot si Pat ng puting bohemian dress na above the knee at black pumps. Naka-messy bun ang kan'yang buhok na mas lalong nagpa-define sa buo niyang mukha. Overall mukha siyang diwata habang ako naman ay naka-jeans lang at simpleng croptop! Mukhang si Patricia pa ang sasabak sa pageant sa aming dalawa at nagmukha akong manunuod lang.
"Wow!" bulalas ni Adrian nang makita ang ayos ni Pat. Bigla namang namula si Patricia at napayuko ito sa naging reaksyon ni Adrian.
"Pangit ba?" nahihiyang tanong ni Patricia. Seryoso ba siya? Sa bagay ngayon ko lang nakita si Patricia na mag-ayos ng gan'yan. Liptint at pulbo lamang ang nilagay niya buong mukha pero ang lakas pa rin ng dating. Papaano pa kaya kung nag-make up siya di ba?
"Pat, you look amazing!" si Adrian. "Gusto ko na lang sanang itago ka bulsa ko!"
Napaatras naman ako at lumayo nang kaunti sa kanila kasi alam ko naman ang susunod na mangyayari. Masasaktan na naman ako kung patuloy ko silang panonoorin. Ayaw kong masira ang mood ko ngayon dahil masyadong importante sa'kin ang pageant na'to. Grabe ang effort na ginawa ko kaya ayaw kong masira lahat ng pinaghirapan kong 'yon.
"Ma'am? Aalis na ho ba tayo?" tanong ni Manong Edgar, ang driver namin.
"Opo manong alis na tayo," sagot ko naman. Binalikan ko si Adrian at Patricia sa likuran para sana sabihing aalis na kami nang makita kong magkayakap sila.
"Ay!" gulat kong ani. Napabitaw naman ang dalawa sa isa't-isa at parehong namula. Mapait akong napangiti at napabuntong-hininga na lamang. "Guys, get in. Aalis na tayo." Iniwan ko na silang dalawa roon at sumakay na lamang. Ang saya! Pero wala eh, kailangan kong sanayin ang sarili ko na makita silang gan'yan. Habang masaya sila hindi nila alam na nasasaktan ako nang patago.
Well that's life. Love sucks and I need to deal with it! I hope someday, mahaharap ko na sila na wala nang kirot na nararamdaman ang puso ko. Na sana sa muling pagkakataon na makikita ko sila sa posisyon iyon ay makakaya ko nang ngumiti nang totoo at maging masaya para sa kanila. Hangga't maaari pipiliin kong masaktan para sa ikakasaya nila dahil kung ipipilit ko lang din naman 'tong pagmamahal ko kay Adrian, alam ko naman na hindi ako 'yong taong magpapasaya sa kan'ya.
"Tabs! Good luck!" wika ni Adrian. Napangiti ako sa kan'ya at sinuklian ko rin siya ng Good luck para sa performance nila mamaya. I'm happy for him na unti-unti na niyang natutupad ang ambisyon niya sa buhay.

BINABASA MO ANG
The Third Wheel
RomansaBlurb: I was there when I saw him staring at her full of love for the first time. I was there when he confessed. I was there when she said "Yes" to him. I was there when they had their first date. I was there when they had their massive fight. I wa...