TTW20

47 0 0
                                    

Nagbalik ang diwa ko naramdaman ko ang pagdantay ng isang malambot na bagay sa labi ko. Kasabay nito ay ang pagbuga ng hangin nang kung sinuman sa bibig ko. My whole body feels so weak, ni kahit ang paggalaw ng mga kamay ko ay hindi ko magawa. My heart is beating so slow kaya hirap din ako huminga. Ang huli kong natatandaan ay ang unti-unting paglubog ng aking katawan sa tubig, akala ko talaga ay katapusan ko na kanina.

"Sophie, wake up!" I notice someone is tapping my cheeks dahilan para ako ay magising. I slowly open my eyes, and saw Adrian's face right in front of me, just an inch from where my lips is!

"What the!" I shouted and push him hard. Agad akong napabangon at niyakap ang sarili.

"What are you doing?!" I asked. I stare at him full of suspicious habang nakayakap pa rin ang mga kamay ko sa katawan.

Lumaki naman agad ang mga mata ni Adrian nang napagtanto ang sitwasyon naming dalawa.

"No Sophie, it's not what you think," madiin nitong tanggi. "I'm just giving you a CPR okay? Wala akong ginagawang masama," dagdag pa ni Adrian.

Wait, did he just said, CPR? Mouth to mouth… What? He kissed me?!

"Y-you!" nauutal kong ani habang itinuturo siya. "Y-you kissed me! What the hell Adrian?" Nag-iinit na ang buo kong katawan dahil sa kahihiyan at hindi na ako makatingin sa kan'ya ng diretso kaya hindi ko rin alam kung anong reaksyon nito sa sinabi ko.

"I had to, you're unconscious and what do you expect me to do? Hayaan kang walang malay?" he replied in a soft voice. Agad akong napalingon sa kaibigan nang sabihin niya iyon.

"You idiot! That was my first kiss!"

"I'm sorry, okay? Sorry for stealing your first kiss, best friend!" he mockingly replied.

Argh! I hate him. Bakit siya pa? Never ever in my wildest dreams na si Adrian ang magiging first kiss ko. Yes, I do like him a lot pero hindi ko na-imagine na siya ang unang makakahalik sa'kin. I shut my mouth and Adrian did the same thing. Pareho lang kaming nakaupo sa batuhan na nasa gilid ng talon. We're listening to the sound of nature habang tinitignan ang napakagandang tanawin ng falls na binagsakan naming dalawa. The falls itself is enchanting, it has deep blue clear water, at ang gilid ng talon ay napapalibutan ng naglalakihang mga puno which I found very magical.

"I was so scared when you fell right into this falls," Adrian said habang nakatingin sa talon. "I thought I'm going to lose you."

"Thank you," I sincerely said. "For saving my life," dagdag ko pa.

"Hindi mo na ako iiwasan?" tanong ni Adrian saka tumingin sa mukha ko.

"Maybe," I replied.

"Tara na, baka hinahanap na tayo ng mga kasamahan natin," saad ko. I offer my hand to help him stand up at kinuha naman niya iyon at dahan-dahang tumayo. Saktong paghawak ko sa kamay niya ay siyang pagbuhos ng malakas na ulan. Agad akong napapitlag nang maramdaman ko ang malamig na ulan sa katawan ko.

"Come on, Sophie," ani ni Adrian. Itinuro nito ang isang maliit na kubo sa pinakadulong bahagi ng talon. Maliit lamang iyon na kakasya lang ang dalawang tao sa loob.

"Paano tayo makakabalik niyan?" nag-aalala na tanong ko.

"Shh, makakabalik tayo. Titila rin ang ulan na'to," sagot ni Adrian.

Pero ilang oras na ang nakalilipas ngunit lalo pang bumuhos ang ulan. Lumalaki na rin ang tubig na nanggagaling sa talon kaya natatakot na ako. Mabuti na lang ay nasa mataas na bahagi nakatirik ang maliit na kubong sinisilungan namin at hindi ito basta-basta maabot ng rumaragasang agos mula sa talon.

"Adrian." I am trembling because of the cold, samahan mo pa ng kaba dahil unti-unti ng umiitim ang kalangitan. That means, malapit ng gumabi and here we are stuck in the middle of the rain at hindi alam kung paano makakabalik sa camp.

"Shh, stop worrying. I know someone will gonna find us here," pampalubag loob na ani ni Adrian sa'kin. I'm embracing myself because of the cold. Basa ang aming mga katawan at umuulan pa ng malakas. My body is freezing na kahit pigilan ko ang panginginig ng katawan ko ay hindi umuubra.

"Kung tumakbo na lang tayo Adrian?" tanong ko naman.

"Mas delikado Sophie, we already lost the trail, at napahiwalay tayo sa mga kasamahan natin. Baka kapag umalis tayo rito ay mas lalo pa tayong maligaw."

I kept cursing myself for running like an idiot earlier. Masyado akong pa-bibo kanina, ayan tuloy naligaw na kami at stuck sa isang maliit na kubo.

"Are you cold?" nag-aalala na tanong ni Adrian sa'kin. I just nod my head while still embracing myself. Adrian was just staring at me, at natigil ang mga mata nito sa dibdib ko.

Naibaba ko ang paningin ko sa aking dibdib dahil nandoon ang paningin ni Adrian, at halos mabatukan ko na ang kaibigan dahil sa pagtitig nito sa hinaharap ko. Nakalimutan kong nakasuot lang pala ako ng manipis na puting tshirt kaya bakat ang maitim kong panloob.

"Aray!" si Adrian. Binatukan ko kasi siya para mawala ang paningin nito sa dibdib ko. "Manyak mo!" segunda ko pa.

"Parang wala namang laman eh," sagot pa nito na mas lalong nagpainit sa ulo ko.

Eh di ako na ang flat chested! Palibhasa puros 'yung may mga malalaking hinaharap ang gusto ng mga kalalakihan. 'Yung tipong may extra foam silang pwedeng higaan. Tse! Haler? 17 palang ako at may chance pang tumubo 'to.

"Halika," agad namang sabi ni Adrian. Pinapalapit niya ako sa tabi niya. Nagdalawang-isip naman ako kung lalapit ba ako hindi. Ano namang gagawin ko sa tabi niya?

"Why?" tanong ko habang tinitignan siya.

"Basta," sagot pa nito. Dahan-dahan akong lumapit sa kan'ya at nabigla ako nang yakapin niya ako. Nahigit ko ang aking paghinga nang nagpang-abot ang aming mga balat sa isa't-isa. Kung kanina lamang ay nilalamig ako ng todo, ngayon ay para akong lalagnatin dahil sa init na nararamdaman ng katawan ko. Ang buo kong mukha ay nasa leeg lang ni Adrian, habang ang mga kamay ni Adrian ay nasa mga bewang ko.

"Feel better now?" tanong ng kaibigan.

"Hmm," tanging naisagot ko na lang dahil wala naman akong ibang masabi pa. Paano ako makakapagsalita kung hindi na magkamayaw ang puso ko sa pagtibok. I can smell his perfume at parang nabubuhayan ang buo kong katawan. Napalunok nalang ako ng laway dahil sa pasimple kong pagsinghut sa perfume ng kaibigan. Ang bango-bango niya, bigla naman akong na-conscious kung anong amoy ko ngayon. I know, I did spray perfume kanina pero baka nawala na ang scent no'n dahil sa pagkababad ko sa tubig kanina.

"Adrian, okay lang ako," I said. Gusto ko na kasing makawala baka kasi hanap-hanapin ko naman ito kapag bumalik na kami sa dati.

"Okay lang Sophie, yayakapin kita hanggang sa hindi ka na lamigin," sagot pa nito.

"I'm fine now, hindi na ako nilalamig," pagsisinungaling ko naman.

Biglang nagtayuan ang balahibo ko sa katawan nang singhutin ni Adrian ang leeg ko.

"Hmm, you smell like vanilla always. The scent that I always want to smell everyday," mahina nitong ani. Naguluhan naman ako bigla sa kinikilos niya. Ano naman 'to? Hindi ko talaga siya maintindihan. Marahan akong kumalas sa pagka-kayakap niya at bumalik sa dati kong pwesto.

"Stop it Adrian, huwag mong sasaktan si Patricia," ani ko pa. Hindi ako tumitingin sa gawi ng lalaki at nakatuon ang atensyon ko sa malakas na agos ng talon.

"Wala sa isip ko ang saktan siya," sagot naman nito.

I sighed. He is confusing me big time, o ako lang ba ang naglalagay ng malisya sa mga kilos niya?

"Good, I'll keep supporting you two. Nasa tabi niyo lang ako," wika ko. Tinignan ako ni Adrian sa mata atsaka nagsalita,

"Promise?" he said.

"Yeah," sagot ko. My answer was half baked. I can't truly support them now because of my feelings for him, but I hope someday I can.

The Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon