TTW4

39 0 0
                                    

Naririndi na ako sa usapan nila Adrian at Patricia sa may garden. Nandoon kasi sila ngayon sa labas. Tinutulungan ni Adrian si Patricia na magdilig ng mga halaman. Ewan ko ba sa babaeng 'yan, simula nang dumating siya rito sa bahay ay lahat ata ng tao ay pinupuri siya pati si Manang Selya ay bukambibig nito si Patricia na kesyo mabait daw at masipag na bata. Ilang araw simula nang malakabas ako sa ospital at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapansin ng best friend ko. Nang marinig ni Adrian 'yong sinabi ko kay Patricia ay agad niyang hinatak ang babae at lumabas silang dalawa. Naiwan akong mag-isa sa loob na nakanganga habang tinitignan ang papalayo nilang pigura. Hindi man lang ako hinayaan ni Adrian makapag-explain at agad-agad pumanig kay Patricia.

Ilang beses ko na ring sinubukan kausapin sila mommy at daddy tungkol sa adoption kay Patricia pero lagi nalang bad timing. Kaya heto ako ngayon, nagmumukmok sa loob ng kwarto ko.

"Pat, hindi gan'yan ang paggamit niyan," si Adrian. Dinig na dinig ko ang pag-uusap nila dahil hindi naman kalayuan ang garden mula sa kwarto ko. Nasa baba lang 'yon ng balkonahe ko.

"Hala, paano ba 'to," mahinhing tugon naman ni Patricia. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila pero napabangon ako dahil sa inis.

Nasuntok ko pa ang unan ko dahil naiirita na talaga ako. Bumaba ako sa kama at pumunta naman sa balkonahe ko para tignan kung anong ginagawa ng dalawa sa baba. Kasalukuyang tinuturuan ni Adrian si Patricia gumamit ng hose para diligan ang mga orchids ni mommy. Seryoso? Pati hose? Hindi siya maalam gumamit no'n?

"Hala, thank you Adi," pagpapasalamat ni Patricia kay Adrian. Adi?! Paano niya alam ang nickname ni Adrian? Eh sila tito't tita lang ang tumatawag sa kanya no'n eh. Napataas naman ang kilay ko habang nakaupo sa silya na nasa balkonahe habang nakatingin sa paghaharutan nila sa baba. Hindi pa rin nila napapansin ang presensya ko dahil patuloy pa rin ang dalawa sa pag-uusap.

Hindi ko natagalan ang paglalandian nilang dalawa at pumasok ako muli sa kwarto ko. Ayaw kong maging masama pero parang sa paningin ko nagmumukha akong masama sa ibang tao dahil sa pagtrato ko kay Patricia. Bat hindi nila ako maintindihan? Hindi naman kasi agad-agad ay matatanggap ko na magkakaroon ako ng bagong kapatid. Ni hindi nga hiningi ng mga magulang ko ang opinyon ko. Hindi nila ako tinanong kung okay lang ba sa'kin na mag-adopt sila. Alam ko naman na gusto nilang tumulong kay Patricia pero andami namang paraan hindi lang naman adoption ang solusyon.

Sumapit ang gabi at sabay-sabay kaming kumain nila mommy at daddy kasama na si Patricia. Simula nang nakakasama ko si Patricia sa hapag ay hindi ako nagsasalita at kapag tinatanong naman ni daddy o kaya ni mommy ay maikling sagot lang ang nakukuha nila sa'kin at kung minsan nga'y tango lamang.

"Pat, subukan mo ito. Masarap ito promise," saad ni mommy. Ang tinutukoy ni mommy ay ang inihaw na pusit na paborito ko. Mukhang pati mga magulang ko ay nakakalimutan ako.

"Okay po ma'am Ingrid," mahinang sagot ni Patricia saka kumuha.

"Ano ka ba, mommy na ang itawag mo sa'kin 'wag na ma'am, okay?" Gusto ko sanang tumayo at iwan nalang sila rito sa lamesa dahil mukha ako pa ngayon ang adopted sa aming dalawa.

"Nga pala anak, napag-desisyonan namin ng mommy mo na sa AU narin mag-aaral si Pat. Same grade lang din naman kayo," sabi ni daddy na nagpalaki sa mata ko dahil sa gulat.

No! Pati ba naman sa school ay magkasama kami? Ayaw ko!

"Pero dad, bakit sa AU?" angal ko.

"Bakit hindi?" si daddy. "Mas mabuti na 'yong magkasama kayong dalawa."

"Ah sir, sa ibang school nalang po ako," saad naman ni Patricia. Namumula ang pagmumukha nito na para bang nahihiya.

"It's daddy Pat, not sir or tito." Gusto kong umiyak at magwala. Ano ba?! Anak ba nila talaga ako o ampon lang din?

"Atsaka, AU is a good school. Nakita ko ang mga grades mo. Matataas ang mga marka mo and I'm sure makakapasok ka sa AU," sabi ni daddy na nakangiting tinitignan si Patricia.

How about me? Hindi na naman ba nila kukunin ang opinyon ko rito? Matagal ko ng pangarap makapasok sa AU bakit pati si Patricia ay roon din mag-aaral? This is unfair! Ayaw kong umabot sa puntong kakamuhian ko sila dahil kay Patricia.

"I'm full, excuse me." Dali-dali akong umalis sa hapag-kainan. Naririnig ko pa ang pagtawag ni mommy sa'kin pero hindi ako lumilingon at dire-diretsong pumanhik sa itaas at nagkulong ulit sa kwarto.

Pagkapasok ko pa lang ay agad nag-uunahan sa paglabas ang mga luha ko sa mata. Siguro nasa tatlumpung minuto na akong umiiyak dahil pakiramdam ko ay nababalewala ako ng mga taong nakapaligid sa'kin. Noong una ay si Adrian, pangalawa si Manang Selya at ngayon pati mga magulang ko. Napatigil ako sa paghikbi nang makarinig ako ng katok sa pinto.

"Baby, si Mommy 'to. Can we talk?"

Dahan-dahan akong bumagon atsaka marahang binuksan ang pinto. Nang makapasok si mommy ay umupo ito sa kama ko. Umupo rin ako sa tabi niya at hindi umiimik.

"Are you mad?" marahang tanong ni mommy sa'kin.

Napalingon ako sa mukha niya at nagsalita, "no mom, I'm just disappointed."

"Why?"

"I don't know how to say this pero parang pakiramdam ko inaagawan ako."

Napabuntong-hininga naman si mommy atsaka hinaplos ang mukha ko.

"Baby, don't think about that. Hindi kami mawawala sa'yo. It's just that Patricia really needs our help."

"Bakit po?" kuryosong tanong ko.

"Come here," utos ni mommy sa'kin. She pointed her lap at pinapahiga ako.

"Patricia is a victim of physical abuse. Naalala mo ba no'ng sinabi namin na nagka-emergency sa Cebu? Ni-rerescue namin that time si Patricia sa kamay ng mga abuser niya."

Nagulat naman ako sa kwento ni mommy sa'kin. Hindi ko alam na nakaranas pala si Patricia nang ganoon.

"Ibebenta na sana siya ng mga tiyuhin niya sa isang Amerikano kung hindi lang namin naabutan. Naipakulong namin 'yong mga nang-abuso sa kan'ya at kinupkop si Patricia," pagpapatuloy ni mommy sa pag-kwekwento.

"May kamag-anak siya? Akala ko ba mommy wala na siyang kamag-anak?" tanong ko.

"May malayong kamag-anak si Patricia sa mother side, kaya noong namatay ang mga magulang niya sa aksidente ay roon siya napunta."

Hindi ako nakaimik dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung maaawa ba ako or what. Hindi ako alam kung anong mararamdaman ko dahil sa sinabi ni mommy sa'kin. She was abused at simula noong namatay ang parents niya ay hindi naging madali ang buhay nito. May kung anong pumitik sa puso ko habang iniisip ang naging kalagayan niya noon.

"Kaya baby, I'm sorry kung nararamdaman mo na parang naaagawan ka. Gusto lang namin tulungan si Patricia," malungkot na ani ni mommy sa'kin.

I'm guilty. That's for sure. Guilty ako dahil mas inuuna ko pa ang sarili ko. Naging selfish ako at hindi ko iniisip ang mga bagay-bagay. Alam ko namang hinding-hindi magdedesisyon ang mga magulang ko ng ganito kung hindi kinakailangan.

Nang matapos ang pag-uusap namin ni mommy ay hindi parin mawala sa isip ko ang mga sinabi niya kaya napag-isipan kong lumabas muna at magpahangin sa may garden sa labas. Ipinikit ko ang mata ko at dinadama ko ang sariwang hangin na humahaplos sa buo kong katawan.

"Hala sorry Sophie, nandiyan ka pala." Napabukas ako ng mata ko nang makita ko si Patricia na umaatras habang may dalang isang basong juice sa kamay. Ang hinala ko ay gustong tumambay ni Patricia rito sa garden pero noong malaman na nandito ako ay umatras ito at bumabalik sa loob ng bahay.

"No it's okay, come here."

Nagulat pa ito at nagdadalawang-isip umupo sa katapat na upuan.

"I want to talk to you also." Nang sabihin ko 'yon ay umupo naman si Patricia at seryosong tumitig sa'kin. Napabuntong-hininga ako atsaka tumitig din sa kan'ya. I guess, I'll call her ate from now on.

The Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon