Habang nag-da-drive ay panay lang ang sulyap ko sa kaibigan na nakaupo sa passenger seat. It's been an hour since we saw Patricia kissed another guy at hanggang ngayo'y hindi pa rin ito umiimik. I sighed when I remembered what happened earlier. Hindi pa rin ma-process ng utak ko ang nagawang pagtataksil ng kapatid sa kaibigan.
"Tell me Sophie, what we saw earlier was not real right?" Mabilis akong napalingon sa gawi ni Adrian. Nakayuko lang siya habang nagsasalita.
I don't know what to response. Alam kong tinatanggi ng isip niya ang nakita at in-denial pa siya sa lahat ng nangyari. His brain wants to forget what we saw, and now he's confused.
"A-adrian," nauutal kong tawag sa kan'ya. He lifted his head and looked at me, and asked me again the same question.
"That was not real right? Tell me Sophie? Kasi baka mabaliw ako," Adrian said.
"Calm down Adrian," pagpapakalma ko sa kan'ya. "Mag-uusap tayo pagdating natin sa condo mo," dagdag ko pa.
Gusto ko mang ihatid siya sa bahay ng mga magulang niya ay hindi ko ginawa. He needs time and space right now. Alam kong kailangan niyang mapag-isa sa mga oras na'to. Hindi biro ang traumang naranasan niya ngayon. Kahit naman sino siguro ang nasa posisyon ni Adrian ngayon mararamdaman ang sakit ng pagtataksil. Sino bang mag-aakala na ang mala-fairytale nilang pag-iibigan ay mauuwi sa ganito? As for Patricia, that woman needs to clear her mess. Galit ako sa kan'ya, galit ako dahil I felt betrayed. Akala ko ay matino siya pero bakit nagawa niyang gaguhin ang taong nandiyan sa tabi niya simula pa noong una. Was Adrian not enough for her? Ano bang kulang Patricia?
"Sophie, masakit dito oh, ang sakit-sakit." Itinuro ni Adrian ang puso nito. Nasasaktan ako at nahihirapang makitang umiiyak si Adrian sa harap ko.
"May kulang ba sa'kin? Napabayaan ko ba ang kapatid mo Sophie?"
"Walang kulang sa'yo Adrian, huwag kang mag-isip ng hindi tama. Just hang in there for a while, malapit na tayo sa condo mo."
Hindi na muling umimik pa ang kaibigan. Ang naririnig ko na lamang ay ang mahihina nitong pag-iyak. He is sitting in a fetus position, yakap nito ang sarili at nakasubsob ang buong pagmumukha sa mga bisig. This is the first time I saw him cry. Masayahing tao ang kaibigan ko at ni minsan sa buhay namin hindi ko siya nakitaang naging malungkot. Tanging si Patricia lamang ang nakapag-paiyak ng ganito sa kaibigan. Nanggagalaiti pa rin ako kapag nasasagi sa isip ko ang nasasarapang pagmumukha ni Patricia habang hinahalikan. Grabe! Paano ko sasabihin 'to kila mommy at daddy?
Pagkarating namin sa Condo ay agad napahagulhol ng todo si Adrian. Napasandal ito sa pintuan habang nakahawak sa ulo. He screamed like he's in so much pain. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang panoorin siyang sumigaw at umiyak. Gusto ko siyang hawakan pero natatakot ako.
"Putanginaaa!" he cursed. "Putangina Patricia! Anong ginawa mo sa'tin?" iyak ni Adrian.
Napaiyak ako at hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya. Basag na basag si Adrian ngayon at nakikita ko ang unti-unting pagkasira ng kaibigan. Ang sakit pa lang makita na 'yong taong minsang minahal ko ay nasasaktan ng todo at umiiyak ngayon sa harapan ko. I gave Adrian up without fighting what I really felt about him before, kasi akala ko ay perfect match sila ni Patricia at makakasira lang ako sa kung anong meron sa kanila. Pero fuckshit ka Patricia! Masyado kang magaling magtago ng kati sa katawan.
"Shh, let it out Adrian, iiyak mo 'yan lahat. Kung gusto mo uminom ay walang problema, sasamahan kita kahit saan pa 'yan," pampalubag loob ko sa kaibigan.
"Pat, bakit? Mahal na mahal kita. Nakaplano na sa isip ko ang lahat eh, gusto kitang makasama habang buhay pero mukhang hindi na matutupad 'yon," umiiyak nitong sambit habang nakasubsob sa dibdib ko. Basang-basa na ang tshirt kong suot at nakikita na rin ang panloob na suot ko dahil sa luha nito na walang humpay sa pag-agos mula sa kan'yang mga mata.
"No'ng nakita ko sila kanina Sophie ay parang nanumbalik lahat kung saan kami nagsimula ni Patricia," malungkot na wika ni Adrian. "Lahat ng 'yon nag-flashback sa isip ko at isa-isang gumuho."
"Alam ko Adrian, I witnessed how you two started at nasasaktan din ako sa nangyayari sa inyong dalawa ngayon."
Hindi umiimik si Adrian at narinig ko na lang ang mahinang hilik nito. Nakatulog si Adrian sa dibdib ko habang umiiyak. Exhausted na si Adrian kaninang umaga pa lang dahil sa mga ginawa naming preparations para sa proposal niya tapos samahan pa ng nangyari ngayon. Mabuti na rin 'yon dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko kung mas pinili ni Adrian na magpakalasing. Kahit nahihirapan ay sinubukan kong ihatid siya sa kama niya. Gusto kong kahit ngayon lang ay makapag-pahinga siya dahil panigurado bukas babalik ulit sa isip niya ang nangyari. Nang maihiga ko siya ay aalis na sana ako nang bigla akong hinila ni Adrian pabalik sa kama at sumiksik uli sa dibdib ko na parang bata.
"Patricia," usal pa nito habang tulog. May tumulong luha sa mata niya nang banggitin niya ang pangalan ni Patricia.
Hinaplos ko ang mukha ni Adrian kasabay ng marahan na pagpunas sa luhang namamalisbis sa pisngi niya. Kahit tulog ay tawag pa rin nito ang pangalan ng kasintahan. Sobrang mahal niya si Patricia at saksi ako sa pagmamahal na 'yon. I can't imagine how Adrian will accept and live his life again after this. Parang ngayon pa lang alam ko na ang kahihinatnan niya. Just some few minutes paased when I heard a doorbell coming from the door, maingat akong umalis sa yakap ni Adrian at titignan ko kung sino ang nag-do-doorbell sa pinto ngayon. When I opened the door, the tired face of Patricia is the one I saw. She looked like a total mess, namamaga ang mga mata nito at wala na sa pagkaka-ayos ang buhok at damit na suot.
"Anong ginagawa mo rito?" malamig kong ani.
Napaatras nang kaunti si Patricia dahil sa nakita niyang reaksyon sa mukha ko. What did she expect? Na sasalubungin ko siya ng banda at i-congratulate dahil sa kalandiang ginawa niya? She put herself into this situation and I'm not gonna tolerate her actions kahit na sabihin pang magkapatid kami.
"I just want to talk to Adi," she replied.
"Nasaan 'yong kabit mo? Iniwan mo?" sarkastikong tanong ko.
Kumunot naman ang noo ni Patricia when she heard my question. Parang hindi niya nagustuhan ang tanong na ibinato ko sa kan'ya.
"What's that look Pat?" I asked. "Adrian doesn't want to see you right now, and please huwag mo munang subukang kausapin siya, you brought so much trauma on him, don't ever try to add some more," inis kong wika.
"Gusto ko siyang kausapin Sophie, please, I want to explain. It's not what you think, misunderstanding lang ang lahat." Napailing ako dahil sa tinuran ni Patricia, bakit hindi ko napansin 'to? Patricia isn't Patricia anymore. Ibang-iba na siya sa nakilala ko seven years ago, what happened to her? Sa sandaling panahon ay ang laki na ng pinagbago niya and it's the worst version of her.
"I said NO Pat."
"Huwag ka ng makisawsaw pa Sophie please, problema namin 'to ni Adrian!" Tumaas ang boses nito at nagulat ako. Siya pa ang may ganang magtaas ng boses sa aming dalawa ngayon. Parang nagulat din si Patricia sa nagawa dahil napatakip ito ng bibig.
"Mukhang hindi ka pa gumigising, here let me help you." I slapped her on the cheeks at napaigik ito nang lumapat ang kamay ko sa pisngi niya. She looked at me with her confused face habang sapo nito ang pisnging sinampal ko.
"Wake up Pat, it's not the right time para magtanga-tangahan ka! You hurt him tapos ngayon parang ganoon na lamang?!"
"Gusto ko lang siya makausap Sophie, gusto kong ayusin namin 'to," she said with tears in her eyes.
Gusto kong maawa sa kan'ya pero mas naaawa ako kay Adrian.
"Leave him alone Pat, bumalik ka na lang kapag okay na ang lahat." And by that, sinara ko ang pinto at hinayaang nasa labas lang si Patricia habang umiiyak. Sorry Patricia, it's your fault this time, ayusin mo muna ang sarili mo at baka mapatawad ka pa ni Adrian.
BINABASA MO ANG
The Third Wheel
RomanceBlurb: I was there when I saw him staring at her full of love for the first time. I was there when he confessed. I was there when she said "Yes" to him. I was there when they had their first date. I was there when they had their massive fight. I wa...