TTW6

39 0 0
                                    

He likes Patricia. I know that for sure. Sa kinikilos palang ni Adrian ay alam kong may pagtingin ito. I should be happy right? Pero bakit iba ata ang sinasabi ng puso ko. I'm hurting, it hurts and it sucks. Gusto ko sanang mapigil 'tong sakit sa dibdib ko dahil hindi ko naman dapat 'to nararamdaman. Napahawak ako sa kwintas na ibinigay ni Adrian sa'kin no'ng birthday namin. Naalala ko na naman 'yong pangako namin sa isa't-isa, mukhang hindi na yata 'yon matutupad. Mapait akong ngumiti at napag-pasiyahang magpakita kay Patricia na nakatulala pa rin sa kusina.

"Hi, pwede pa-favor Pat?" tanong ko sa kan'ya.

Mula sa pagkatulala ay nagulat ito nang makita niya ako sa harapan niya.

"Sophie, andiyan ka na pala. Nandito si Adrian kanina," sagot nito at napakamot pa ito sa ulo.

"Talaga ba? Sayang naman," saad ko. Mas mabuti nang magbulag-bulagan ako sa nakita ko kanina. I don't want to hate Pat because of Adrian. Patricia deserves to be here at kailangan niya ng tulong.

"Pwede bang ikaw nalang muna maghatid niyan kina Adrian atsaka 'wag mo na ring sabihin sa'kin galing. Okay lang ba?"

"Bakit naman Sophie? Pinaghirapan mo 'to eh," sagot niya.

"May pupuntahan kasi ako kaya hindi ko maihahatid sa kanila."

"Ganoon ba? sige, ako nalang maghahatid," sagot nito na may ngiti sa mga labi.

Bago pa pumatak ang mga luha ko ay mabilis akong umalis sa kusina at pumunta sa garahe. Inilabas ko ang bisekleta ko. Gusto ko munang mapag-isa at makapag-isip. Naguguluhan ako sa nararadaman ko. I shouldn't feel this way. Habang sakay ako ng bisekleta ay patuloy lang sa pag-agos ang mga luha na kanina pa nagbabadyang lumabas. Hindi na ako makatingin ng maayos sa daan dahil sa pag-iyak ko. Ano ba 'yan! Mukhang kotang-kota na ako sa pag-iyak at mukhang nakakapagod na rin.

Pagdating ko sa burol ay agad akong umupo sa upuang gawa sa kahoy. Kahit papaano ay nababawasan ang lungkot ko kapag natatanaw ko ang malawak na karagatan sa ibaba.

"I knew you were here," saad ng isang boses.

Agad akong napalingon at nakita ko si Adrian sa likuran ko. Hingal na hingal at pinagpapawisan.

"Adrian? Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

"Nagtatampo kasi ang best friend ko eh," sagot naman nito.

"What?"

"Sophie, I'm sorry," sabi ni Adrian. "Sorry kasi nagalit ako bigla sa'yo."

"No, it's okay. Kasalanan ko naman," tugon ko at ngumiti.

"No, I mean. Sana pinakinggan muna kita kasi alam ko naman na hindi ka basta-basta magagalit kapag walang dahilan. I failed as your best friend kaya nahihiya akong kausapin ka baka magalit ka pa sa'kin ng todo." Naglakad ito papalapit sa'kin at umupo sa tabi ko.

Kaya ba hindi niya ako pinapansin dahil akala nito ako 'yong galit sa kanya? Napatampal ako sa noo ko. Halos isang linggo kami hindi nag-usap dahil sa misunderstanding na'to?

"You like her right?" diretsong tanong ko sa kan'ya. Kahit na parang pinipiga ang puso ko ay nakaya ko paring itanong 'yon sa kan'ya. Nag-angat ng paningin si Adrian at tinanaw nito ang malawak na dagat.

"I think so," sagot nito. He's blushing at ang layo ng tingin nito na para bang may inaalala.

I looked at him. My heart is beating slowly at kinakapos ako sa paghinga napakapit nalang ako sa upuan ko para masuportahan ang sarili mula sa pagkahilo.

"That's great, I'm happy for you best friend." Sa nanginginig kong boses ay nagawa ko pang batiin siya. "Mukhang hindi na matutuloy ang promise natin ah, nakahanap ka na kasi," pabiro kong sabi sa kan'ya.

The Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon