"Sophie, sasabay muna ako kay Adrian ha?" paalam ni Patrcia sa'kin. Eksaktong 6:00 p.m. kami nakarating sa school dahil sa traffic mabuti nalang talaga at maaga kaming nakaalis ng bahay kung 'di ay malilintikan talaga ako.
"Sige Pat, kitakits mamaya." Hinalikan ako sa pisngi ni Patricia at tinapik naman ni Adrian ang balikat ko.
Nandito kasi ako ngayon sa backstage dahil sisimulan na 'yong pag-mamake up sa'kin. Kanina pa nangangatog ang mga tuhod ko sa kaba. Pinagpapawisan na rin ako ng malala.
"Sophie, mamake-upan na kita." Nakatingin lang ako sa kaklase kong si Erika. Siya kasi 'yong mag-mamake up sa'kin. Sa pagkakaalam ko ay mahilig talaga siya sa make up kaya hindi na kami kumuha pa ng gagawa sa make up ko.
"Teka Erika, Cr muna ako," kabado kong sabi sa kan'ya. Sinipat muna nito ang suot na relo dahil baka kapusin kami sa oras lalo pa't malapit na talaga magsimula.
"Sophie please pakibilisan mo lang kasi baka hindi tayo umabot," nag-aalalang ani ni Erika.
"Oo, mabilis lang ako promise." Agad akong umalis sa kinauupuan ko at nagsimula nang maglakad papalabas. Medyo may kalayuan ang banyo kaya kailangan ko talagang bilisan ang lakad ko.
Marami na rin akong nakikitang mga kandidata. 'Yung iba ay nakabihis at naka-make up na habang ako ay inaatake pa sa kaba. Pagkarating ko sa banyo ay agad dumiretso ako sa harap ng salamin upang pakalmahin itong puso ko. Pinakalma ko muna ang paghinga ko atsaka tinapik-tapik ang sariling pisngi para makapag-focus ako.
"Ano ka ba Sophie, ngayon ka pa talaga maduduwag?" saway ko sa sarili. "Focus!" dugtong ko pa.
Pagkatapos kong pangaralan ang sarili ko sa harap ng salamin ay agad naman akong nagtungo sa isa sa mga cubicle rito sa banyo. Kailangan ko munang umihi para maliit ang bewang ko mamaya sa pagrampa. Ramdam ko talaga ang kaginhawaan nang maka-ihi ako. Parang gumaan ang pakiramdam ko at natanggal ang 10% ng nerbiyos ko. Sa kalagitnaan ng pagsasara ko sa zipper ng pantalon ko ay may narinig akong isang grupo ng mga kababaehan na kakapasok lang dito sa banyo.
"Alam niyo kinabahan talaga ako do'n sa representative ng ABM strand," sabi no'ng isang babae. Napatigil naman ako sa ginagawa ko dahil mukhang ako 'yong pinag-uusapan nila.
"Sino Lira? Si Sophie ba?" tanong naman no'ng isa nilang kasamahan.
"Oo, akala ko kasi 'yong kapatid ang makakalaban mo Stephie. Ang ganda pa naman no'ng Patricia ba 'yon?"
"Hmm kaya nga. Balita ko rin matalino 'yong Patricia buti na lang talaga at 'yong Sophie ang sumali!" Nagtawanan silang lahat at napahawak naman ako sa dibdib ko.
Para akong napako sa kinatatayuan ko at hindi ako makagalaw. Pinag-uusapan nila kami ni Patricia. Ganoon ba ang tingin nila sa'kin? Alam ko namang mas better choice si Patricia kaysa sa'kin pero hindi ko aakalaing makakarinig ako ng ganitong mga salita galing sa ibang tao.
"Paano ba 'yan Stephie mukhang sure win ka na ata?"
"Hahaha, you think so?" sagot no'ng Stephie.
"Oo naman! Ang hihina naman kasi ng mga kalaban mo!" Nagtawanan ulit sila at naramdaman kong unti-unti nang lumalabas sila ng banyo.
Bigla naman akong natauhan nang maalala ang oras. Hindi dapat ako nakatulala lamang dito sa banyo dahil wala pa akong make-up at malapit nang magsimula. Agad kong hinawakan ang doorknob nitong banyo at lalabas na sana ako nang biglang hindi ko na mabuksan ang pinto. Agad lumukob ang kaba sa dibdib ko nang kahit ilang ulit ko nang binubuksan ay hindi ko pa rin mabuksan talaga. Anong nangyayari? Kinapa ko ang bulsa ko dahil nagbabakasakali akong nadala ko 'yong cellphone ko pero sa kasamaang palad ay naiwan ko pala iyon sa bag ko. Nagsisisigaw ako ng tulong dahil nagbabakasali akong may makarinig sa'kin sa labas pero imposibleng manyari 'yon dahil ang lakas ng tugtog na maririnig mo buong eskwelahan atsaka imposibleng may magawing tao rito sa banyo ngayon. Masyado kasing secluded ang banyong 'to at tago masyado kaya wala masyadong tao.
6:30 p.m. na, 30 minutes na lang at magsisimula na 'yong pageant. Naiiyak na talaga ako. I feel hopeless dahil sa sitwasyon ko. Sumasakit na rin ang balikat ko dahil pilit kong binubuksan ang pinto sa pamamagitan ng pagbunggo ko rito pero hindi nagigiba at masyadong matigas. Hindi pwede 'to! Lahat na ginawa ko at hindi ko pa rin talaga mabuksan. I'm stuck! Pumatong ako sa may inidoro, balak ko sanang akyatin na lamang ang may kataasang pader na ito. Ilang ulit kong sinubukang umakyat pero lagi akong nadudulas dahil sa suot kong sapatos. Hinunad ko iyon at sinubukan ulit pero nasaktan lamang ako nang madulas ang isa kong paa at nasugatan. Mas lalo akong nawalan ng pag-asa dahil sa nakikita ko. Masaganang dumadaloy ang dugo sa paa ko at nagsisimula na akong mahilo.
"Tulong! Tulong! May tao po rito!" sigaw ko. Hindi ako tumigil sa kakasigaw at halos magsasampung minuto na ata kong sumisigaw ngunit wala pa ring nakakarinig sa'kin. At talagang mukhang minamalas ako dahil hanggaang ngayon ay wala pang nagagawi ulit sa banyong 'to.
"Shit!" sambit ko nang makita ko'ng patuloy pa rin sa pagtulo ang dugo sa paa ko. Napapagod na ako sa kakasigaw at pakiramdam ko'y namamalat na ang boses ko pero hindi ko alintana ang lahat ng 'yon. I need to get out of here as soon as possible!
Pinilit ko uling makatayo kahit namamanhid na ang paa ko at kumikirot na rin iyon. Wala na akong panahon para mag-breakdown ang kailangan kong pagtuunan ng pansin ay ang papaano ako makakakalabas mula rito. Muli kong itinaas ang isa kong paa at pilit kong inaakyat ang pader para makaalis ngunit dahil may sugat ako ay naging mahirap sa'kin gawin iyon. Isang pagkakamali ko lamang ay maaari akong malagay sa kapahamakan. Nang mapagtanto ko'ng wala na talaga akong magagawa ay napaiyak na lamang ako.
Pabagsak akong napaupo sa inidora at umiyak nang todo. Hindi na ako makakaabot! Ang lahat ng paghihirap ko para lang sa pageant na 'to ay wala na. Sigurado akong pag-iinitan ako ng mga kaklase ko dahil sa kapalpakang ginawa ko ngayon. Napayakap na lang ako sa tuhod ko at napahikbi. Walang magliligtas sa'kin. Nag-iisa lang ako, kung kailan kailangang-kailangan ko ng tulong wala ni isang nand'yan sa tabi ko. Walang humpay sa pag-agos ang mga luha ko sa mata habang iniisip ko ang mga pang-iinsultong matatanggap ko sa mga kaklase ko. Mapait akong napangiti sa sarili ko. Masyado ba akong naghangad ng mataas? Hindi ko ba talaga deserve 'to? Siguro nga ay tama 'yong sinabi ng mga babae kanina. Mas mabuti nga siguro kung si Patricia ang sumabak sa pageant. Siguro hindi magkak-problema nang ganito.
"Ano na Sophie? Mag-seself pity ka na naman?" tanong ko sa sarili ko.
Hanggang saan ba aabot ang pagkukumpara mo sa ibang tao? Wala namang ibang dapat sisihin ng lahat ng nangyayari sa'kin kung 'di ako lang. Masyado lang siguro akong mapaghangad kaya ako nagkakaganito ngayon. Napayuko ako at ulit ay namalisbis sa pisngi ko ang masaganang luha. Iyak ng pighati at awa para sa sarili. "Adrian? Natatakot ako ngayon, please save me," sambit ng isip ko. Pero alam ko kahit ilang beses ko pa tawagin ang pangalan niya ay hindi niya ako maririnig at maiiligtas dito. He's with Pat at alam naman nating wala ako sa listahan ng priorities niya ngayon. Isa lamang ako'ng hamak na best friend.
May magliligtas ba sa tulad ko? Si Jaspher kaya? Hahanapin kaya niya ako? Kahit ano na lang ang naiisip ko sa mga sandiling ito. Bigla naman akong nagulat nang mamatay ang ilaw sa banyo!
"No!" sigaw ko. "Help! May tao po rito please!" Bigla akong nataranta dahil sa biglaang pagkawala ng ilaw. Hindi naman brownout dahil patuloy pa rin naman sa pagpapatugtog at naririnig ko iyon ngayon. Pundido siguro ang ilaw rito! Ang malas ko ata.
Nagsisimula na akong mahirapang huminga. Claustrophobic kasi ako kaya ayaw na ayaw ko sa mga lugar na maliliit at madidilim. Para akong mawawalan ng hangin at nandidilim ang paningin ko. Unti-unti na rin akong nakaramdam ng hilo at nanginginig na ako sa takot.
"Please! Tulong! Tulong!" paghihisterekal ko. "May tao po rito please, maawa kayo!"
Bigla naman akong napatigil nang marinig ko ang anunsyo na nanggagaling sa court kung saan gaganapin ang pageant.
"Ladies and gentleman, the search for Ms. Assumption University will start now!" Isang masigabong palakpakan at hiyawan ang narinig ko. Mas lalo akong nawalan ng pag-asa dahil alam kong hindi na ako makakaabot.
"Let's call our seven lovely candidates!" sigaw no'ng MC.
Seven? Papaanong kompleto kami eh wala ako roon? Naguluhan naman ako sa nangyari. Sinong pumalit sa pwesto ko?
BINABASA MO ANG
The Third Wheel
RomanceBlurb: I was there when I saw him staring at her full of love for the first time. I was there when he confessed. I was there when she said "Yes" to him. I was there when they had their first date. I was there when they had their massive fight. I wa...