TTW33

47 0 0
                                    

"Kapag talaga pinagloloko mo lang ako Adrian, lagot ka talaga sa akin!" umiiyak kong ani.

"Baliw ka! Dali nga, naghihintay ng sagot 'yong tao eh," angal pa nito.

Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba ang alok niya. Ang hirap naman kasing mag-desisyon. Alam kong mahal ko si Jaspher at para sa akin ay unfair iyon kay Adrian. How can I accept his offer if I'm in love with someone else? Para ko na ring ginawang panakip-butas ang kaibigan. Atsaka pareho pa kaming galing sa heartbreak. Can we really cure each other's broken hearts? Muli kong tiningnan ang mga mata ni Adrian. Puno iyon ng pag-asa at pag-aasam sa magiging sagot ko.

"Kagagaling lang natin sa masakit na break up Adrian. Pat is my sister at hindi ko pa kayang magmahal ulit sa ngayon. Talaga bang seryoso ka riyan?" seryoso kong tanong sa lalaki.

"I wouldn't asked you if I don't," sagot nito sa akin. "Ano ba ang kinakatakutan mo? Si Santos ba? Eh di ba iniwan ka na ng gagong 'yon? He doesn't deserve your love, Sophie at napakaduwag niya! Para siyang hindi lalaki," dagdag pa nito.

Napahigit ako ng hininga. Nariyan na naman 'yong sakit na parang tinutusok ng karayom ang puso ko. Sa tuwing naalala ko lahat ay nanunumbalik sa isipan ko ang pagtataksil ni Jaspher. Ni hindi niya na ako ni-respeto at nagpakasal na lang siya sa iba. Maayos kami no'ng umalis siya at umasa ako na babalikan niya ako rito sa Pinas pero anong napala ko?

"Pwedeng M.U. muna?" tanong ko. Bigla ba naman akong kinaltukan ni Adrian sa ulo at napa-aray ako.

"Ano ka? Teenager? Hoy, Sophie for your information, mahal na kita noon pa and I won't take NO for an answer!" nakasimangot na tugon nito sa akin.

Bigla tuloy akong na-pressure! Walanghiyang Adrian 'to, ang kulit niya at mukhang mapapasubo ako. Nagluluksa pa nga itong puso ko eh at mapapasabak na naman.

"Sophie, please have faith in me. Kung noon ay naduwag ako dahil hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko sa'yo, ngayon ay alam kong sigurado na ako. I want to protect and love you, just give me a chance," madamdamin nitong wika. Gusto kong maiyak dahil hindi ko akalaing maririnig ko mula sa labi ng bestfriend ko ang mga katagang 'yan.

"Hindi ko masasabi kung hanggang kailan maghihilom ang sugat na tinamo ng puso ko. Would you please take care of my heart? Isusugal ko muli 'yong puso ko sa'yo baka sakaling manalo na ako this time," marahan kong sagot atsaka hinaplos ang pagmumukha ni Adrian. Nanlaki ang mata ni Adrian dahil sa narinig at agad niya akong niyakap. Kasabay ng mga luha ko ay siya namang paglakas pa ng buhos ng ulan.

"Is this a YES, Sophie?" kinakabahan na tanong ni Adrian sa akin

Matamis akong ngumiti sa lalaki at sinabing,"yes."

Adrian is so shocked at may ilang segundo pa ito bago nakapag-react sa sinabi ko. Nang mahimasmasan ito ay agad niya akong yinakap nang mahigpit kasabay niyon ay ang paghalik nito sa tuktok ng aking ulo.

Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko atsaka marahan nitong iniangat para magpantay ang aming mga mata.

"Can I kiss you?" panghihingi niya ng permisyo sa akin.

Nahihiyang tumango ako at napakapit pa ako sa beywang ng lalaki upang makahugot ng lakas dahil nangangatog na talaga ang tuhod ko dahil sa kaba. Nanginginig na rin ako dahil sa lamig na dala ng ulan. Nang lumapat ang labi nito sa labi ko ay bigla na lamang nablangko ang isip ko. Ang tanging laman na lang niyon ay ang kiliti na hatid ng labi niya sa buo kong katawan. Muli ay natikman ko ang labi ni Adrian. Hindi ko na alam ang ginagawa ko dahil kusa na lamang sumasabay ang katawan ko sa mga ginagawa ng lalaki.

Nakakaadik ang mga halik niya na napapaungol na ako. I felt this longing sensation na matagal ko ng ibinaon sa puso ko. I can't deny this because it's obvious that I love what he's doing to my lips. Kung minsan ay kinakagat niya ang labi ko at pagkatapos ay didilaan niya ng marahan tapos ilang sandali lang ay sisipsipin niya na naman.

The Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon