TTW11

38 0 0
                                    

Top two... for the first time in my life I'm second place! No, no! This can't be happening. Mali ito, I'm sure mali lang sila sa pag-compute ng grades ko.

"Sophie," nag-aalalang tawag ni Jaspher sa'kin.

"No Jas, something's wrong! Hindi pwede. I've never been second place my whole life. Ni kailanman hindi ako bumaba sa pwesto ko!? Papaanong si Patricia ang nasa top 1?" naghihisterikal kong sabi sa kan'ya.

Pinagtitinginan na ako ng mga tao sa paligid ko. Na-weweirduhan siguro sila sa ikinikilos ko. Iginiya ako ni Jaspher sa isa sa mga bench at pinaupo para kumalma.

"Shh, stop worrying. We can ask our adviser mamaya," he said. Pero kahit anong pagpapakalma niya sa'kin ay hindi ko magawa. Tanaw ko pa rin ang bulletin board kung saan mismo naka-paskil ang mga grades namin. Nakita ko naman si Adrian at Patricia na magkasama at sabay na tumingin sa mga grades nila.

Napatakip ako sa bibig ko nang makita ko kung paano nagtatatalon si Patricia sa tuwa habang si Adrian naman ay nakangiti lamang sa kan'ya. That smile, that used to be mine! Lahat na lang Patricia, simula nang dumating siya sa buhay ko ay lahat nalang nagbago. Ako lang iyong laging number one noon eh! Dumating lang siya at lagi na lang akong pangalawa sa lahat. Nag-iinit na ang sulok ng mga mata ko habang tinitignan sila ng biglang may kamay na tumakip sa paningin ko.

"You don't need to watch them. Ayaw kong nakikita kang nahihirapan," si Jaspher. "Just close your eyes Sophie, I'm begging just once makinig ka sa'kin."

Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan ko si Jaspher na takpan ang paningin ko upang hindi ko makita kung gaano ako katanga ngayon habang umiiyak at tinatanaw sila sa malayo. God knows I really tried. Pero habang pilit kong inuunawa ang sitwasyon namin ako naman 'yong nadudurog ng pino.

"I'm here, cry it all out," mahinang ani ni Jaspher sa'kin.

"I'm tired Jas, hanggang kailan ba ako makikipag-kompentensya sa kan'ya?"

"You dont need to compete with her Sophie. Wala kang dapat patunayan," si Jaspher.

"Unti-unting nawawala 'yong mga bagay na dapat ay sa'kin lang noon. Nasasaktan na ako at natatakot baka paggising ko nalang isang umaga wala nang natira sa'kin." Napahagulhol ako. This realizations really hits me lalo na sa mga nangyayari sa'kin ngayon.

Hanggang sa pag-uwi sa bahay ay laman pa rin ng isip ko ang nangyari ngayon. We asked our adviser kanina kung tama ba ang computation ng grades and she said yes. Wala naman daw dapat akong ipag-alala dahil .75 lang naman daw ang lamang ni Patricia sa'kin. Kayang-kaya ko raw habulin. Hindi naman kasi iyon ang isyu rito eh! That was my spot, halos gabi-gabi akong nag-aaral to maintain where I belong pero madali na naman niya akong natalo. Mapait akong napangiti sa sarili ko. I feel useless at pagod na pagod na ako. Hindi pa ako nakakapasok ng bahay ay narinig ko agad ang mga papuri ng mga magulang ko kay Patricia.

"Really Pat? That's great! My two daughters are really smart. Nakaka-proud!" si mommy.

"We should celebrate!" masayang ani naman ni daddy.

Nagdadalawang isip akong pumasok dahil para akong pinapatay sa sakit. Bat masaya sila? Patakbo akong umalis ng bahay at tinahak ang daan papunta sa burol. I need to breath! Kailangan kong lumayo muna dahil nahihirapan akong makita silang masaya. Inakyat kong mag-isa ang burol habang dumadaloy sa mga mata ko ang masaganang luha. Hindi ko alintana ang dilim ng paligid. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang makalayo sa kanila. Pagdating ko sa kubo ay ibinuhos ko lahat ang luha na kanina ko pa pinipigil. Isinigaw ko lahat ng nararamdaman ko hanggang sa napagod ako at napaupo na lang. I bend my knees at yinakap ko ang sarili habang nakatanaw sa papalubog na araw. Kasabay ng paglubog ng araw ay ang pagpawi nito sa lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng kapayapaan.

"I knew you were here," ani ng isang boses. Napalingon ako dahil sa kaluskos na narinig ko mula sa likurang bahagi at nakita ko si Adrian na papaakyat dito sa kubo.

"Anong ginagawa mo rito Adrian?" I asked.

"Hinahanap kita," sagot niya. Umupo ito sa tabi ko at sabay naming pinagmasdan ang paglubog ng araw.

"Your family invited us for dinner. Celebration daw dahil sa pagiging Top 1 and Top 2 ninyo," pagku-kuwento niya. Malayo pa rin akong nakatingin. At hindi ko masyado binibigyang pansin ang bawat salitang lumalabas sa kan'yang bibig.

"Alam kong malungkot ka ngayon Sophie. Hindi mo iyan matatago sa'kin," nag-aalalang saad niya.

"Hindi mo naman ako kailangang samahan Adrian. Hinihintay ka na ni Patricia."

"No, you need me now. At mas uunahin kong samahan ang bestfriend ko ngayon at damayan."

Napalingon ako sa kan'ya. Best friend, sigaw ng isip ko. Oo, hanggang doon lang pala talaga ako. Minsan nakakalimot din ako kung ano ba talaga ang papel ko sa buhay niya.

"You don't need to, kaya ko naman."

"Sophie, alam ko this past few months ay iniiwasan mo ako. I dont know the reasons pero hayaan mo akong samahan ko tulad ng dati," mahinang sabi nito habang tinititigan ang mukha ko.

"We can't go back to the way we used to before Adrian. May mga tao nang masasaktan kapag ginawa pa natin 'yong mga nakasanayan natin."

"Si Jaspher ba?" tanong ni Adrian.

"No, Jaspher has nothing to do with this matter. I'm talking about you and Patricia. Nililigawan mo na siya di ba? Kaya dapat nasa kan'ya 'yong atensyon mo ngayon at wala sa'kin."

"Bakit ba kailangang magbago kung anong meron tayo?"

"The only constant in this world is CHANGE. Hindi natin hawak ang kapalaran kaya dapat handa ka sa lahat ng pagbabago."

Pagkatapos kong sabihin iyon ay wala ni sinuman sa'min ang umimik at nanatili na lang kaming nakatitig sa ngayon ay itim na kalangitan. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng nararamdaman ko para sa kan'ya pero hangga't kaya ko pipigilan ko ang puso kong mahalin ka Adrian.

The Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon