Simula no'ng nagkausap kami ni Adrian ay naging awkward 'yong mga bagay-bagay sa pagitan namin. Naramdaman ko na unti-unti ay nagakakalamat na ang pagkakaibigan namin. Mabuti na rin iyon dahil mas napapadali iyong paglimot ko sa nararamdaman ko sa kan'ya. Hangga't hindi ito mawawala ay lagi lang akong masasaktan. Nakakapagod din kaya.
"Hindi pa talaga ako mapaniwalang nag-top 1 ako!" sambit ni Patricia. Nandito kasi kami ngayon sa sala at nag-memeryenda.
"You deserved it Pat, nakikita ko naman 'yong determination mo," sagot ko. Pinipilit ko talagang huwag magmukhang tunog bitter. "Well, I think I'm gonna study hard to beat you then?"
"Hoy! Ano ka ba Sophie. Syempre, ikaw pa rin talaga ang matalino sa'ting dalawa. Naka-tsamba lang talaga ako," nakangiting sambit nito.
Patricia is just too pure. Kaya kahit ang laki ng dissapointment ko sa mga nangyayari ay hindi ko pa rin magawang magalit sa kan'ya. Naiisip ko pa lang lahat ng pinagdaanan niya ay lumalambot agad 'yong puso ko. She deserves this. I can't make myself hate her, she's just too innocent.
"Does that mean we're rival na?" tanong ko.
"Parang hindi naman, wala naman akong binatbat kung ikukumpara sa'yo," she replied.
"Pat, listen to me." Tinignan ko siya sa mata. "Don't let yourself suffer okay? I just want you to start over your life with us. Pamilya na tayo and trust me you're the best! Ipagpatuloy mo lang 'yan okay?"
She's a little bit teary eyed at pinapaypayan nito ang sarili na tila ba pinipigilan niyang maiyak.
"Pinapaiyak mo ako Sophie," si Patricia. "I'm so happy, kasi noon hindi ko naranasan ang mga bagay na nararanasan ko ngayon. Natatakot ako na baka isang araw magising ako at panaginip lang pala ang lahat ng ito."
"Pat, shhhh." I sighed and hold her trembling hands. "Hahayaan ba namin 'yon? Your safe with us okay?"
Yinakap niya ako atsaka nagtawanan kami bigla. Sabay kaming napalingon nang may biglang pumasok sa bahay namin at bumungad sa'ming harapan si Adrian na may dalang isang puting rosas.
"Hi!" bati nito.
"Adi!" masayang tawag ni Patricia sa kan'ya. Tumayo ito sa kinauupuan at parang kinakabahan. Hindi kasi ito mapalagay at panay siya pagpag sa damit niya na wala namang dumi.
"Napadalaw ka ata?"
"For you nga pala Patricia." Tumingin ito sa gawi ko at yumuko. He looked apologetic. Anong ibig sabihin ng titig niyang 'yan sa'kin? Hindi naman ako naghahangad ng rosas na galing sa kan'ya.
"Upo ka." Itinuro ni Pat ang kaharap naming sofa at umupo naman do'n si Adrian.
"Pat?" bulong ko.
"Ano 'yon Sophie?" sagot naman niya.
"Maiwan ko na muna kayo baka makaisturbo ako," I said.
Nataranta ito bigla at nanlaki ang mata at napakapit bigla sa bisig ko.
"Are you nervous?" tanong ko.
"Huwag mo kaming iwan please?" What can I do kung gan'yan ang pagmumukha ni Pat ngayon? Sinong makakatanggi kung may isang anghel nagmamakaawa sa'yo?
"Well then, kung hindi ako nakaka-disturbo."
"Ayaw kong maiwan kaming dalawa kasi nahihiya ako, sorry talaga Sophie," sagot pa niya.
Sinilip ko nang kaunti si Adrian at nakatingin lang siya sa'min habang nagbubulungan kami ni Patricia sa harap niya. Na-weweirduhan siguro siya sa ginagawa namin ni Patricia ngayon.
"May problema ba Pat?" si Adrian.
"No, Adi. May pinag-usapan lang kaming private matter ni Sophie." Kinindatan pa ako ni Patricia at tumango na lang ako.
BINABASA MO ANG
The Third Wheel
RomanceBlurb: I was there when I saw him staring at her full of love for the first time. I was there when he confessed. I was there when she said "Yes" to him. I was there when they had their first date. I was there when they had their massive fight. I wa...