TTW13

35 0 0
                                    

"Oh siya iha, ikaw na ang bahala rito," si Manang Selya. Iniwan niya kaming apat sa sala. Hindi pa rin ako makapaniwalang nandito si Jaspher sa bahay.

"Pwedeng umupo?" nahihiyang ani ni Jaspher sa'kin. Nataranta naman ako at hinila ko siya at pinaupo ko katabi ni Adrian.

Nagmukha kaming may double date. Pareho lamang walang imik ang dalawang lalaki sa harap namin. Si Adrian na nakasimangot at si Jaspher na todo ang ngiti habang manghang-mangha na inililibot ang paningin sa buong bahay namin.

"Hala Jas, napadalaw ka ata?" nakangiting tanong ni Patricia kay Jaspher.

"Oo eh, may na-mimiss kasi ako," tugon ni Jaspher.

Kinabahan naman ako bigla sa sinabi niya. Hindi ko alam pero gusto ko sanang hatakin na lang si Jaspher papasok ng kwarto ngayon dahil masyadong wala na sa ayos ang tibok nitong puso ko. Natatakot ako na hindi ko alam. Ayaw kong marinig ni Adrian lahat ng pinagsasabi nitong si Jaspher at dahil diyan gusto ko na lang sana kaltukan ang sarili ko. Masyado kong iniisip ng mabuti ang iisipin ni Adrian patungkol sa'min ni Jaspher, eh ano naman di ba? May dapat ba akong ikatakot?

"Ang ganda pala ng bahay ninyo Sophie," si Jaspher. Nagmumukha itong bata ngayon na nag-eenjoy. Naibaba naman ni Japsher ang tingin nito sa basong nasa center table.

"Uy, buko salad!"

"Jas! kay Adri-" Huli na at hindi ko na napigilan si Jaspher sa pagkain nito sa buko salad. Kitang-kita ko kung paano kumunot ang noo ni Adrian nang makita nito kung paanong nilantakan ni Jaspher ang buko salad na inihanda ni Patricia para sa kan'ya.

Naku, mukhang sasabog na sa inis si Adrian. Hindi ko nga alam kung bakit inis na inis siya kay Jaspher noon paman. Kaya bago paman mag-away ang dalawa ay hinila ko na si Jaspher.

"Sophie, kumakain pa ako," angal ni Jaspher.

"Ano ka ba! Mamaya ka na nga kumain!" bulong ko naman. Hinila ko siya papalabas ng bahay at iniwan sina Patricia at Adrian sa loob.

Lumabas ako ng bahay at nagpunta sa garahe. Inilabas ko ang bike at plano ko sanang magpahangin muna at lumayo sa bahay dahil hindi na naman kakayanin ng puso ko ang makita 'yong dalawa.

"Marunong ka mag-bike?" manghang tanong ni Jaspher sa'kin.

"Oo naman, ang simple lang naman." Hila-hila ko ang bike papalabas ng garahe.

"Akala ko talaga wala kang hilig sa mga ganito. Masyado ka kasing mahinhin eh, nakaka-amaze naman!"

"Tse! Anong nakaka-amaze no'n?" Sumakay ako sa bisekleta ko at inutusan si Jaspher na buksan niya ang gate.

"Ano pang hinihintay mo?" tanong ko naman. "Sakay na."

"Seryoso ka?"

"Oo, bakit ba?" angil ko.

"Mabigat kasi ako." Napakamot pa ito sa batok at nahiya nang sabihin niya 'yon. "Di ba ang pangit namang tignan kung ako 'yong nasa likuran tas babae ang nag-dadrive?"

"Alam mo, ang arte mo!" Bumaba ako at ipinasa ko sa kan'ya ang bike.

"Huh?" nalilitong ani ni Jaspher.

"Ikaw na," saad ko naman. Sumakay si Jaspher sa unahan at sumampa naman ako sa likuran nito.

"Saan tayo?"

"Diretso mo lang," wika ko.

Mahina ang takbo ng bisekleta at napapansin kong ingat na ingat si Japsher sa pagmamaneho. Hindi katulad ni Adrian na masyadong harsh sa pagpapatakbo. Napailing nalang ako nang maisip ko na naman ang kaibigan. Masyadong okupado na ng isip ko si Adrian at hindi na maganda iyon. Kailangan ko na talagang makagawa ng paraan para mawala siya sa sistema ko.

"Okay ka lang ba riyan sa likod Sophie?" nag-aalalang tanong ni Jaspher.

"Ano ka ba Jas, wala na bang mas ibibilis sa pagmamaheno mo?" angal ko.

"Sophie, hindi pwede. Baka mahulog ka," sagot ni Jaspher.

"Boo! Mas magaling pala si Adrian sa'yo eh," bulalas ko. Agad napahawak ang isa kong kamay sa bibig ko. Hindi ko naman sinasadya na mabigkas ang pangalan ni Adrian.

"Masyado nang inuokupa ni Adrian 'yang isip mo. Nakuha na nga niya ang puso mo pati ba naman iyang isip mo," saad ni Jaspher. "Mukhang mapapalaban ako," segunda pa nito.

Naging seryoso bigla ang atmosphere sa pagitan naming dalawa. Naramdaman ko na lang ang unti-unting pagbilis ng padyak ni Jaspher.

"Kapit ka baka ka mahulog," sambit pa niya. "Kung mahulog ka man sisiguraduhin ko namang sa pagkakataong ito ako 'yong unang sasalo sa'yo," makahulugan niyang ani.

Masyadong malalalim ang mga binibitawan na salita ni Jaspher sa'kin ngayon. Alam kong may ibig pang sabihin iyon kaya bigla na lamang ako napahawak sa dibdib ko dahil sa sinabi niya. Kung sana talaga, kung sana ay sa kan'ya ako nahulog ngayon hindi na sana ako masasaktan ng ganito. Dahil alam ko kung si Jaspher ang lalaking minahal ko hinding-hindi ako iiyak.

"Stop crying Sophie, 'wag mong pagmukhaing mahina ang sarili mo."

"Sorry."

"Pilitin mong makalimot Sophie, nandito naman ako at tutulungan kita," mahinang ani ni Japsher sapat na para marinig ko iyon ng klaro.

"Jas?" tawag ko sa pangalan niya.

"Mahihintay mo ba ako?" tanong ko.

"Oo naman Sophie, mahigit tatlong taon na akong naghihintay sa'yo. Nakita mo ba akong sumuko?" sagot ni Jaspher. Napangiti na lang ako at napatango. Totoong tatlong taon na niya akong nililigawan at kahit kailanman ay hindi ako nakarinig ng pag-angal galing sa kan'ya. Kahit na no'ng nalaman ni Japsher ang tungkol sa nararamdaman ko kay Adrian. Hindi niya ako hinusgahan at mas pinili niyang damayan ako.

"Ikanan mo," utos ko kay Jaspher. Nais ko sanang ipakita sa kan'ya ang napakagandang tanawin ng burol. Gusto ko lang din tumakas sa bahay. Inihinto ni Jaspher ang bisekleta at bumaba naman ako.

"Ilagay mo na lang diyan Jas, wala namang magnanakaw niyan." Nauna akong umakyat sa burol at nakasunod naman si Jaspher sa likuran ko.

"Ang hangin!" bulalas ni Jaspher.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at panay lang ako sa pag-akyat sa may katarikang burol na ito. Kapag ganitong summer ay masyado talagang mahangin dito kung kaya't pahirapan din minsan ang umakyat. Nang makarating ay agad naman akong umupo sa kubo. Ang katapat na tanawin nitong kubo ay ang magandang asul na asul na karagatan.

"Whoah! Nakakahingal," wika ni Jaspher. Pinapaypayan nito ang sarili dahil sa kinakapos siya ng hangin.

"Worth it naman," saad ko.

"Yeah, worth it ang hirap Sophie," si Jaspher habang nakatitig lamang sa mukha ko. "Worth it ang paghihintay." Atsaka ngumiti ito ng makahulugan sa'kin. Minsan ay na-weweirduhan talaga ako sa mga kinikilos niya pero iba 'yong kapayapaan ng puso ko kapag si Japsher 'yong kasama ko. Kung si Adrian ay nagagawa nitong patalbugin ng bonggang-bongga ang puso ko. Iba si Jaspher, iba ang kaginhawaang hatid niya. Parang may kung anong mahika si Jaspher na nagpapakalma ng puso ko.

"Palagi ka ba rito?" tanong ni Jaspher.

"Oo, sekretong tambayan namin ni Adrian." Hindi ko talaga madaling maaalis si Adrian sa sistema ko. Masyadong maraming bagay ang nakakonekta sa'min.

"Ah, may ambag na naman pala 'yong best friend mo rito."

"Hindi naman siguro madaling maiaalis ko si Adrian sa puso ko. Masyadong maraming mga bagay ang nakakonekta sa'ming dalawa." Umupo si Jaspher sa tabi ko at napabuntong-hininga na lamang.

"Alam mo Sophie, katulad ka ng kubong 'to," sambit ni Jaspher. Napalingon ako sa kan'ya dahil sa sinabi nito. "Nakaharap ang paningin nito sa malayong karagatan. Laging nakatanaw sa malayo at malungkot na nagmamasid. Masyadong ipinukol ang atensyon sa mga bagay na malayo at nakakalimutan ang mga taong nasa tabi mo na lagi-laging sumusuporta katulad nitong puno."

Itinuro ni Jaspher ang puno sa tabi nitong kubo.

"Ako itong punong handang umalalay sa'yo pero sa iba pa rin nakalaan ang atensyon mo," malungkot na ani ni Jaspher.

The Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon