"Adrian?" litong tawag ko sa kan'ya. Nasa harapan na kasi kami ng condo niya at napansin ko na hindi ito 'yong dating tinitirhan nito. 'Yong dating lagi naming tinatambayan. Hindi ito 'yon.
"Hmmm?" sagot nito ngunit nasa siradora ang atensyon dahil kasalukuyan niyang binubuksan ang pinto para makapasok kami.
"Teka lang, hindi ito 'yong dati mong condo!" Sa labas pa lang ng building ay nagtaka na ako. Ibang building kasi itong pinasukan namin kaya naguluhan ako kung bakit kami nandirito ngayon.
"Ah ito ba? Ibinenta ko na kasi 'yong dati tapos bumili ako ng bago." Nabuksan na nito ang pinto at pinauna niya akong pinapasok sa loob. Si Adrian na mismo ang nagpasok sa mga gamit ko at hinayaan niya akong libutin muna ang buong condo. Hindi ko na nagawang makapag-react sa sinabi nito dahil bigla akong nakaramdam ng excitement na malibot ang kabuuan nito.
"You like it?" tanong ni Adrian sa akin. I'm out of words to say. This is my dream condo. Ang ganda nito at mukhang mamahalin talaga.
"Yes! Gustong-gusto ko!" masaya kong tugon sa kan'ya. Napayakap ako kay Adrian at mahigpit nya ring hinapit ang beywang ko sabay halik sa tungki ng ilong ko.
"It's good to hear na nagustuhan mo pala itong bagong condo natin. Let's fill this room with happy memories wife and let's start over again. Hindi na bilang mag-bestfriend kung hindi bilang mag-asawa na," saad nito. Ramdam ko ang sinseridad sa bawat katagang binitawan niya sa akin. Nakatingala lamang ako sa kan'ya habang mahigpit pa ring nakayakap si Adrian sa beywang ko.
"Nge? Ni hindi pa nga tayo kinakasal! Atsaka wala ka pa nga'ng ibinigay na singsing sa akin," sambit ko naman. Nakanguso ako habang tumitingala lamang kay Adrian at nakita kong ngumisi ito bago ako hinalikan sa labi.
"I'll buy any ring you want. But first, let's unpack your things. Atsaka bukas mamimili na muna tayo ng mga gamit dito," he said. Tumango ako at umalis sa yakap nito. Kinuha ko ang mga maletang dala at sumunod ako kay Adrian sa loob ng kwarto.
Pagpasok ko pa lang ay nabungaran ko kaagad ang black and white na designs ng buong kwarto. Mula sa bedsheet nito hanggang sa pintura ay naka-black and white talaga. Alam ko namang mahilig ang lalaki sa ganitong kulay, naninibago lang ako dahil puros pink kasi 'yong dati kong kwarto.
"I can change the color if you don't like this. Don't worry wife. We can paint this whole room into pink," saad ni Adrian. Nakita siguro nito ang gulat ko nang makita ko ang loob.
"No need hon," I replied.
"What did you just call me?" sambit nito na may halong gulat sa mukha. Ha? Anong nangyari sa kan'ya? Bakit parang gulat na gulat siya? May nakakagulat ba sa sinabi ko?
"Hon?" ulit ko pa.
"Say it again," utos pa nito.
"Hon." Bigla na lamang akong kinarga ni Adrian sa mga bisig nito at marahang ibinaba sa kama. He kissed me in the lips at tinugon ko naman iyon. We kissed and we make out until we satisfy each other.
Walang mintis pa rin ang mga haplos ni Adrian sa katawan ko. Everytime he touched me ay lagi na lang ako nangingisay at parang kinukuryente. Kapag si Adrian ay nababaliw ako at nawawala ako sa matinong pag-iisip. All I can do is to moan and moan his name. Para akong ginagayuma ng mga halik nito.
"Hah!" Habol hininga ako nang sa wakas ay binitawan na ni Adrian ang labi ko. Pareho kaming napahiga sa kama na may ngiti sa labi.
"Don't surprise me like that again wife. Baka hindi na kayanin ng puso ko sa susunod," saad ni Adrian. Nakatingala lamang ang lalaki sa kisame habang unan nito ang sariling mga bisig.
"What did I do? Nakamamatay na pala ngayon ang pagtawag ng endearment?" nakangising sagot ko naman.
Tumagilid si Adrian at humarap sa akin. Magkaharap na ang aming mga mukha at kita-kita ko ngayon ang bawat parte ng pagmumukha ng lalaki. This man that I secretly loved before and up until now ay siya pa rin talaga. Wala namang nagbago sa nararamdaman ko para sa kan'ya.

BINABASA MO ANG
The Third Wheel
RomansaBlurb: I was there when I saw him staring at her full of love for the first time. I was there when he confessed. I was there when she said "Yes" to him. I was there when they had their first date. I was there when they had their massive fight. I wa...