I am wearing simple brown pleated pants with a white turtle neck top and a brown blazer for my interview today. Nagkukumahog ako sa pag-aayos sa suot ko. Gusto ko kasi na prensentable akong tingnan lalo pa na ito ang unang beses na haharap ako sa isang job interview.
Ilang beses akong nagpabalik-balik sa salamin upang tingnan ang sarili. As I watched myself from the mirror, I kept feeling a shiver coming from behind. I knew it was from Adrian's bored expression. Nasa may pinto ang lalaki, nakasandal at pinagmamasdan akong mag-panic.
"Tsk." He was intently watching me doing my thing while having an annoyed face. I know that up until now he's against the idea of me working. Kaya hindi maipinta ang pagmumukha niya ngayon.
He was trying to tell me not to push through this plan by giving tantrums. As if naman na papayag ako. We have already talked about this for over a week now. Matinding panunuyo ang pinagdaanan ko mapapayag ko lang siya.
I didn't know he was this close minded. Nakakairita kapag pinagdidiininan nito ang sariling kagustuhan.
"Sino ba kasing nag-utos sa'yo na panoorin mo akong mag-ayos?" naiirita ko na ring tanong.
"Women really have to spend hours just to watch themselves in the mirror over and over again. Job interview pupuntahan mo, 'di ba? Why do you have to overdress?" he commented while raising his one eyebrow to me.
Here we go again with his tantrums. The possessive side of Adrian that I hate. Sometimes being overly possessive is not good. Others might see this as a sweet gesture but not me.
Lagi-lagi ko namang pinapaalala sa lalaki ang mga bagay na 'to at alam ko namang na-ge-gets niya ang pinupunto ko.
"Your bodyguards are outside," nasabi na lang nito nang tingnan ko siya ng masama. Napaatras pa ang lalaki na tila natakot sa titig ko.
I already saw them a while ago. Okay naman sila. I told them that I don't want them tailing me. Ayaw kong nakikita sila sa paligid ko dahil na rin sa gusto kong magkaroon ng normal working environment. And I cannot do that if I have my bodyguards wherever I go.
Magiging center of attraction ako kapag nagkataon. Sino ba naman kasi ang normal ang pag-iisip na kukuha ng bodyguard while working 'di ba? As if namang mayaman na mayaman akong tao.
"I'm good to go," I happily said and winked at him. I just wanna tease him good nang makabawi naman ako sa pang-ba-badtrip niya sa akin kanina pa.
I saw how his eyes danced in amusement as he watched me seductively bite my lips. Naka-red lipstick pa naman ako. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko. He's looking hot while standing beside the door while his hands are inside of his pockets. Like a model posing. Naka-itim na sando lang ang lalaki kaya nagsisilabasan ang mga muscle nito sa balikat.
"Stop making fun of me, lady. You won't appreciate it if my long patience runs out. Buong araw kitang kukulungin sa kuwarto. If I were you, I'd stop teasing me. I don't really have enough control of my pet down there when it comes to you," balik nitong sabi sa akin habang nakayuko.
I glared at him. Halimaw talaga ang isang 'to. Maybe I should stop. Mukhang hindi rin kasi nagbibiro si Adrian. Napatakbo ako ng wala sa oras at mabilis na lumabas sa condo. That man… bigla akong kinabahan nang magtama ang tingin naming dalawa.
Sumunod lang si B1 at B2 sa akin. B1 at B2 lang ang ipinangalan ko sa dalawa para madaling matandaan. I have their contacts in my phone para hindi na nila ako kailangang lapitan pa kung may problema man. May sarili akong sasakyan at may sasakyan ding itinalaga si Adrian sa mga kinuhang bodyguard nito.
"I'm here for an appointment," sabi ko sa receptionist. She confirmed my name and then guided me to the second floor.
Nang makalabas ako sa elevator ay nakita ko na agad ang haba ng pila para sa interview. Sa isang restaurant chain ako nag-apply. Given my knowledge and my experience working at my family's restaurant, this gives me an advantage sa hinahanap nila.

BINABASA MO ANG
The Third Wheel
RomantizmBlurb: I was there when I saw him staring at her full of love for the first time. I was there when he confessed. I was there when she said "Yes" to him. I was there when they had their first date. I was there when they had their massive fight. I wa...