Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng ingay sa paligid. Ano ba 'yon? Bakit ang ingay-ingay. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at unang bumungad sa'kin ang puting pintura ng kisame. Puti? Wala namang puting pintura ang kwarto ko. This is not my room. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko si mommy at daddy na nakaupo sa may dulo ng hinihigaan ko.
"Mm-om," napapaos kong tawag sa kan'ya.
Nagtataka man ay agad ko ring sinuri ang paligid at nagulat ako nang makita ko ang dextrose na nakakabit sa'kin. Anong ginagawa ko sa hospital? Wala akong maalala.
"Peter, gising na anak natin." Agad namang lumapit sila daddy at mommy sa akin.
"Baby? How are you? Kamusta ang pakiramdam mo?" sunod-sunod na tanong nito.
"I-m fine mom," nanghihina kong tugon.
"Sophia, hindi ko na nagugustuhan ang sobrang pag-aaral mo," may pangangaral na sabi ni daddy sa'kin. "Ang sabi ng doctor na over fatigue ka kaya nawalan ng malay."
I passed out? Hindi ko matandaan. Argh! parang binibiyak ang ulo ko. Sa pagkakaalam ko hindi naman ako nag-aral ng dalawang araw dahil okupado ng isip ko si Adrian. Teka?! Di ba nasa Cebu sila?
"Dad? Nakabalik na pala kayo?"
"Baby, kahapon pa kami nakabalik. Wala ka bang maalala?" sagot naman ni mommy.
"Sophia, I know, gustong-gusto mong makapasok sa AU pero dapat ipahinga mo rin 'yang utak mo."
Napatango nalang ako dahil wala naman akong lakas para makapag-salita pa ng todo. Parang ang bigat-bigat ng katawan ko at parang may kung anong tumutusok sa puso ko.
Sabay kaming napalingon nang bumukas ang pinto at tumambad sa paningin ko si Adrian kasama ang hindi ko kilalang babae na nasa tabi niya. May bitbit silang prutas. Sino siya? At bakit sila magkasama ni Adrian? Bigla namang sumakit ang ulo ko at parang nag-flashback lahat ng nangyari bago ako nawalan ng malay. Si Patricia! Siya 'yong inampon nila mommy at daddy. Bakit sila magkasama ni Adrian?
"Tabachoy, gising ka na pala." Biglang lumapit si Adrian sa'kin at inilagay ang dalang supot sa lamesa. Hindi ako umiimik at panay lang ang sulyap ko kay Patricia na kausap na sila mommy at daddy. Hindi ko alam pero naiirita ako sa kan'ya.
"Hoy!" pukaw-pansin ni Adrian at iwinagayway pa ang kamay nito sa harap ng mukha ko.
"Bat mo siya kasama?" mahinang tanong ko.
"Sino? Si Pat ba?"
Pat?! Ganoon na ba sila ka-close para tawagin niya sa palayaw ang babae?! Napasimangot naman ako at nagpatuloy sa pagsasalita.
"Pat? Close na kayo nyern?" paismid kong tanong habang nakatingin parin kay Patricia na ngayo'y nakaupo na sa may upuan sa gilid. Hindi ito tumitingin sa gawi ko at nakayuko lang ito.
"Ahh, medyo nahahabaan kasi ako sa Patricia, kaya Pat nalang." Napakamot pa ito sa ulo habang parang bata na nahihiya.
Nagpaalam naman sila mommy at daddy dahil uuwi lang daw muna sila at sila Adrian at Patricia muna raw ang magbabantay sa'kin. Now what?! Maiiwan kaming tatlo rito?
Nabibingi na ako sa katahimikan dahil wala ni isa sa'min ang nagsasalita. Si Adrian ay nasa gilid ng hospital bed nakaupo habang si Patricia naman nasa dulo. Ayaw kong maging bastos pero ayaw ko talaga sa ideya ng mga magulang ko na ampunin siya. Hindi ko alam kung bakit pero kahit wala itong ginagawa sa'kin ay naiirita ako sa presensya niya.
"Adrian, labas ka muna bilhan mo ako ng pineapple juice," utos ko kay Adrian.
Bigla namang napaangat ng tingin si Adrian sa'kin at nalilitong nagtanong.

BINABASA MO ANG
The Third Wheel
RomansaBlurb: I was there when I saw him staring at her full of love for the first time. I was there when he confessed. I was there when she said "Yes" to him. I was there when they had their first date. I was there when they had their massive fight. I wa...