Everything was so awkward na kahit ang planong pag-rerelax ko dapat ay parang nadagdagan pa ng sampung-libong stress na ngayon ay dala-dala ko. Hanggang sa nakauwi na kami ay ganito pa rin. Para kaming mga robot na walang imik sa isa't-isa. One week ko na ring hindi makontak ang kasintahan kaya okupado rin ang isip ko dahil kay Jaspher.
"Kamusta ang lahat?" tanong ko sa mga staff ko. Nakangiti akong bumati sa kanila isang umaga.
"Okay naman boss! Wala naman pong problema rito. Kamusta po ang bakasyon niyo?" sagot ng isa kong tauhan.
"Naku! Huwag mo nang tanungin. Mas na-stestress ako kapag naiisip ko lang." Umiling ako atsaka iniwan na sila. Dumiretso ako sa opisina dahil ang dami kong trabahong nakatambak ngayon. Problema ko pa si Jaspher na hanggang ngayon ay wala akong nakukuhang balita sa kan'ya. I tried contacting his sisters and relatives pero wala eh. Pareho silang lahat na hindi ma-reached out.
Habang nagtatrabaho ay makailang ulit na akong bumuntong-hininga. I can't stop myself from thinking over Jaspher's situation. What the hell is happening and why can't I contact him? Hindi siya ganito eh. Lagi-laging nag-uupdate si Jaspher sa akin dahil ayaw na ayaw niyang nag-aalala ako. But this is so alarming. It's been almost a week since I last heard from him at hindi na nasundan 'yon.
Dahil sa inis ay naisipan ko na lang e-open ang instagram ko. I was planning to contact him through insta when I saw this tag photo of someone to Jaspher's account. Sa litrato ay nakita kong nakasuot ng puting tuxedo ang kasintahan habang may red carpet at naglalakad ang isang babae papunta sa kinaroroonan niya. The setting was on the beach and the sunset makes it more romantic. Aakalain mong wedding photos ang mga ito! Wait, what?! Nanginginig ang mga daliri ko habang tinitingnan pa ang ibang larawan habang ginagawa ko iyon ay unti-unti akong nahihirapang huminga. Lahat ng litrato nila ay parang isang kasal. Halos mawalan ako ng ulirat nang makita ko ang last photo. Isang litrato kung saan hinalikan ni Jaspher ang babae sa labi! Hindi ito totoo! No, please God No!
Clinick ko ang comments at mas lalo akong nasaktan sa nakita. The comment section is filled with messages of wishes and congratulations to the newlywed couple. Ikinasal siya? Paano? Anong nangyayari? Ito ba 'yong dahilan kung bakit hindi ko na siya makontak pati na rin pamilya niya? Nagpakasal na siya sa iba? Habang may iniwan siyang girlfriend dito sa Pinas? Plano niya na ba ito talaga? May ibang girlfriend ba siya ro'n habang nakipag-relasyon din siya sa akin dito sa Pinas?
Nabitawan ko ang cellphone na hawak at napaiyak ako. Hindi ko na alintana kung marinig man ako ng mga tauhan ko. Basta ang nasa isip ko na lamang ay ang umiyak dahil napakasakit ng puso ko. Paano nagawa ni Jaspher 'to sa akin? Akala ko ba mahal niya ako? Hindi ko maintindihan kung kailan at saan niya ako sinimulang lokohin. Bakit sa ganito pang paraan na malalaman ko na ginago niya pala ako?! Para akong mamamatay sa sakit. Parang nadurog ng pinong-pino ang puso ko nang makita ko ang litrato nilang dalawa na nakangiti. Paano niya ako nagawang lokohin ng ganito? Pwede namang hiwalayan niya ako bakit ganito pa? Atsaka alam ng pamilya niya ang tungkol sa akin! Ano 'to? Pinagkaisahan ba nila akong lahat?
"Jas…" Halos hindi ko magawang masambit ang pangalan ng lalaki habang tinititigan ang nakangiting litrato nito. "Bakit…?" Isang napakalaking katanungan ang iniwan niya sa akin. Pwede namang hiwalayan niya ako di ba? Bakit sa ganitong paraan niya pa akong nakuhang saktan? Dumiretso agad siya sa kasal! Grabe, ano ba ako sa tingin niya? Ganoon ba talaga kadali akong idispatya? Iba't-ibang ideya na ang pumapasok sa isip ko. Hindi ko na kinakaya na pinukpok ko na lang ang ulo ko para mawala lahat ng iyon.
I'm so damn tired and broken. Naiwan ako sa Pinas na walang kaalam-alam na ikinasal na pala siya. Pinagmukha nila akong tanga. Silang lahat! Pinaglaruan nila ako. Ganoon ba kahirap magsabi ng totoo? Wala man lang isa sa kanila ang nakaisip na sabihin sa akin ang katotohanan. Ang tanga, tanga, tanga ko! Nagmamadali akong umalis at hindi na ako nagpaalam pa sa mga tauhan ko. Para akong mababaliw at hindi makahinga nang maayos. Mamamatay ako kapag hindi ko nailabas 'tong sakit na nararamdaman ng puso ko.
Kung sa tingin mo Jaspher ay tuluyan mo na akong naalis sa buhay mo ay nagkakamali ka. Hindi ko hahayaang maging masaya ka habang iniwan mo ako ng walang pasabi. Nilinlang mo ako! Sumakay ako sa kotse ko at dumiretso sa bahay. Plano ko ay ang sundan siya at sirain din ang buhay niya! Napakawalang-hiya niya para gawin sa akin ang lahat ng ito. I don't deserve this. Hindi ako baboy na pwede nilang babuyin. Kasalukuyan akong nag-iimpake nang tumunog ang cellphone ko. May tumatawag sa akin sa instagram at nang makita ko ang pangalan ng caller ay ang nakakabatang kapatid pala ni Jaspher na si Shaniah.
"Ate…" Sinagot ko ang tawag ngunit nanatili akong walang imik. Walang paglagyan ang galit na nararamdaman ko ngayon. Para nila akong pinatay sa lahat ng panlilinlang ng pamilya nila sa akin.
"Ate Sophie. Sana huwag mo nang guluhin pa si kuya. Masaya na siya ngayon ate at nagsisimula na siyang bumuo ng sariling pamilya. Huwag mo nang isipin pang sirain iyon," seryosong saad ni Shaniah sa akin. Mas lalo akong nasaktan sa sinabi niya. Ako pa ngayon ang nagpapagulo sa kanila. Nagka-amnesia ba sila at nakalimutan kung anong parte ko sa buhay ng kuya nila?
"Napakawalang-hiya mo naman para sabihin 'yan sa akin Shaniah," malamig kong tugon. Masaganang namamalisbis sa pisngi ko ang luha ng pagdurusa. "Ano ba ako sa tingin ninyo? Wala kayong isang salitang ipinahayag sa akin at bigla-bigla ko na lang nakita na ikinasal na ang kuya mo. Ginagago niyo ba akong lahat?!" galit kong sigaw.
"Ate please, intindihin mo na lang. Kuya is happier now with ate Kim. Just please move on… Kalimutan mo na lang si kuya," wika nito.
"Ginawa niyo akong tanga Shan… Pinagmukha niyo akong tanga. Masaya na ba kayo? Masaya na ba kayo na may taong nasaktan dahil sa pang-kukunsinti niyo?" umiiyak kong tanong. "Pakisabi sa kuya mo na huwag na huwag na siyang magpapakita sa akin kailanman atsaka sana mamatay na siya!" Ibinaba ko ang cellphone ko at napahagulhol.
Napahiga na lang ako sa sahig habang walang humpay pa rin sa pag-agos ang mga luha ko sa mata. Ang sakit sa damdamin na para akong sinasakal kapag naiisip ko ang masayang pagmumukha ni Jaspher kasama ang babae niya. Para akong tinalikuran at pinagtaksilan ng mundo. Bakit ba lagi na lang akong hindi napipili? Ano bang mali sa akin? Kinikimkim ko lang lahat ng ito na parang sasabog na lang ako dahil punong-puno na ng sama ng loob ang puso ko. Walang nakakaalam ng problema ko kung hindi ako lang.
I dialed mommy's number because I needed her. I need to hear my mom's voice. Gusto kong magsumbong sa kan'ya at umiyak na parang bata para maramdaman ko namang hindi ako nag-iisa. I need my parents right now para kahit paano ay gumaan-gaan naman itong sakit na dinadala ko. Kahit ngayon lang, I need their presence. Nakatatlong ring pa bago iyon sinagot ni mommy at mahina akong napaiyak nang marinig ko ang boses nito.
"Sophie, I'm sorry anak. Pwede bang mamaya ka na lang tumawag? Hinihintay ko kasi ang tawag ni Pat. Nabalitaan ko kasi na naghiwalay na pala sila ni Adrian. Your sister needs me now Sophie, naiintindihan mo naman 'yon di ba?" malambing na tanong sa akin ni mommy.
I was so shocked that I didn't even say even one word to her. Gusto kong sabihin na kailangan ko rin siya ngayon na kailangan ko rin ng lambing niya at comfort. Pati mga magulang ko ay wala na ring pakialam pa sa akin. Saan ba ako nagkulang sa kanila? Bakit ba lagi na lang akong binabalewala? Walang narinig na complain si mommy sa akin dahil kahit naiisip ko na puro na lang si Patricia ang inaalagaan nito. I accepted it and told myself na she's the vulnerable one and Pat really needs attention dahil sa past issues niya. Nagpaubaya ako, hindi lang sa atensyon ng mga magulang ko kung hindi pati na rin sa pagmamahal kay Adrian. I moved on from all of that thinking that I don't need support and comfort dahil nakikita nilang malakas ako and can handle all situations.
Pinaniwala ko ang sarili ko na kaya ko dahil wala rin namang ibang taong nariyan para tulungan ako. Currently, I'm facing the biggest crisis in my life but no one's here to bring comfort and to console me. Wala… Wala ni sinuman at sarili ko na naman ang kasama ko para magdusa. I'm all alone in this four cornered dark room. I'm cold, heartbroken and tired. No one's coming… Just me, and this excruciating pain that is slowly killing me softly. Mapapansin na kaya nila ako kung kikitilin ko na lang ang sarili kong buhay? Makukuha ko na ba ang inaasam-asam kong atensyon mula sa lahat? Maybe by that time ay ako naman ang mapansin nilang lahat. I needed help but I received nothing. This is the reality. I'm all alone at mas mabuti na sigurong tapusin ko na lahat para wala na akong maramdaman pa na sakit.
![](https://img.wattpad.com/cover/288111991-288-k633418.jpg)
BINABASA MO ANG
The Third Wheel
RomanceBlurb: I was there when I saw him staring at her full of love for the first time. I was there when he confessed. I was there when she said "Yes" to him. I was there when they had their first date. I was there when they had their massive fight. I wa...