Dinala ako ni Adrian sa isang adventure park. Pagkababa namin ng sasakyan ay dumiretso kami sa isang maliit lang na building para i-confirm ang pina-reserve ni Adrian na isang cabin house para lang sa aming dalawa. Medyo marami ang tao na nakikita kong nandito pero hindi 'yong tipo na crowded talaga ang place.
Gulat nga ako no'ng malaman ko na mag-o-overnight kami. Wala akong dalang ibang gamit at damit na pamalit. Akala ko kasi na simpleng date lang, hindi niya naman sinabi na magpapalipas kami ng gabi rito. Masaya sa pakiramdam na nakakakaba rin. Ang dami kasi naming puwedeng gawin dito. May zipline, drop zone, razorback mountain, atsaka marami pang iba. 'Yong tipo ng mga activities na ma-fe-feel mo 'yong rumaragasang adrenaline rush mo.
Sinamahan naman kami ng isang tour guide papunta sa cabin house na nirentahan ni Adrian. A 300 meter hike from the building to the cabin house. Para kasing nasa bundok kami ngayon. Nasa ibaba 'yong building at nasa taas nito ang mga cabin house. I can see a three cabin house from where I am now. Magkakalayo ang tatlong cabin house pero iisa ang disenyo nito. Malamig ang lugar dahil na rin sa naglalakihang mga pine trees at mga puno. Para nga akong nasa Baguio eh. Mabuti na lang talaga at may suot akong trench coat dahil kahit papaano ay hindi ako masyadong nagiginawan.
"Ito na po 'yong susi, sir." Inabot ni Manong tour guide ang susi kay Adrian. Nakita ko namang inilabas ni Adrian ang pitaka nito at dumukot ng isang libo. Ibinigay niya iyon sa kasama naming tour guide.
"S-salamat po, s-sir!" galak na wika ni Manong. Isang tango at ngiti lang ang sagot ni Adrian sa salamat nito. Napangiti naman ako habang pinapanood ang ginagawa nito. Noon pa man ay talagang matulungin at maawain na si Adrian.
Hindi ko makakalimutan no'ng minsang nasa Junior High pa kami. Napagpasiyahan kasi namin na kumain sa isang paboritong fast food chain bago umuwi sa bahay galing school. Nasa labas pa lang kami, napansin ko ng titig na titig si Adrian sa isang pamilya na nasa labas at nanghihingi ng barya.
Habang nasa loob na kami at umoorder si Adrian ng pagkain namin. Nagulat na lang ako nang makita ang mga binili nito. Ang dami niyang binili para sa aming dalawa. Parang pang-ten serving 'yong in-order niya. Nalaman ko na lang na inubos nito ang allowance niya para mabilhan ng pagkain ang nakita nitong mga pulubi na nasa labas. In the end, tanging spaghetti lang ang kinain ni Adrian at nagpalibre pa ng pamasahe sa akin.
"Hindi ka pa rin talaga nagbabago," puna ko habang may ngiti sa labi.
"Hindi naman talaga ako nagbago, Sophie. Life may change, pero ako pa rin 'to. The same old me you knew before," he calmly said. Parang hinaplos ang puso ko sa narinig ko. I felt his familiar warmth that I have always felt before. 'Yong init na nagpapakalma lagi sa akin.
Nang makapasok kami sa loob ay agad kong nilibot ang paningin ko sa disenyo ng cabin house. May second floor 'yong cabin house at may kalakihan din. Napaka-comfortable sa feeling tingnan ang buong interior. Pati na rin ang ambiance ng buong lugar. Amoy bakasyunan ng mga nag-ho-honeymoon! Hindi ko maiwasang mamangha sa mga gamit na nandito sa loob.
"What do you think?" tanong ni Adrian. Nagulat na lang ako nang maramdaman ko ang yakap nito sa beywang ko. Kinilig ako nang maramdaman ko ang hininga nito sa leeg ko. Nakikiliti ako sa ginagawa niya. Hindi ko alam kung bakit napaka-sensitive ng katawan ko pagdating sa kan'ya. 'Yong tipong simpleng hawak lang nito sa katawan ko ay nagwawala na ang kalandian cells ko.
Napapansin ko talaga na iba 'yong kilig kapag kagagaling niyo lang sa away tapos susuyuin ka ng taong mahal mo. 'Yong tipong gusto mong magpakipot muna pero talagang marupok ka sa mga haplos niya kaya nakakalimutan mong nag-away kayo.
Ganitong-ganito ang epekto ni Adrian sa akin. Binabaliw niya ako sa mga lambing niya.
"Maganda… atsaka nakaka-relax 'yong ambiance," sagot ko. Nakatalikod ako kay Adrian habang nakayakap naman siya sa beywang ko at nakapatong ang baba nito sa may balikat ko.
BINABASA MO ANG
The Third Wheel
RomantizmBlurb: I was there when I saw him staring at her full of love for the first time. I was there when he confessed. I was there when she said "Yes" to him. I was there when they had their first date. I was there when they had their massive fight. I wa...