"Aray, ang sakit ng ulo ko," angal ni Adrian.
"Tsk, inom pa," pairap kong sagot sa kaibigan.
Alas tres na ng hapon nagising si Adrian at absent na naman ako sa trabaho dahil sa pagbabantay sa kan'ya. Hindi naman kasi pwedeng iwan ko na lang siya mag-isa rito sa condo niya na lasing. Noong nakauwi nga kami kagabi ay nagkalat pa siya.
"What happened?" he confusedly asked. Nakatingala siya sa'kin habang ako naman ay nakapamewang na tinitignan siya sa may paanan ng kama niya.
"Heh! Ewan ko sa'yo, sa susunod talaga hindi na kita susunduin. Iinom-iinom hindi naman pala kaya," saad ko.
Naglakad ako palabas ng kuwarto niya at pumunta sa kusina upang kunin ang kapeng itinimpla ko kay Adrian. Alam kong magkaka-hang over siya ngayon kaya nag-prepare na ako ng coffee and medicine for headache.
"Inumin mo." Inilapag ko sa may bedside table ang isang tasang kape at gamot niya.
"Thank Sophie."
Tinitignan ko lang siya habang maingat na umiinom ng kape. Nakasandal si Adrian sa headboard ng kama at mukhang malaki talaga ang tama niya kagabi dahil sa alak. Umupo naman ako sa may sofa rito sa kuwarto niya at hinihintay siya matapos. Habang naghihintay ay inilabas ko muna ang cellphone ko at nag-chat kay Jaspher.
"Nagkalat ba ako kagabi?" biglang tanong ni Adrian. May alanganing ngiti ito sa labi nang makitang nakasimangot akong pinagmamasdan siya.
"Base on your face, I think pinahirapan talaga kita," he said.
"Buti alam mo," inis kong ani.
Naalala ko naman 'yong biglaang paghalik niya sa labi ko. Kahit anong pilit ko gustong burahin iyon sa alaala ko ay hindi ko magawa. It keeps playing in my head na kada pipikit na lamang ako ay ang malambot na labi ni Adrian ang naaalala ko.
"Did I do something bad to you? Bakit ka nakasimangot?"
"Urgh! Never mind, sarap mo talagang ibalibag kung hindi lang kita kaibigan," I replied.
Hindi ko kayang salubungin ang mga titig ni Adrian na tumatagos sa kaluluwa ko. Pilit kong itinuon ang atensyon ko sa cellphone na hawak kasi iniiwasan kong magawi ang tingin ko sa mga labi niya.
"Is there something wrong with your lips? Bakit namamaga 'yan?" Nabitawan ko ang cellphone na hawak ko at mabuti na lamang ay mabilis akong nakabawi sa pagkagulat at nasalo ko iyon.
"Huh? Anong pinagsasabi mo?" kinakabahan kong tugon. Paano niya nakita iyon? May kalayuan ang sofa at ang kama niya kaya nakakagulat na napansin niya pa ang pamamaga ng labi ko.
"Bakit ka natataranta?" His eyes roamed my whole face na parang nag-iinspeksyon siya kung anong nangyari sa labi ko. Gusto ko sanang sabihin na siya ang may gawa nito pero hindi ko kaya. Nakakahiya talaga at ayaw kong maging awkward kami sa isa't-isa pagkatapos. Nadala lang naman siya ng kalasingan niya kaya it's not big deal for me.
"May malaki kasing langgam kagabi, hindi ko napansin, ayon kinagat ako sa labi," pagsisinungaling ko.
Hindi pa rin inaalis ng kaibigan ang malagkit na titig nito sa mukha ko at nagsisimula na akong maasiwa kaya pasimple akong yumuko.
"Anong kulay no'ng langgam na tinutukoy mo?" he asked.
Bakit ba tinatanong niya pa kung anong kulay na langgam ang kumagat sa'kin. Ang weird niya.
"Hindi ko masyadong napansin pero mukha 'yong pulang langgam ata ang kumagat sa'kin," sagot ko naman.
"Tsk, ang swerte naman ng langgam na 'yon," mahinang bulong ni Adrian sa sarili. Hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya pero pagkatapos niya magsalita ay balik na naman ito sa pagtitig sa labi kong namamaga.
BINABASA MO ANG
The Third Wheel
RomanceBlurb: I was there when I saw him staring at her full of love for the first time. I was there when he confessed. I was there when she said "Yes" to him. I was there when they had their first date. I was there when they had their massive fight. I wa...