"Hon?! Towel please!" Agad kong inabot ang tuwalya kay Adrian. Maaga kaming nagising dahil may pupuntahan kami ngayon. Adrian said that we need to do the groceries and some stuff.
Nauna akong naligo kay Adrian at nasa harap na nga ako ng salamin nang manghingi ito ng tuwalya. Nakalimutan siguro nitong dalhin. Hindi ko pa masabi sa lalaki ang tungkol sa mensahe na natanggap ko galing kay mommy. She needs me to go home and they want me to bring Adrian. Alam ko namang may kinalaman ito kay Patricia. Excited na excited si Adrian sa pag-go-grocery namin ngayon. Ayaw ko namang pareho kaming mawalan ng gana. Mamaya na siguro kapag tapos na kami sa lahat.
Kasalukuyan akong naglalagay ng lipstick nang makita kong lumabas si Adrian galing banyo. Natulala ako nang napansin ko na tanging tuwalya lamang ang pantakip nito sa ibaba. Walang suot na kahit anong t-shirt ang lalaki pang-itaas. Napalunok ako. Parang may bumara sa lalamunan ko. Hindi ko rin maalis ang mga mata ko sa mamasa-masang abs nito sa tiyan! Hanep! Parang noon lang ay patpatin siya at halos buto't balat na. Grabe naman 'yong pag-level up ng glow up ni Adrian. Ngayon ko lang napansin na talagang nag-iba na ang lalaki.
"Hon, huwag mo akong titigan ng gan'yan. Mag-go-grocery pa tayo at baka hindi na tayo makaalis nito," panunudyo nito sa akin. Napaubo naman ako at dali-daling tumalikod at muling humarap sa salamin.
Ganoon ba ako ka-obvious na naglalaway ako sa kan'ya? Bakit naman kasi kailangan niyang lumabas ng naka-tuwalya lang? Nagugulat ako eh.
"K-kapal mo," nauutal kong sagot. Tanging mahinang tawa lang ang sinagot nito sa sinabi ko.
Hawak kamay kaming lumabas ng building. Nakasuot ng plain black t-shirt ang lalaki na pinaresan lang nito ng maong na pantalon. May suot ding cap at sunglasses si Adrian. Minsan nakakalimutan ko na sikat nga pala siya. Noon kasi ay malaya kaming nakaka-pamasyal na walang iniisip na ibang tao. Ngayon na sikat na siya ay todo ingat kami sa eskandalo lalo pa at lapitin ng isyu ang tulad nila na nasa banda. Baka dumugin ako ng mga fangirls ni Adrian kapag nagkataon.
"Do I need to wear these?" Isa-isang itinuro ni Adrian ang sunglasses at cap nito. Kanina pa ito naiirita dahil hindi niya naman daw kailangan magtago.
Muntik pa nga naming pagtalunan 'yon kanina eh. Ako kasi 'yong nag-insist na pagsuotin siya ng sombrero at sunglasses sa mata. Ang gusto kasi nito ay huwag ng magsuot. Katwiran pa ng lalaki na wala siyang dapat na ikahiya at itago sa buong tao. Gusto niya lang daw mamasyal at gawin ang nais namin na walang iniisip na iba. Which is impossible to happen!
He's famous worldwide! Their band is famous. Atsaka, most of their fans are girls! Sa tingin niya ay matutuwa ang mga fans nito kapag nalaman nilang may kasama siyang ibang babae bukod kay Patricia? Adrian's fangirls knew about Patricia and their relationship before. Aprubado ng lahat ang relasyon nilang dalawa. Marami ngang naantig at kinilig nang nalaman nila na mag-highschool sweethearts silang dalawa. Ganito naman talaga si Adrian dati pa. Hindi niya hilig itago kung anong pribado sa kan'ya. Kahit na sinabihan na siya ng manager nila na huwag munang sabihin ang relasyon nila ni Patricia ay ginawa pa rin nito.
Kaya hindi ko masisi si Adrian kung bakit gumuho ang mundo niya nang nalaman nito ang tungkol sa pangangaliwa ng kapatid. He gave her his all. Saksi ako ro'n. Kahit ako ay nagparaya para sa kapatid. I kept my hidden feelings for him, dahil kay Patricia. She needs Adrian more than I needed him. Kaya dumistansya ako.
"Hindi ba si Adrian 'yon?" rinig kong bulongan ng mga dalagitang babae na nakasalubong namin. Naka-uniform pa ang mga ito nang nasiplatan nila si Adrian.
Agad akong napaatras habang si Adrian ay walang kaalam-alam sa nangyayari. Panay lang ito sa pagkuha ng mga de-lata sa shelves. Tulak-tulak nito ang pushcart.

BINABASA MO ANG
The Third Wheel
RomanceBlurb: I was there when I saw him staring at her full of love for the first time. I was there when he confessed. I was there when she said "Yes" to him. I was there when they had their first date. I was there when they had their massive fight. I wa...