Sweitcel's PO'V
Pumunta na kami sa kwarto nila ni mom kasama si dad at humiga na sya ako naman at kinuha yung oil don sa kabinet. Kinuha ko yung upuan don sa salamin at inilagay sa tabi ni Kama shaka ako umupo don at nag lagay ng unan sa legs ko at pinahiga si dad don.
Sinimulan kona ang pag hihilot sa dalawang gilid ng noo nya.
" Ang sarap na kakabawas ng stress." Sabi nya habang nakapikit.
" Ang galing mo talaga mag hilot anak." Nakangiting sabi ni dad na nakapikit.
" ako pa." Mayabang na sabi ko.
Sabi kasi nila pag mabigat daw yung kamay mas masarap mag hilot buti na lang at mabigat yung kamay ko paghinampas kita tataob ka.
" uhm dad paano nyo po na kilala si mom?" Tanung ko at tumawa sya.
May nakakatawa ba sa sinabi ko? Ah nevermind.
" Nasa ginyan age kami sainyo nung una kong makita ang mom nyo transfer sya sa school namin nung mag katinginan kami yung mata nya nakakatakot kasi napaka seryoso nya ni wala ngang kumakausap sa mom mo dahil nakakatakot daw pansinin mo it's just a newbie in our school pero kinatatakutan sya kahit lalaki takot sakanya pero ako hindi lagi akong sumusulpot sa harap nya at Kakausapin sya pero para akong hangin sa harap nya puro lang sya aral." Kwento ni dad.
" eh paano nyo naman po nabihag ang puso ni mom?" Kinikilig na sabi ko.
" yan kasing dad mo ayaw akong tigilan." Biglang sabi ni mom na kakapasok lang at umupo sa kama katabi ni dad at hinilot yung kamay ni dad.
" sa tuwing wala akong magawa ay pumupunta ako sa ilalim ng puno para mag aral kaya lang hindi ko Maka pagconsintrate dahil jan sa dad mo paano kasi bigla - bigla na lang susulpot kaya ang tawag ko jan dati kabute." Natatawang kwento ni mom.
Biglang pumasok sa isip ko yung salitang kabute dahil yan yung tawag ko dati kay kurt nung nagkasagutan kami ni kurt sa hagdan.
" araw araw nya yon ginagawa ang sumulpot sa harap ko hanggang sa naging close kami shaka nahulog ng puso ko sakanya at niligawan nya ko syempre papakipot pa ba ako sinagot ko na agad gwapo din kasi dad mo masipag lahat nasa kanya kaya saan kapa parang si Kurt. " Sabi ni mom.
Ba't naman kaya na sama sa usapan si Kurt?
Kring! Kring! Kring! Ringtone yan wag ka.
" Teka may tumatawag si liezel." Paalam ni mom at lumabas.
" anak." Tawag sakin ni dad.
" po?" Sagot ko.
" Kung mamatay ako--" Hindi kona pinatapos yung sasabihin nya.
" dad ano ba hindi ka mamamatay." Mabilis na sabi ko.
" nak patapusin mo muna ako." Seryosong sabi nya pero may paglalambing na kahalo.
" Kung mamatay man ako wag mo sanang pababayaan ang mom nyo alagaan nyo sya katulad ng paaalaga nya sainyo. Pati na rin ang sarili nyo tapusin mo ang pag aaral mo at tupa rin mo yung mga pangarap mo." Sabi nya habang nakapikit. Biglang nangilid yung luha ko.
" do a favor for me please don't cry when I'm die. you always smile when you look at me in my own coffin." Sabi nya at tumulo yung luha ko.
" dad! Ano ba yang mga sinasabi mo." Hirap na sabi ko at bigla siyang umupo at niyakap ako.
"don't cry my princess you made me feel bad." Sabi nya at pinunasan yung luha ko at kiniss ako sa pisngi.
Shaka nya ko Hinatid sa kwarto ko at pinatulog.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
Sweitcel's PO'V
Nagising nako dahil maaga pa ako papasok shaka ako tumayo para mag suklay at pumasok sa banyo para gawin ang ritual na pagliligo at nag bihis na shaka bumaba Para kumain.
" Good morning mom and manang!" Sabi ko at kumiss sa pisngi ni mom
" Anong gusto mong kainin anak?" Tanung ni mom.
" tinapay na lang po at milk." Sabi ko at umupo.
" ayaw mo bang mag kanin iha?" Tanung ni manang.
" Ayoko po." Sagot ko at tumango na lang sya.
" Eto na anak oh." Sabi ni mom at nilapag sa harap ko yung tinapay at milk ko shaka sinimulan ang pag lamon.
" May si dad po?" Tanong ko.
" pumunta sa munisipyo dahil I papasok na nya ang kuya mo sa kumpanya kaya kailangan nya pumirma. Sagot ni mom at tango tango na lang ako dahil puno na yung bibig ko.
Mabilis lang ako kumain dahil excited nakong makita si Kurt.
" mom pasok na po ako." Sabi ko at humalik sa pisngi nya.
" Sige ingat kayo." Sabi ni mom at nag lakad nako Palabas pero pag bukas ko nakita ko si Kurt na nakasandal sa kotse nya.
Naks lakas makapogi ah.
" Good morning cel."masayang Bati nya.
Good morning den kurt. " Bati ko sakanya.
Pinag buksan nya pa ako ng pinto sa tabi nya ako umupo at pag kapasok ko nakita ko si althea at kalix sa backseat.
" good morning cel." Bati ni althea at kalix.
" Good morning den." Sabi ko at sumakay na din si Kurt at pinaandar na yung kotse.
" Ang ganda ata ng gising mo ngayon kurt." Sabi ni althea.
" maganda talaga kung yang mukang yan ang bubungad sakin." Nakangiting sabi nya at tumingin sakin.
" ayiee." Kinikilig na sabi ni althea.
" maganda din ang gising ko kung si althea ang bubungad sakin na may magandang ngiti." Sabi ni kalix at kinilig naman si althea namula pa.
" enebe temegel kenge jen." Pabebeng sabi ni althea at napangiwi si kalix.
" wag ka nga mag Pabebe hindi bagay sa'yo. " Sabi ni kalix.
" di wag." Masungit na sabi ni althea at sinuyo naman sya ni kalix.
At nag simula na silang mag lambingan.
" Parang mag jowa oh." Parinig ko pero hindi sila nag tinag.
Tumingin naman ako kay kurt at ngumiti sya sakin.
Nahinto kami dahil may mga nag kukumpulang mga tao at may police line siguro may naaksidente kaya bumaba kami para tignan yung na Aksidente.
Nag kalat ang dugo nag kabungguan ang kotse at track pero pamilyar sakin yung kotse kaya kinabahan ako...........
♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡