{Chapter 12}

520 24 0
                                    

Sweitcel's PO'V

Nung natapos kaming kumain ay sumakay na kami ng kotse pero hindi kami umalis dahil inaantok daw si Kurt kaya tulog sya. Eto sya ngayon nakadukduk sa banibela.

Sinabi ko na kanina na umuwi na lang kami pero ayaw nya dahil pupunta pa raw kami ng amusement park 3:30 pm na. Dahil wala akong magawa natulog na lang din katulad ni althea na nakahiga sa hita ko si kalix naman pinahiga ng konti yung sandalan at natulog.

~~~~~~~

"Cel gising na punta na tayo." Sabi ni althea at nag mulat ako ng mata at nakita ko silang tatlong nakatingin sakin.

Napatingin ako kay kurt at bigla siyang ngumiti sabay tingin sa harap si kalix naman nag susuklay ng buhok.

" mag ayos kana." Sabi ni althea at nakita ko siyang nilalagyan nya yung muka ng ng polbo.

Nag inat-inat muna ako shaka binuksan yung shoulder bag ko at nilabas yung polbo at yung salamin na maliit.

" penge nga ako ng polbo." Sabi ni kurt at inabot ko naman sakanya.
Kumuha lang sya ng konti at binalik sakin.

Kaya nilagay ko na yung polbo at salamin sa bag inayos ko na rin yung buhok ko tinali ko pataas para hindi ako pag pawisan.

" Tara na." Aya ni kalix at inistart na ni kurt yung kotse.

Tinignan ko yung oras 6:43 pm na pala. Two hours pala akong tulog. Mejo madilim na rin salabas.

" excited nako." Sabi ni althea dahil na tatanaw na namin yung ferrisweel.

Madami ring tao kaya nahirapan kaming mag hanap ng pag paparkingan ng kotse kaya tinabi na lang sa gilid ng isang saradong tindahan at bumaba na kami.

" bilisan na natin." Nag mamadaling sabi ni althea.

" Oo eto na nga eh nag mamadali?" Sabi ni kalix at inirapan lang sya ni althea.

Papasok na kami ng amusement park ng bigla na lang hawakan ni kurt yung kamay at tumingin ako sakanya.

" baka mawala ka." Palusot nya pero iinterwinde nya yung kamay namin hindi ko na lang pinansin at lumingon kela althea at kalix. Nakakapit si althea sa braso ni kalix. Si kalix naman parang kinikilig.

Lumapit kami dun sa lalaking nag bibigay ng id. Yung yong pwede mo lahat sakyan ang rides pag wala ka non hindi ka makakasakay ng kahit anong rides mahal nga lang.

" ako na sasagot ng satin." Sabi ni kalix kay althea at tumango nalang sya.

Lumingon naman si kalix kay kurt. "Ikaw sumagot ng kay cel." Sabi ni kalix.

" Oo automatic naman na yon." Sagot ni Kurt at tumawa naman si kalix.

" Ano name nyo po sir?" Tanung nung lalaki.

" kurt at cel po kaming dalawa." Sabi ni kurt at tinuro ako.

" Eto na po yung id nyo." Abot nung lalaki kay kurt at isinuot naman akin ni kurt yung isa. Kaya ko naman Isuot pero nag pumilit sya.

Gumilid muna kami dahil sila althea at kalix na ang susunod.

" Ano pong name?" Tanung nung lalaki.

" Kalix po at Kulot." Sabi ni kalix at agad siyang nakakuha ng kurot Mula kay althea.

" Aww! sakit!" Inda ni kalix dun sa braso nya na kinurot ni althea. " Althea po pala." Sabi ni kalix dahil tinignan sya ng masama ni althea.

Inabot na rin sakanila yung id nila kaya nag lakad na kami papunta sa mga rides.

She Fall in Love With a Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon