Sweitcel's PO'V
Nagising na lang ako dahil sa sinag ng araw Mula sa bintana.
" Hindi koba na sarado yung bintana kagabi?" Tanung ko sa sarili ko.
At naalala ko nakatulog pala ako sa sofa. Siguro binuhat ako ni kurt papunta dito. anong oras kaya sila umuwi? Hay Ewan.
Tumayo nako at hinanda ko na yung mga gagamitin ko kase wala naman nang gagawin nun kaya ako na lang kaya ko naman sadyang gusto lang ni mom na mag handa sa mga gagamitin ko.
Pag tapos ko mag handa kinuha kona yung tuwalya ko at pumasok sa banyo. Tinignan ko muna yung sarili ko sa salamin.
" May panis na laway pa." Bulong ko.
" kailangan kona maligo at baka malate pa ko ngayon ko na rin makikita yung kapatid ko sana makuha ko rin sya." Bulong ko ulit tyaka sinimulang maligo.
~~~~~~~~~~
Nag toothbrush na ko tyaka ako lumabas ng banyo para mag bihis. Hindi ko pala nakuha yung necktie sa laundry room. Pag tapos ko Isuot yung uniform ko kinuha kona yung id ko at bag tyaka lumabas ng kwarto para kunin yung necktie ko.
Pag baba ko nakita ko si Kuya sa Sala na tutok na tutok sa laptop nya halata ding wala pang tulog dahil sa laki ng eye bags nya.
" good morning kuya." Sabi ko at bahagyang nagulat pa sya siguro sa biglang pag salita ko.
" Good morning din. Kunin mo na lang yung tatlong sandwich dun sa lamesa ginawa ko yun kanina." Sabi nya at ngumiti.
" Thank you kuya." Sabi ko at niyakap sya niyakap nya rin ako pabalik.
" pasok kana baka malate kapa." Sabi nya at tumango na lang ako ngumiti sya at binalik yung tingin nya sa laptop.
Tumalikod nako at pumunta sa laundry room nakasalubong ko pa si manang binati ko lang sya tyaka ko kinuha yung necktie ko sa sampayan, pumunta naman ako sa kusina para kunin yung sandwich na ginawa ni kuya.
" manang kumain na po ba kayo?" Tanung ko kay manang habang nilalagay yung sandwich sa lunch box.
" Oo kanina pa iha." Sagot nya sakin at ngumiti.
Pag tapos ko ilagay yung lunch box ko sa bag ko kinabit ko naman yung necktie ko, buti na lang tinuruan ako ni mom kung paano ang pag aayos ng necktie.
Miss you mom and dad
"Pasok na po ako manang." Sabi ko at niyakap sya.
" Sige iha ingat ka ah." Sabi nya at tumalikod nako.
" Kuya pasok nako." Sabi ko at tumango na lang sya.
Lumabas ako ng bahay pero nagulat ako ng buksan ko yung gate at nakita ko si Kurt na nakatayo sa tabi ng kotse nya at si kalix at althea nakasilip Mula sa bintana.
" Good morning." Bati ko sakanila.
" Good morning din tagal mo naman kanina pa kami andito." Sabi ni kurt.
" Aba malay ko naman ah, wala ka namang sinabi." Sabi ko at sumakay na agad sa kotse sa tabi ng driver sit.
" Tara na nga." Sabi ni kalix kaya sumakay na rin si kurt at nag simulang mag drive.