Sweitcel's PO'V
Ilang araw nang nakalipas nung maayos namin yung gulo sa school nila kishia. Nahihiya na sakanya si ivy na ultimong makita lang sya napapayuko na si ivy.
Habang nanonood ako nakita kong pababa si kishia at nakapang alis ito kaya agad ko syang pinansin.
"Atee.." tawag nya sakin.
"Mmm?"
"Pwede ba akong lumabas ngayon? Gusto kasing makipag usap ni ivy." Pag papaalam nya sakin.
"Pwede naman, pero sigurado ka bang walang gagawin sayo yun?"
"Wala naman ate, gusto nya lang daw makipag usap at humingi na rin daw ng tawad sa pangbibintang nya sakin." Sagot sakin ni kishia.
"Mmm, sige gusto mo ba pahatid kita?" Tanong ko.
"Di na ate mag tataxi na lang ako."
"Kasama mo ba si ken?." Tanong ko ulit.
"Hindi ate... pero kaya ko naman ate." Sagot nya sakin.
"Sige, sabi mo eh, basta mag ingat ka ah? Wag gagabihin sa daan. Nag kakaintindihan ba tayo?" Tanung ko.
"Opo ate ko, maaga akong uuwi, dun lang naman kami sa condo nya." Sabi nya at humalik sa pisngi ko.
"Sige ingat, tumawag ka kung kailangan mo mag pasundo." Sabi ko at tumango naman sya bago lumabas nag wave pa sya bago mawala sa paningin ko.
Pinag patuloy ko na yung panonood ko..
~~~~~~~~~~~~~~~~
Trigger warning:
self harm, suicide.Kishia's PO'V
Kakababa ko lang ng taxi ng makarating sa park kung saan malapit sa condo ni ivy.
Nag lakad ako at nakita ko naman syang kumakaway kaya nilapitan ko ito. Pansin ko rin yung pamumugto ng mata nya.
"Kanina kapa?" Tanung ko sakanya.
Umiling sya. "No, kakadating ko lang din." Sagot nya sakin.
Medyo ilang pa sya sakin dahil kada titingin ako sakanya napapaiwas sya ng tingin.
"Sorry nga pala ulit sa nagawa ko." Panimula nya kaya napatingin ako sakanya.
"N-nagawa ko lang naman kase yun, p-para maging proud sakin parents ko." Naiiyak na sabi nya.
"T-they always p-pressuring me." Tumulo na ng tuluyan yung luha nya kaya hinawakan ko yung kamay nya.
"Pwede ka naman mag patulong sakin eh, di mo kailangan mangdaya para lang makakuha ng mataas na grade... alam mo ivy..tyaga lang yan, kakayanin mo yan." Pag che-cheer up ko sakanya.
"P-pinilit ko n-naman eh, di ko t-talaga kaya..." humahagulgol na sabi nya habang nakatingin sakin.
"S-sorry talaga sa nagawa ko, a-alam ko naman na m-mali yun. Pero g-ginawa ko parin. D-di naman ako ganto dati...." umiiyak na sabi nya.
Madami pa kaming napag usapan at sa mga problema nya, patuloy lang din siyang humihingi ng tawad sakin.
"Siguro kung mawawala ako, magiging masaya siguro mga magulang ko." Kalmadong sabi nya habang nakangiti sa kawalan.
Kinakabahan na ko
"Ivy. Wag mo sabihin yan." Sabi ko.
"Kung mawawala kaya ako, magiging masaya yung parents ko, alam ko yun." Ani nya ulit.
"Lagi naman nilang sinasabi na sana hindi na lang ako nabuhay, hinihiling na ata nila na sana namatay na lang ako, what if totoohanin ko? Masaya kaya sila?" Tanung nya sa sarili nya.