{Chapter 46}

178 5 1
                                    

Sweitcel's PO'V

Andito ako ngayon sa sementeryo para dalawin sila mom and dad. Hindi ko na inaya si kish dahil nag rereview sya para sa nalalapit nilang exam.

Habang inaayos ko yung mga bulaklak na binili ko at sinindihan ko na rin yung kandila.

"Mommy, daddy miss ko na po kayo, kamusta naman po kayo jan? Sana maayos po kayo kung nasaan man po kayo." Sabi ko habang pinupunasan yung magkatabi nilang lapida.

"Namiss ko na po kung paano nyo po kami halikan ni kuya sa pisngi tuwing papasok na kami, namiss ko na rin po yung tawa at ngiti nyo, sana naman po kahit sa panaginip yakapin nyo po ako, miss na miss ko na po kase kayo eh." Malungkot akong ngumiti para pigilan ang namumuo kong luha.

"Bakit kailangan pa po kasing mangyari sainyo yun." Sabi ko at kinuyom ko yung kamay ko.

"Yakapin nyo naman po ako oh kahit isa lang." Sambit ko ulit.

Habang nakatingin ako sa lapida nila biglang humangin ng malakas na nag papagalaw ng nakalugay kong buhok.

"Hayy, ang lamig naman nyan mom, dad." Sabi ko kaya napayakap ako sa aking sarili.

Habang nakatulala ako bumagsak naman ang malakas na uan kaya napatayo ako at napatakbo para makahanap ng maisisilungan.
Di ko na napatay yung kandila pero mapapatay naman yun ng tubig.

Di ko kase dinala yung kotse ko eh.

Napunta ako sa mga puntod na patong patong dun ako sumilong pero nababasa parin ako dahil makipot lang yung bubong. Hinayaan ko na lang at tumayo dun habang nakayakap ako sa sarili ko.

Nanginginig na rin ako dahil sa lamig kaya umupo ako pero hindi pa ako tumatagal sa pag kakaupo nang may humintong paa sa harapan ko, nakaitim na sapatos.

Minumulto naba ako?

Nag-aangat ako ng tingin, si kurt na nakajacket na itim, na may hawak ng payong habang nakatingin sakin. Kaya tumayo ako.

"Di ka nag sabi sakin na pupunta ka ng sementeryo, edi sana sinamahan kita." Sabi nya habang pinapayungan ako.

"M-may kinagawa ka eh b-baka maka abala l-lang ako s-sayo." Sagot ko sakanya.

Ang lamig naman...

"Kailan ka nakaabala sakin?" Tanong nya.

"E-ewan." Sagot ko naman habang nanginginig.

"Hold this." Sabi nya at habang binibigay sakin yung hawakan ng payong kaya hinawakan ko naman.

Habang hawak ko yung payong hinubad naman ny yung jacket nya na medyo makapal, sinuot nya sakin ito at nilagay yung hood sa ulo ko.

"Better?" Tanong nya at tumango ako.

Ang bango

"Paano ka?" Tanong ko naman sakanya.

" ok lang ako." Maikling sagot nya sakin.

"Tara na baka mas lalo lang lumakas yung ulan." Sabi nya at inakbayan ako at sabay kami nag lakad papunta sa kotse nya.

Habang pinapayungan nya ako at nakaakbay pa sya sakin parang may kung anong paro-paro na nag lalaro sa tyan ko. Di ko maiwasang mapangiti.

Nang makarating kami sa kotse nya inalalayan nya akong makasakay at sumakay na rin sya.

Ang lakas naman ng aircon.

Nang mapansin nya nilalamig parin ako dahil sa lakas ng aircon hininaan nya ito tyaka nya inistart yung kotse.

Malakas parin yung ulan na dahilan ng traffic. Nakaramdam ako ng antok kaya sumandal ako sa binata at pinikit ko yung mata ako.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

She Fall in Love With a Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon