Sweitcel's PO'V
nakangiti ako nagising habang nag iinat.
Hayy...goodmorning self!
Inayos ko muna yung mga gamit ko at uniform tyaka pumasok sa banyo.
Habang naliligo ako napatingin ako sa tagiliran ko. Nag peklat na, mag lalagay ulit ako ng ointment mamaya.
Pagtapos ko maligo nag bihis na ako nag nag ayos ng kaunti tyaka lumabad ng kwarto. Bumaba nako at naabutan ko naman sila kuya at kishia na kumakain.
"Good morning!" Masayang bati ko.
"goodmorning." Bati sakin ni kuya at kishia.
Umupo nako at kumain.
"Ganda ng gising mo ah." Sabi ni kuya dahil napansin nyang masaya ako.
"Maganda talaga.'" Sagot ko tyaka sumubo.
"Ako na ulit mag hahatid kay kishia." Presinta ni kuya.
"Thank you kuya." Sabi ni kishia.
Pagtapos ko kumain nag paalam nako para pumasok.
Paglabas ko Ayun! nag hihintay na ang gwapo kong boyfriend.
"Goodmorning." Bati ko sakanya at humalik sa pisngi nya.
"Goodmorning" bati nya rin at pinag buksan ako ng pinto.
Natanaw ko naman si althea na palapit samin.
"Sabay na ako nauna na sa school si kalix." Sabi nya at sumakay ng sasakyan.
"Thirdwheel ang ferson." Sabi ni althea at tumingin na lang sa labas.
Medyo traffic pero nakarating din naman agad. Pag park namin bumaba na kami at nakita naming nakasandal si kalix sa sasakyan nya.
"Epal ka! Di moko sinundo." Bungad agad ni althea kay kalix.
"Ngayon lang eh." Sagot sakanya ni kalix.
Hinayaan na namin sila mag bangayan, at nag patuloy na lang kami sa paglalakad. Habang mag kahawak yung kamay namin.
"Owemjiee!"
"Nakakakilig!"
"Mag kaholding hands na sila"
"Bagay"
"tapos na ang pila"
Bulungan ng mga studyante.
Di na lang namin pinansin at dumeretso na lang kami sa room.
"Ayieee! Sila na." Bungad samin ng mga kaklase namin.
"Stay stroke!" Sabi nung isa kaklase namin
"Gag* ka, stay strong kase." Sabat naman ni allan.
"Goodmorning class." Bati samin ni sir
Umupo na lang kami at nakinig kay sir rey na nag sisimula pa lang mag turo.