{Chapter 28}

276 12 1
                                    

Sweitcel's PO'V

Nagising ako dahil bigla kong naalala na libing pala ni dad ngayon. Napatingin ako dahil in-expect ko na katabi ko pa si Kurt pero wala na sya siguro umuwi na sya. Inabot ko naman yung phone ko sa table katabi ng kama ko tyaka ko tinignan yung oras 5:43 am palang pala pero kahit maaga pa naligo nako.

Kumuha lang ako ng damit na puti at pantalon tyaka ako pumasok sa banyo at naligo.

Binilisan ko lang dahil gutom nako pag katapos ko mag bihis lumabas ako ng pinto. Sakto naman ang pag labas ni kuya sa kwarto nya, napansin ko ring basa yung buhok nya siguro kakaligo nya lang din.

Napatingin naman sya sakin at ngumiti ng pilit pansin ko yung eyebags nya na patong-patong. Lumapit ako sakanya at niyakap sya ng mahigpit.

" Kuya miss ko na si dad." Sabi ko at pinipilit na pigilan yung pag iyak ko.

" it's okay nanjan lang naman sya sa tabi-tabi tyaka nandito naman ako para sainyo ni mommy hindi ko kayo papabayaan at iiwan." Sabi nya at hinawakan yung pisngi ko at hinalikan sa pisngi.

" Tara sabay na tayong bumaba." Aya nya at inakbayan ako pababa na kami at nakita kami ni mom kaya lumapit sya samin at niyakap tyaka hinalikan sa pisngi.

" kain na kayo." Sabi ni mom at napansin kong namamayat na sya hindi naman sy dating patay pero ngayon ang patay na nya.

" ikaw rin po mom." Sabi naman ni kuya.

" tapos nako kanina pa." Sagot ni mom.

Mag sasalita sana si Kuya kaso napatingin si mom sa pinto dahil may dumating na mga tao siguro mga business partners nila dad kasi mga naka business anttire.

" kumain na muna kayo at aasikasuhin ko lang yung mga tao." Sabi ni mom at umalis.

Umupo nalang kami at sinimulang kumain hindi na kami tumayo para kumuha ng pag kain dahil may nakahanda na sa lamesa.

Natapos agad ako dahil konti lang naman yung kinain ko. Si Kuya naman patapos palang. Sinubo na nya yung huling pag kain tyaka nag salita si Kuya.

" umuwi pala si Kurt kanina dahil maliligo lang daw sya." Sabi ni kuya at nag taka ako kasi may lagnat yun tapos maliligo edi mas lalong lalagnatin sya.

" eh nilalagnat yun ah." Sabi ko pa.

" magaling naman na daw sya sabi ni mom magaling ka daw mag alaga eh." Sabi ni kuya at tumingin ng nakakatukso.

"Tumigil kanga kuya." Sabi ko at iniwan sya pumunta naman ako sa coffin ni dad at sinilip sya.

Gusto ko sya yakapin kaso bawal miss ko na yung mga halik nya sa pisngi ko yung yakap nya, yung mga ngiti nya at tawa Namiss ko lahat yun pero hindi na mauulit kasi wala na sya patay na pinatay ng taong hindi namin kilala. Pinlano to wala naman dating ganto ah walang nag babanta sa buhay ng mga mahal ko.

Nangingilid na luha at Nanginginig na hinawakan yung ibabaw ng kabaong kung saan nakatapat yung pisngi nya gusto kong buksan pero bawal.

" m-miss na k-kita dad." Umiiyak na sabi ko. Tyaka niyakap yung kabaong nya.

Inalis ko na yung pag kakayakap ko at pinunasan yung luha ko tyaka huminga ng malalim.

" dad wag mo kaming papabayaan dito kalang sa tabi namin." Sabi ko at matagal pang tinitigan si dad. Nagulat pako nung biglang may mga lalaking naka puti kaya Napalingon ako sa likod tyaka ako napatingin sa relo ko. 7:30 na pala sa tagal ko bang nakatitig hindi kona napansin yung oras.

Sinara na nila yung kabaong tyaka to binuhat kaya nagilid ako nasa gitna kasi ako ng Daan. Napatingin ko kay mom na humahagulgol habang yakap ni kuya kaya lumapit ako at niyakap din sya.

She Fall in Love With a Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon