{Chapter 42}

166 7 1
                                    

Sweitcel's PO'V

Nasa hallway na kami papunta sa room, madami nang nag kalat na studyante, at mga nakakasalubong namin habang nakatingin samin.

"Get well soon ate cel"

Isa yan sa mga nasabi nang mga studyante nung makita nila ako. Tanging pag ngiti na lang ang sinagot ko sakanila.

"Bagay talaga sila"

"Ang sweet ni kurt"

"Kurt is my standard"

"Pinag tagpo talaga sila"

Bulungan naman nung iba.

Nasa hagdan na kami nang buhatin ako ni kurt.

"Owemjiee!!"

"Sana all na lang talaga"

"Kaya ko naman umakyat bat kailangan mopa ako buhatin." Sambit ko.

"Hirap ka nga." Sagot nya sakin kaya hinayaan ko na lang.

"Kalix pa dala nung wheelchair." Utos nya kay kalix na agad nya ding binuhat.

Habang papaakyat kami ang daming nakatingin samin habang kinikilig sa nakikita. Nang makating kami sa second floor, inupo na nya ulit ako sa wheelchair at tinulak.

Madaming bumati sakin at mga nangamusta dahil sa nangyari.

Nakarating kami sa room at sinalubong naman kami ng mga classmate namin.

" ate Cel!"

"Pagaling ka cel"

"Ayos kana ba?"

Yan agad yung salubong nila sakin.

Nginitian ko naman silang lahat para sabihing okay lang ako.

Dinala ako ni kurt kung saan nakapwesto yung upuan ko, inalis na lang nya yung upuan ko at yung iniwanan na lang nya yung lamesa.
Nilagay nya sa harap ko yon at inadjust. Buti na lang na-aadjust yung mga lamesa dito kaya hindi ako mahihirapang yumuko.

Dumating na si sir at agad nya akong napansin.

"Dapat nag papagaling kapa sa ospital, bakit pumasok kana agad, excuse ka naman sa klase ko." Sabi ni sir.

"Okay naman na po ako sir." Sagot ko.

"Sige, basta pag may nararamdaman ka mag sabi ka, maliwanag ba ms fernandez?" Tanung sakin.

"Yes sir." Sagot ko at napatango naman sya tyaka sinimulan yung klase.

Discuss

Review

Quiz

"Past the paper in front." Sabi ni sir kaya pinass naman namin yung papel namin papunta sa harap kasabay ng bell.

"Class dismiss." Sambit ni sir bago lumabas.

"Dito na lang kayo kami na bibili ng pagkain. Kalix, samahan moko." Sabi ni kurt tyala sila umalis.

Habang nakatingin ako sa bintana bigla na lang kumirot yung tagiliran ko kaya napahawak ako rito pero nawala rin agad.

"Uy bakit? Masakit?" Nag aalalang tanong sakin ni althea.

"Kumirot lang." Sagot ko sakanya at ngumiti.

"Nakakakaba ka naman." Aniya habang nakahawak sa dibdib nya.

"Btw ano pala ireregalo mo kay kurt?" Tanung nya sakin.

"Diba nililigawan nya ako?" Napatango sya sabay ngiti.

She Fall in Love With a Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon