{Chapter 35}

261 12 0
                                    

Sweitcel's PO'V

"Aray! San ba galing yon??"

"Patay may natamaan ata ate." Bulong ni kisha sakin.

Lumingon ako at nakita ko yung grupo ng mga lalaki at nasa gitna naman yung natamaan ata?

" Sorry mga kuya napalakas lang yung pag hagis." Sabi ko at tinignan naman nila ako ng masama.

" Ang sabihin mo na lang sinadya mo yon!" Sigaw nya sakin.

Aba! Yabang neto ah!

" oy kuya wag kang maling akala jan." Sabi ko habang naka cross arm.

" Aba tapang mo naman." Sabi nya at tumawa pa ng konti.

" nag sosorry na nga ako ginyan pa Ugali mo." Sabi ko at umirap sa hangin.

" Aba! Ikaw pa matapang ngayon eh ikaw nga tong nakatama sakin!" Galit na sabi nung lalaki.

" nang hihingi na nga ako ng tawad ikaw pa tong galit." Sabi ko sabay irap.

Nasa likod ko naman si kisha hindi ko alam kung saan nakatingin. Nakatingin naman samin yung mga tao.

" Ayoko ng sorry pero kung pag bibigyan moko pwede naman. " Sabi nya habang tumingin sa dibdib ko. Habang tumawa naman yung kasama nya na kinainisan ko.

Nakakabastos pag ganto ayoko din sa lahat ng binabastos ako.

" paisa lang naman isang gabi lang--" Hindi ko na pinatapos yung sasabihin nya ng bigla akong umikot sabay sipa sa muka nya at agad naman sya'ng bumagsak sa sahig.

" whoa"

" astig non"

Narinig ko pang sabi nung ibang nanonood.

" bastusin nyo na lahat wag lang ako." May bantang sabi ko.

Susugod sana yung mga kasama nya ng biglang dumating sila Kurt, ken at kalix kasama si althea.

" Anong meron dito mga pre? " Tanung ni kalix medjo natakot sila dahil matangkad si kalix at Kurt sakanila.

" w-wala naman." Sabi nung isang at sabay nilang binuhat yung lalaking dumudugo yung ilong.

" anyare?" Tanung lang ni althea.

" si ate kase binastos kaya ayun nakatikim sya ng high kick." Sagot ni kisha.

" Ay kaya naman pala." Sabi ni althea.

" astig siguro non?" Tanong ni kalix pero wlang sumagot.

Nakaramdam naman ako ng sakit sa paa.

" Ayos ka lang?" Tanung ni kurt.

" Ayos lang ako, tigas pala ng muka non."Sabi ko at natawa si Kurt.

" Ang tigas nga ng muka pero nagawa mong mapabagsak ate." Komento ni kisha at natawa naman sila.

" mawawala rin naman to. " Sabi ko at ng tumingin ako sa basketball machine at nagulat ako ng madami ding palang tickets na nakuha namin.

Kinuha naman ni kisha yung mga tickets at yung stitch namin tyaka nya inabot yung akin.

" Tara na." Sabi ko at tumango sila pumunta kami sa counter tyaka pinapalit yung mga tickets.

Ganon rin naman yung pinalit namin ni kisha sa mga tickets namin isang medyong malaking stitch na pink at blue.

" stitch monster ata tong dalawang to." Komento ni kalix.

" syempre mag kapatid eh mana sa ate." Sagot naman ni althea.

She Fall in Love With a Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon