{Chapter 41}

166 7 0
                                    

Sweitcel's PO'V

Kakauwi lang namin galing sementeryo, andito ako ngayon sa sala dahil naisipan naming manood ng netflix, habang nag hahanap kami ng papanoorin lumabas si manang galing kitchen dala yung cookies, pop corn at lychee juice.

"Thank you manang." Sabi ko kay manang at tumango lang sya at bumalik na ulit sa kusina.

"Inside out na lang." Suggest nya dahil wala kaming mahanap.

"Sige" sabi ko at sinearch yung inside out.

Pinlay ko na at sinumulan naming manood.

"Kamuka mo si fear." Ani nya kaya pinandilatan ko sya ng mata. "Just kidding si joy talaga." Sabi nya ulit kaya pinalik kona ulit yung tingin ko sa tv.

Tahimik lang kaming nanonood habang kumakain ng pop corn at cookies, nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng pop corn nang kunin sakin ni kurt yung pop corn.

"Luh." Nasabi ko na lang.

"Bawal sayo to, cookies lang pwede." Sabi nya kaya yung cookies na lang kinain ko.

Naubos kona yung cookies, at uminom naman ako ng lychee juice.
Nakahawak ako sa tyan ko habang nanonood.

~~~~~~~~~~

Matagal na kaming nanonood medyo patapos narin yung movie. Nasa sadness part na kami.

Kaya medyo naiiyak nako, napakababaw ng luha ko.

"Woahh!! Bing bong! we did it! We? Bingbong? Bingbong!" Sabi ni joy habang nakatingin kay bingbong na naiwan sa baba

"hahaha! You made it! hahaha! Go, go! Save riley! hahaha!" Sagot naman ni bingbong habang nakatingin kay joy.

"Take her to the moon for me." Hiling ni bingbong kay joy habang unti-unting nag lalaho.

"I'II try bingbong, i promise." Sabi joy habang nakatingin parin sa baba.

"Oh bat umiiyak kana?" Tanong sakin ni kurt.

"Nakakaiyak kaya." Sagot ko naman sakanya.

Ilang minuto na lang at tapos na rin yung movie kaya nag patutog na lang kami sa youtube.

Sakto naman yung dating ni kishia kasama si ken, althea at kalix.

Humalik naman si kishia sa pisngi ko.

"Mag bihis kana." Sabi ko sakanya at nag umakyat na sya sa taas.

"Hi ate cel!" Bati sakin ni ken habang nakangiti.

Kyut nya talaga!

"Uyy nag babonding yung dalawa." Agad na sabi ni kalix pag pasok pa lang nya.

"Ingit ka?" Tanong ko.

"Hindi no bat ako maiingit." Sabi nya habang sumusulyap kay althea.

"Ang daya mo kurt! Ang daming pinaquiz samin kanina tapos ikaw nag paexcuse!" Sabi ni kalix pero tinawanan lang naman sya ni kurt.

Umupo naman si althea sa tabi ko at pinakinggan yung mahika by adie & janine berdin.

"~Ibon sa paligid umaawit-awit
Natutulala sa nakakaakit-akit mong tinatangi
Napapangiti mo ang aking puso~" sabay na kanta namin ni althea.

She Fall in Love With a Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon