Sweitcel's PO'V
Patuloy ko paring tinitignan yung picture ng batang to kung kapatid ko talaga sya asan sya? Hindi kaya pinamigay sya? Hindi hindi ganon si mom at dad pero bakit hindi nila sinabi? Ang gulo tuloy. Tinignan ko ulit yung nakasulat at sinimulan itong basahin.
Dear Kisha amaya
Sorry anak kung pinamigay kita, sadyang mahirap pa talaga yung buhay nahihirapan kaming buhayin ka dahil sakitin ka kaya nagawa ka naming ipamigay at sana mag kita kayo ng kapatid mo na si ate cel at kuya justine sila yung mga kapatid mo alam kong hindi mo sila nakita or nakilala kasi nung nag bubuntis pa lang ako sa'yo pinadala ko muna sila kay mama at alam ko namang maaalagaan sila ng mabuti hindi ko sinabi sakanila kasi nangako ako kay ate cel mo na wag nang mag aanak pa kasi gusto nya sya lang ang bunso pero dumating ka bigla kaya hindi ko sinabi at baka magalit sya, sana maalagaan ka ng maayos ng taong pinag ampon ko sa'yo sorry Anak wag kang mag aalala mababawi kita at mamumuhay tayo ng masaya nila ate cel mo at kuya justine kasama na si daddy mo mahal na mahal kita anak pasensya na anak ko.
Tumulo yung luha ko habang binabasa ko to.
" mom hindi naman po ako magagalit eh sana sinabi mo parin samin na may kapatid po kami hindi nyo na po kailangang ilihim samin." Naiiyak na sabi ko.
Huminga ako ng malalim at pinunasan yung pisngi ko tyaka nag ayos ng buhok.
" wag kang mag alala kisha hahanapin kita ako na lang ang tutupad sa pangako ni mom na mababawi kita babawiin kita kahit nay bayad pa." Sabi ko at nilakasan ko yung loob ko.
" Hindi dapat ako mahina dapat malakas ako katulad ni mom." Sabi ko at lumabas ng kwarto at dumeretso sa kwarto ko at naligo tyaka nag ayos.
Bumaba ako at naabutan ko sila Lola na umiiyak habang yakap yung picture ni mom. Napatingin sya sakin at tumayo para yakapin ako.
" tahan na Lola. " pag papatahan ko habang tinatapik yung likod nya.
May nag bigay na rin ng tubig at baka atakihin sya sa puso kaya pinag pahinga muna sya.
Wala parin si Kuya baka hinintay na nila yung abo ni mom. Uminom ako ng tubig at kumuha ng isang slice bread tyaka lumabas, pag labas ko naabutan ko si Kurt na nakaupo sa lamesa habang nakatulala.
" kurt." Tawag ko dito at agad naman sya'ng lumingon.
"Ayos kana ba? Kamusta pakiramdam mo? Masakit naba mata mo?" Sunod sunod na tanong nya sakin.
" Okay lang ako." Sabi ko at niyakap naman nya ko.
" wag kang mag alala cel mahuhuli din natin yung pumatay kay Tita at tito." Sabi nya sabay halik sa pisngi ko Medyo nagulat pako pero Hinayaan kona lang.
" Tara punta tayo sa bahay hanap ka ni mom at ken." Sabi nya at kumunot yung noo ko.
" Sino si ken? Kapatid mo?" Tanong ko.
" Oo kapatid ko hindi monga pa pala sya nakikita ano?" Sabi nya at tumango ako.
" Tara para makilala kana rin nya." Sbai nya at pinag buksan ako ng pinto.