Kurt's PO'V
Natapos kamo sa pag aasikaso ng mga bisita kaya umakyat muna ako sa taas at pumunta sa kwarto ni cel nandoon kasi sila althea at ken Ewan ko kung anong ginagawa nila.
Binuksan ko yung pinto at nakita ko si ken na natutulog sa kama ni cel at si althea ay nasa tabi nya at nag cecellphone. nakalabas din yung iPad ni ken siguro nag laro sila.
" Althea. " mahinang tawag ko.
" napagod sya sa paniningin sa picture ni cel kaya nag laro sya sa iPad nya at natulog na lang." Sabi ni althea at tumango ako.
" pakainin mo yan mamaya ah baka madami na kasing bisita sa baba." Sabi ko at tumango na lang sya.
Bumaba na ulit ako at binigyan ng mga pagkain ang mga bisita.
Nahinto ako dahil tinawag ako ng babae may katandaan pinaupo nya ako sa tabi ng anak nya na saksakan ng make up ang muka.
" May anak ako iho pwede mo na siyang ligawan." Nakangiti sabi ng babae sa tingin ko ay ina nitong babae na nasa tabi ko.
" Oo nga pogi single ka pa naman diba?" Tanung ng babae sa tabi ko.
" Kayo na lang dalawa." Masayang sabi ng ina nya.
" Sorry po may niligawan na po ako." Sabi ko at biglang simangot yung babae.
" mas maganda pa yung anak ko Kesa sa nililigawan mo iho." Sabi nya at inaayusan pa yung anak nya.
" totoo?" Sarcastic na sabi ko.
" Oo mas gaganda pa ako sa niligawan mo." Mayabang na sabi ng anak nya.
" patingin nga ng pangit na muka ng nililigawan mo." Hamon ng anak nya.
Nilabas ko yung phone ko at hinanap ang Picture ni cel. Naka ngisi kong hinarap yung phone ko sakanila.
" yan po ba ang tinutukoy nyo'ng pangit. " Pakita ko sa picture ni cel.
" eh mas maganda panga sya Kesa sa'yo." Ngising sa ko at napahiya naman yung ina nya at hindi na nag salita pa.
Tumahimik na lang din yung babae at hindi makatingin sa mata ko.
Kaya tumayo ako at nag asikaso ng mga bisita.Nakita ko na ring bumaba sila althea at ken na bagong gising shaka lumapit sakin to.
" Kuya gutom na ko." Sabi nya at hawak pa ang chan nya.
" halika ken kain naka Pili ka." Sabi ni althea at binuksan yung isang maliit na timbang biscuits.
Dali dali namang pumunta si ken kay althea at umupo sa tabi nito shaka niyakap ang timba habang kumakain.
Kaya na pansin sya ng mga bisita." Ang gwapo naman ng batang to"
" Ang cute nya kumain"
" kanino bang anak to"
Sabi ng mga tao habang nakatingin sa kapatid ko.
Alam kong Naririnig yon ni ken dahil na papangiti sya ng biglang.....
Hukkk!
Nasamid sya.
Kukuha na Sana ako ng tubig pero may mga nag bigay na.
At yung mga nag bigay mga pinsan ni cel ang daming kamay na May hawak na baso at nakaabot to kay ken pero hindi tinangap ni ken yon.
Inabutan sya ng tubig ni althea at yun yung ininom nya. Kaya Mejo na dismaya yung muka ng mga mag hawak na baso at ininom na lang yun.
Nag pa tuloy lang siya'ng kumain hanggang sa na busog sya Sakto naman na dumating sila mom at manang. Sinilip nila si tito at Nakipag kwekwentuhan muna sila saglit shaka umalis kasama ni ken.