{Chapter 36}

401 21 7
                                    

Sweitcel's PO'V

Napamulat ako ng bahagya akong ginigising ni kurt, kinusot ko pa yung mata ko bago tumingin sa paligid.

" cel gising na andito na tayo." Sabi ni kurt.

Tumango lang ako at tinanggal yung seat belt at sabay sabay kaming bumaba medjo nag inat-inat pa ako tyaka nag lakad para buksan yung pinto.

Binuksan ko at nilakihan para mag kasya yung mga gamit ni kisha. Nilingon ko si kisha na pasimpleng tumingin sa paligid nilapitan ko sya at inakbayan.

" Ang ganda naman ng bahay nyo ate." Sabi nya habang nakatingin sakin.

" natin, bahay natin." Pag tatama ko at ngumiti sakanya.

" Tara pasok na tayo." Aya ko at tumango naman sya.

Sabay kaming pumasok at sinarado ko yung pinto dahil nauna na sila althea at kalix tyaka si Kurt at ken. Hindi mapigilang tumingin ni kisha sa paligid at makikita mo sa mata nya ang pagkamangha. Hindi nya pa napansin si manang Gen.

" sya naba yun cel?" Tanung sakin ni manang.

" sya na nga yun manang." Nakangiting sabi ko kaya napangiti din sya.

" Hi po." Nahihiyang Bati ni kisha.

" hello iha anong pangalan mo?" Tanung ni manang habang nakangiti.

" Kisha amaya po pero pwede nyo po akong tawaging kisha or amaya po kung saan po kayo komportable." Sagot ni kisha.

" Hindi nako mag tataka na mag kapatid talaga kayo sa muka palang mag kamukang mag kamuka." Sabi ni manang at bahagya kaming natawa.

" Kaya nga manang no? Kamukang kamuka po nya si Tita at cel." Sabi naman ni althea.

" para nga silang pinag biyak na bunga." Sabi ni kurt  kaya napatingin sakanya si manang pero agad ding dumapo kay ken yung mata nya.

" at sino namang tong gwapong binata?" Tanung ni manang.

" kapatid ko po manang, mark kenji po yung pangalan nya pero pwede nyo po sya'ng tawaging ken." Sagot ni Kurt at tumango naman si manang. At tumingin sakin.

" ayusin kona ba yung magiging kwarto nya iha?" Tanung sakin ni manang.

" Sige po manang." Sagot ko kaya tumango naman sya tyaka umalis.

" ate pwede bang share nalang tayo sa kwarto mo? Nahihiya kase ako." Sabi ni kisha.

" Ano kaba kisha wag kang mahiya kapatid din kita pati pala ni kuya at talagang may sarili kang kwarto dito." Sabi ko at medjo nahihiya talaga sya.

" nagugutom ako." Komento ni kalix.

" pumunta ka sa kusina at tignan mo kung may pagkain." Sabi ko sakanya.

" takaw." Sabi naman ni althea.

" wews coming for you Kulot ah." Sagot naman ni kalix.

" isa pang tawag mo sakin ng Kulot sasakalin talaga kita ng makita mo." Mataray na sabi ni althea.

Hindi na lang kumibo si kalix at dumeretso na lang sa kusina.

" upo muna tayo." Sabi ko.

" May gusto ka bang kainin? Or inumin?" Tanung ko kay kisha.

" kahit juice or tubig ate." Sabi ni kisha at tumayo ako para kumuha ng juice.

Pumunta ako sa kusina at nakita ko naman si kalix na nakatutok sa ref habang nag hahanap ng makakain.

" alis ka jan may kukunin ako." Sabi ko at bigla naman sya'ng nagulat.

" cel naman nakakagulat ka naman." Sabi nya at natawa ako gumilid naman sya kaya kinuha kona yung pineapple juice tyaka kumuha ng baso.

She Fall in Love With a Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon