Althea's PO'V
Kanina pa kami nag kwekwentuhan at napansin ko na tahimik si cel kaya nung tinignan ko sya naka-sandal yung ulo nya sa sandalan ng sofa habang nakapikit.
" cel" Tawag ko sakanya pero hindi sya sumagot.
" nakatulog na ata sya." Sabi naman ni kurt.
Tumayo ako at tumabi kay cel.
" cel." Tawag ko at kinalabit pa sya pero Ayaw parin gumalaw tulog na siguro.
" tulog na sya?, langya yan tinulugan tayu." Medjo napalakas yung pag kakasabi ni kalix kaya nakakuha sya ng Batok kay kurt.
" Aray naman." Sabi ni kalix habang hinihimas yung Batok nya.
" Ang ingay mo." Sabi ni kurt.
" Ikaw rin naman." Sagot naman nitong isa.
" shhh ang ingay mo itikom mo na nga lang yang bibig mo." Sita ko sakanya kaya napanguso na lang sya.
" Dimo nako lab?" Parang batang sabi nya.
" tigilan moko." Sabi ko habang nakatingin sakanya.
" Dimo nako lab?" Sabi nya ulit.
" isa pa lalagyan ko ng tape yang bibig mo." Banta ko sakanya.
" sabi ko nga hindi na." Sabi naman ni Kalix at nag sign pa ng zipper sa bibig nya.
" isang matured at childish." Komento naman ni kurt habang nakatingin samin ni kalix.
"wag kana mag salita jan, buhatin mo na lang si cel at dalin mo sa kwarto nya." Sabi ko at gumilid.
" bigat kaya nya, kalix tulungan moko." Sabi ni kurt habang nakatingin kay kalix.
" sabihin ko kaya kay cel na sinabihan mo sya ng mabigat." Sabi ni kalix habang nakatingin kaya cel at tumingin ulit kay kurt.
" ako na nga lang mag isa." Sabi nya at pumunta kay cel at binuhat nahirapan pa sya'ng iaangat pero nakayanan nya rin.
" dahan-dahan ah baka mahulog kayo." Sabi ko.
" argh bigat." Sabi ni kurt at natawa na lang kami ng mahina.
" Oh ikaw naman umuwi kana." Sabi ko kay kalix.
" pa kiss muna." Sabi nya at ngumuso agad ko namang pinitik yung ilong nya.
" umuwi kana." Sabi ko nakanguso namang sya'ng nakatingin sakin.
" Ano pang tinatayo-tayo mo jan uwi na----" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng halikan nya ako ng mabilis literal na mabilis daig pa si flash sa sobrang bilis ganon din yung pag takbo nya palabas ng pinto at bago sya makarating sa pinto nag salita sya.
" alis nako Kulot! Love you!" Sabi nya at kumindat pa sakin tyaka umalis.
napangiwi na lang ako pero ramdam ko yung pag init ng pisngi ko.
" wew wala pang label pero may Iloveyou." Biglang pag supot naman ni kurt kaya medjo nagulat ako.
" wew kayo nga ni cel wala ring label pero lagi kayong mag kasama sinama mo pa sya sa bahay nyo kahapon hindi kayo nag sabi samin ni kalix." Sabi ko at umiwas na lang sya ng tingin.
" Kala mo ah, umuwi kana nga rin." Sabi ko kaya umalis na rin sya.
Pumunta ako sa kusina para mag paalam kay manang.
" manang uwi na po ako sunduin ko na lang po si cel dito bukas." Sabi ko at ngumiti.
" Sige iha." Sabi ni manang kaya umuwi na ko.