Sweitcel's PO'V
Iniwan ko na lang yung bag ko at yung phone ko tyaka ako lumabas at tumakbo kahit malakas na yung ulan.
Pumasok ako sa entrance ng cemetery at tumakbo pa punta kela mom at kuya. Napakalakas lang ulan kaya nahirapan ako kasabay ng pag tulo ng luha ko dahil sa kaba ng palapit nako bigla na lang may sunod sunod na nag paputok ng baril kaya napaupo ako na napasigaw narin dahil sa gulat at pag tayo ko kita kong Nakayakap si mom kay kuya na parang pinoprotektahan nya si Kuya pag lapit ko kasabay ng pagbagsak ni mom at kuya sa damo, si Kuya iyak ng iyak habang nakatingin kay mom. Agad akong umupo at hinawakan si mom habang umiiyak kasabay ng malakas na pag buhos ng ulan.
" m-mom." Tawag ko at tumingin sakin si mom habang yung nga luha nya ay tumutulo sa pisngi nya.
" m-mag i-ingat kayo p-palagi wag n-nyo papabayaan yung s-sarili nyo." Hirap nya'ng sabi at hinawakan ng kanyang Nanginginig na kamay ang pisngi ko at ngumiti.
" mom" Naiiyak na sabi ko habang nakahawak sa kanya.
" c-cel t-tandaan m-mo mag t-tapos ka ng p-pag aaral at t-tuparin mo a-ang p-pangarap mo b-bilang isang b-business w-women." Sabi nya at tumingin kay kuya.
" i-ikaw na b-bahala s-sa c-company n-natin at i-ingatan mo y-yung k-kapatid m-mo mahal na m-mahal k-ko kayo------." Hindi na nya natapos pa ang sasabihin nya ng biglang umubo sya kasabay ng pag labas ng dugo sa bibig nya at pagpikit ng mata nya kaya mas lalo akong naiyak at si Kuya.
" m-mom please wag nyo po kaming iwan." Sabi ko at niyakap sya.
" mom please wake up." Naiiyak na sbai ni kuya niyuyug-yug si mom pero wala na talaga.
Nag angat ako ng tingin at tinignan si Kuya " k-kuya please dalin natin si mom sa ospital." Naiiyak na sabi ko at agad naman nya'ng binuhat si mom at patakbong ipinunta sa kotse.
Sana gumana na para kay mom to gumana ka plss
Sumakay ako ng passenger seat katabi ni mom at si Kuya na ang nag drive mabilis nya itong pinaharurot kahit delikado.
" m-mom wake up please wag mo kaming iwan." Umiiyak na sabi ko at niyakap si mom dun ko lang na pansin na ang dami nya'ng tama ng baril namumuti na rin yung labi nya, basang basa kami ng ulan ng makarating kami sa ospital at agad na binuhat ni kuya si mom papasok ng ospital. Sumunod rin ako at nakita ko kung saan pinasok si mom na kwarto papasok sana ako Kaso agad among pinigilan ng mga nurse.
" Sorry ma'am hanggang dito na lang po kayo bawal po pumasok." Sabi ng nurse at sinarado yung pinto.
Napaupo na lang ako sa gilid kung saan nakatayo si Kuya habang umiiyak.
Napayuko ako kasabay ng pag buhos ng luha ko.
" Bakit? Anong kasalanan ng magulang ko? Bakit kailangan nilang makaranas ng ganto?" Bulong ko sa sarili ko.
Blagg! Blagg!
Napaangat ako ng tingin dahil biglang pag kalabog dahil sa pag suntok ni kuya sa Pader. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap pati yung braso nya para mapigilan ko ang pag suntok nya.
" Ang tanga ko!" Sigaw nya.
" Kuya please calm yourself." Iyak na sabi ko at dahil mas malakas sya sakin nagawa nya'ng sa bunutan yung sarili nya. Nakayakap parin ako habang umiiyak.
"Kuya may papakita ako sayo kailangan mong makita to." Sabi ko at agad na tumakbo papuntang kotse at kinuha yung phone ko at bumalik kay kuya sa loob agad kong binuksan yung cellphone ko at may new message yung unknown number.