Sweitcel's PO'V
Academic break namin ngayon kaya naisipan kong mag gala pero nauwi lang sa away.
"Kaibigan ko nga lang yon!" Katwiran ni kurt habang nakatayo sa pinto ng kotse nya.
Hapon na pero andito pa kami sa village park at kami na lang ang tao dito.
"Kaibigan pero may kiss?! Kaibigan nga ba talaga?" Inis na sabi ko sakanya.
"Hindi naman kami nag kiss! Mali ka lang nang nakita! Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" Mahinahon nya'ng sabi dahil ayaw nya akong masigawan.
"Hindi sa pagiging matigas ang ulo, Nag kiss kayo! Nakita ko." Sagot ko sakanya habang naka cross arm.
"Mali ka lang ng akala, kaya akala mo nag kiss kami," sabi nya habang nakatingin sakin.
"Hinawakan mo sya sa pisngi, automatic nag kiss kayo!" Inis na sabi ko tyaka tumalikod.
"Uuwi nako!" Sigaw ko habang at nag simulang mag lakad.
"Teka nga,, di mo muna kasi ako hinayaan mag paliwanag." Sabi nya.
"Eh ano pang ipapaliwanag mo?" Inis na sabi ko.
"Inuunahan ka na naman kasi ng selos." Sumbat nya sakin.
" anong gagawin ko? Mag chill lang ako habang ikaw may kakiss nang iba? Maging bato ako sa kamanhidan? Ganon ba??" Galit na sabi ko sakanya.
"Mali ka kasi nang nakita kaya ka nag kakaganyan." Medyo galit na rin na sabi nya.
"So ako pa mali ngayon? This fast few days napapansin kong lagi kayong magkasama, imbis na ako ang kasama mo sya, ang kasama mo!" Sigaw ko sakanya.
"Mag kaibigan kami, kababata ko sya. Anong gusto mong gawin ko iignore ko lang sya?? Simula pagkabata kasama ko na yon, ano bang mali don! Kung ano ano kasi iniisip mo!" Nagulat ako ng biglang tumaas yung boses nya.
"Aaminin ko! Nag seselos ako, sorry ha? Kung nag seselos ako, sana pala naging bato na lang ako sa kamanhidan." Sabi ko sakanya habang pinipigilang umiyak.
"Alam ko naman yon. Pero bakit parang sumusobra kana?" Mahinahon nyang sabi.
"Sorry, kung ganon ako, selosa ako eh, anong magagawa ko kung nag seselo--" napahinto ako nang mag ring yung phone nya.
"Bakit kylie?" Rinig kong sagot nya kaya napatingin ako sakanya.
"Ahm hindi pa ako nakakauwi, ikaw ba? Nakauwi kana?" Parang wala ako sa harap nya habang kausap nya.
Ang sakit sakit.
"Haha ok lang ako." Sagot nya ulit.
Selos na selos na ako!
"Mamaya?...Tignan ko muna kung kaya,... hindi eh.... ah ok." Mukang masaya naman sya habang kausap yun.
"Sige, bbye ingat palagi." Paalam nya at binulsa nya yung phone nya at humarap sakin.
"Tapos kana makipag usap?" Nangingilid na luha kong sabi habang nakatingin sakanya.
"Sumagot ka.... tapos naba! Ang sakit sakit! Parang wala ako sa harapan mo!" Dun na nag silabasan mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
"Ba-bakit kailangan mo sagutan yan! Sana lumayo ka naman! Andito ako eh! Ako yung kasama mo! Nasasaktan din ako!" Umiiyak na sabi ko habang nakatingin sakanya.
"Ihahatid na kita." Sabi nya at sinubukang lumapit sakin pero umatras ako.
"Hindi na! Pumunta kana sa pupuntahan mo! Kaya ko sarili ko. Now you've done it." Mahinahon kong sabi at nag lakad palayo.