Sweitcel's PO'V
Nagising ako nang may narinig akong kumalabog kaya dali-dali akong umupo kasabay ng pag gising ni kisha tatayo na sana ako at lalabas ng biglang may yumakap sakin kasabay ng pag takip sa bibig ko gamit ang kamay. Handa na sana akong sikuhin sya ng bigla sya'ng mag salita.
" shhh wag kang lalabas." Bulong sakin ni....kurt?
Nilingon ko naman si kisha na nakatakip rin ang bibig gamit ang kamay ni ken.
" nag kakagulo sa labas buti na lang nakarating kami dito sa kwarto nyo." Sabi ni kurt.
Wait? Nakalock yung pinto ah? Sinipa nya?
" Oo sinipa ko yung pinto kaya sira ang doorknob." Gulat ako sa sinabi nya kasabay ng pag tingin ko sa pinto, sira nga nakaharang lang yung study table ko.
" ano ba kasing nangyayare?" Bahagya kong inalis yung kamay nya para makapag salita ako.
"Dahil sa nangyari kagabi, kaya may mga nag si-puntahan dito." Mahinang sabi nya habang nakikiramdam sa paligid.
"By the way pinabibigay ni kuya justine kaya mo daw makipag laban kaya tumulong kana samin basta mag ingat ka." Sabi nya sakin sabay abot sakin ng kulay itim na lalagyan kung saan nakalagay yung baril.
"Si ken na bahala kay kisha." Sabi ni kurt.
"Dito lang kayo wag kayong lalabas babalikan namin kayo." Sabi ni kurt at pareho namang tumango sila ken at kisha.
Tumingin sakin si kurt na parang nag sasabing humanda nako.
Kinuha ko yung rubber band sa gilid ng higaan ko, at nag ipit ng buhok mataas na tali ang ginawa ko para hindi sagabal sa muka ko. Hindi nako nag palit ng damit dahil wala nakong oras para gawin yun.
Sinenyasan kona si kurt na lumabas na kami pero bago pa kami makalabas may sunod sunod na putok ng barik kaya napatakip ako ng tenga. Nang masiguro na naming ok na tyaka namin dahan-dahan naming hinila yung table ko at lumabas nginitian kopa si kish para sabihing 'magiging ok din kami'.
Inayos ko yung baril ko at nilagay ko sa tagiliran ko yung extra lalagyan ng bala. Tumingin ako kay kury at tumango.
Dahan-dahan kaming nag lakad habang nakatapat sa gilid ng sentido namin yung mga baril namin. Nag hiwalay kami para madaling makagalaw.
Sakto naman ang pag labas ng lalaking nakaitim at sabay tutok sakin ng baril kaya dali dali akong gumulong kasabay ng oag putok ng baril. Pumunta ako sa gilid malapit sa pader. Agad ko namang syang pinaputukan at natamaan sya sa gilid ng dibdib at bumagsak sya sa sahig.
Nilapit ko to at kinuha yung mga baril nya at inistya kay kurt yung iba at agad naman nyang nasalo to.
"Oks ka lang?''. Tanong nya sakin at tumango ako.
Tumuloy nako sa pag lalakad at nanlaki ang mata ko nang makita kong may nakatutok nabaril kay kurt sa likod. Hindi nya napansin yun dahil busy sya sa pagtingin sa harapan nya.
Tumakbo ako palapit sakanya at hinawakan yung ulo nya at niyakap ko to kasabay ng pag yuko nya at pinaputukan ko ng baril yung lalaki at bumagsak ito pababa sa hagdan.
"shit! you're about to get shot, I'm worried." Sabi ko at niyakap sya.
Tahimik lang naman sya at napagtanto kong nakayakap nako sakanya ng mahigpit.
Dali dali akong lumayo at inayos ang sarili ko."why did you stay away? just hug me." Natatawang sabi nya.
"Ingay mo." Komento ko sabay kurot sa tagiliran nya.