{Chapter 45}

167 4 0
                                    

Sweitcel's PO'V

Eto ako ngayon nag lalakad sa park malapit sa village namin.

Di ko na inaya si kurt dahil busy sya at kishia naman sinama ng mga friends nya para mag libot. Si althea sumama kila tita sa reunion.

Sabado ngayon, naboring ako sa bahay kaya lumabas muna ako para mag lakad lakad. Ilang araw pa lang nung sinagot ko si kurt at kahit papano naging maayos naman ang relasyon namin.

Nang makarating ako sa play ground umupo muna ako sa swing habang tumitingin sa paligid. Madaming bata na nag lalaro, mga paru-parong dumadapo sa mga bulaklak at malakas na simoy ng hangin.

Masarap tumambay dito lalo na ngayong maganda ang panahon.

Habang tumitingin ako sa paligid biglang may lumapit na batang lalaki habang may hawak na bulaklak na pinitas nya lang ata sa kung saan.

"Ate.. para sayo po." Sabi nya habang nakangiti, lumabas tuloy yung malalim nyang dimple.

"Sakin?" Tanong ko pa at tumango naman sya, kaya kinuha ko at ngumiti din.

"Thank you." Pagpapasalamat ko.

"Ang ganda nyo po kasi, kasing ganda nyo rin po kase yung bulaklak." Sabi nya at tinuro pa yung binigay na bulaklak nya sakin.

"Para po kayong angel." Dagdag pa nya kaya napatawa ako.

"Ikaw naman, ang cute cute mo!" Medyo malakas kong sabi at pinisil yung matambok nyang pisngi.

Nginitian ko sya at napansin kong di sya nakikipag laro sa mga bata.

"Ayaw mo bang makipag laro sakanila?" Tanung ko dun sa bata.

"Gusto po, pero ayaw po nila akong isali." Sagot nya sakin.

Habang nakatingin ako sakanya may dumating naman na ice cream vendor kaya tumayo ako.

"Gusto mo ng ice cream?" Tanong ko sakanya.

"Oo naman po!" Masayang sabi nya.

"Tara bili tayo

Humawak sya sa kamay ko kaya nag lakad na kami papunta sa mag titinda ng ice cream.

"Pabili po." Sabi ko.

"Anong flavor iha?" Tanong sakin ni manong vendor.

"Anong gusto mo?" Tanong ko dun sa bata.

"Cookies and cream po yung nakacone!" Masayang sagot nya kaya tumango ako.

"Dalawa pong cookies and cream na nakacone po."sabi ko at ini-abot naman sakin ni manong vendor.

"Ito po bayad." Nag bigay ako ng 200 na buo dahil yun lang yung barya ko dahil puro buo na.

Ibibigay pa sana sakin ni manong yung sukli pero umili ako.

"50 pesos lang isa iha." Sabi sakin ni manong vendor.

"Keep the change na lang po" sabi ko at ngumiti.

"Salamat iha, maganda ka sigurong bwena-mano" nakangiting sabi nya sakin.

"Di naman po masyado." Sagot ko at tumawa ng mahina.

"Tara?" Tanong ko sa bata at tumango naman sya.

Bumalik ulit kami sa duyan at umupo para kumain ng ice cream.

"Asan pala mga magulang mo?" Panimula ko sakanya habang kumakain ng ice cream.

"Umalis po, babalikan naman po nila ako." Sagot nya sakin.

"edi mag isa ka lang?" Tanong ko ulit at tumango naman sya.

Grabe naman yung mga magulang nito iniiwan na lang basta basta yung anak sa play ground pano na lang kaya pag may dumukot dito.

She Fall in Love With a Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon