Epilogue

287 1 0
                                    

Sweitcel's PO'V

"Asan naba?" Tanong ko habang nakakapit kay kurt.

"Wait saglit na lang." Sagot nya sakin.

Hindi ko alam kung asan kami ngayon dahil nakablind fold ako.
Basta ang nararamdaman ko na lang ay malakas na hangin.

"Baka madapa ako." Sabi ko ulit.

"Hindi yan basta ako naghahawak sayo" sagot nya sakin at naramdaman ko pang hinalikan nya ako sa kamay.

Habang nag lalakad kami ramdam ko na buhangin ang dinadaan namin.

"Andito na tayo." Sabi nya.

Inalalayan nya ako umupo at naramdaman kong tela na nakalatag sa buhangin at ang paghampas ng tubig?

"Tatanggalin ko na." Ramdam ko ang excitement nya. Pumunta sya sa likuran ko para tanggalin ang blindfold ko.

Pagtanggal nya napakusot pa ako ng mata dahil sa liwanag ng paligid. Dahil sa sinag ng araw na palubog na.
Hindi ako nakapag salita agad dahil sa nakita ko.

Gusto ko to. ang makita ang araw na palubog....

"Nagustuhan mo ba?" Tanong nya sakin at umupo sa tabi ko.

"Sobra.... ang ganda." Lumingon ako sakanya. "Thankyou kurt." Nangingilid ang luha kong sabi dahil sa saya. Napakunot sya ng noo.

"Bakit umiiyak ka?" Tanong nya sakin at hinimas yung likod ko.

"Masaya lang ako... gusto ko to... gustong gusto." Masaya kong sabi at ngumiti.

Niyakap ko sya pero may inabot sya sakin na isang kumpol ng bulaklak na nakabalot sa isang lumang papel.

"Para sayo."

"Thankyouu." Nakangiti kong sabi at niyakap sya ng mahigpit.

Nakaakbay sya sakin ngayon habang pinagmamasdan namin ang haring araw na palubog kasabay ng pagbabago ng kulay ang kalangitan dahil nasisimula nang dumilim.

Lumingon ako sakanya habang nakangiti.

Pinag lapat namin ang aming noo hanggang sa magbungguan na ang aming ilong at kusang tumagilid hanggang sa naglapat ang aming mga labi.

Dahan dahan gumalaw ang aming mga labi na nagpangiti saming dalawa at dahan dahan nyang hinawakan ang batok ko na nagpalalim lalo sa aming paghahalikan.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

"Wine sir?" Tanung nung waiter kay kurt.

"Yes please." Sagot nya kaya nilagyan ng waiter yung baso namin ng wine.

Pagkaalis ng waiter inabot nya sakin yung isang baso.

"Cheer's " sabi nya at pinagbungo namin ang baso.

"Masaya kaba?" Tanung nya sakin. Actually kanina nya pa tinatanong yan.

"Oo naman sobra." Masaya kong sabi habang nakikinig sa nagpapatugtog ng violin.

"Bukas manood naman tayo ng sunrise." Sabi nya kaya napatingin ako sakanya.

"Talaga?" Nanlalaking mata kong sabi.

"Oo naman." Sabi nya ulit at pinisil ang isa kong kamay na nakalapag sa lamesa.

"Inaantok kana?" Tanong nya sakin.

"Hindi.." hindi ko siguradong sabi.

Lumingon sya sa likuran nya kung saan may duyan.

"Tara dun." Aya nya sakin at hinila ako palapit sakanya.

Naglakad kami papunta sa duyan at umupo. Umuugoy ito ng mahina.

"Iloveyou" sabi nya bigla.

"Iloveyou too" sagot ko sakanya at ngumiti.

Nakasandal ako sa dibdib nya habang nakayakap sya sakin. Patagal ng patagal ay unti unti akong inaantok.
Hanggang sa napapikit ako at nakatulog.

Third Person's PO'V

Maingat na inayos ni kurt si cel namahimbing na natutulog sakanyang bisig.

Nang maiayos na nya ito tyaka nya binuhat ng dahn dahan para dalin sa kwarto nila.

Nang makarating sila sa hotel house dinukot nya yung card sa bulsa nya para mabuksan yung kwarto. Nang mabuksan nya ito pumasok sya at dahan dahang binaba si cel sa kama at kinumutan ito.

Pinagmasdan nya muna ito bago lumapit sa travel bag nila at kumuha ng damit at tuwalya para mag shower. Naglakad sya palapit sa cr at sumulyap pa kay cel bago pumasok.

~~~~~~~

Ilang minutong nakalipas ng matapos syang maligo at mag toothbrush bago lumabas ng cr, paglabas nya ay nakita nya pa rin na mahimbing na natutulog si cel, nag iba ito ng pwesto.

Kumapit sya sa ilaw at pinatay ito tanging lampshades na lang ang nag sisilbing liwanag sa kwarto nila.

Napag isipan nyang sa sofa na lang matulog kaya kinuha nya ang kumot at isang unan tyaka nahiga sa sofa malapit sa kama. Pumikit sya tyaka at pilit natutulog.

~~~~~

Ngunit maya maya ay bigla syang napadilat ng may maramdaman syang nakatayo sa harap nya nakaputi. Kaya napaupo sya at inilawan ito.

"Shit! Akala ko na kung ano." Gulat na sabi ni kurt habang nakaupo at handa nang saktan ito.

"Nilalamig ako." Inaantok na sabi ni cel habang nakapikit.

Hinawakan ni cel si kurt at dinala ito sa kama kung saan sya natutulog.
Hinintay nyang makahiga si kurt tyaka sya humiga sa braso nito.

"Matulog kana ulit." Bulong ni kirt sakanya kaya tumango sya.

Niyakap sya ni kurt tyaka sila nagkumot. Ang kaninang di makatulog na kurt at unti unti na rin nakatulog.

~~~~~~

5:30

Magkahawak kamay na nakaupo sila kurt at cel sa isang malaking bato sa cliff diving habang hinihintay na sumikat ang araw. Unti unting lumiliwanag dahil sa dahan dahan na pagsikat ng araw.

Nakasandal di cel sa balikat ni kurt habang nakatingin sa araw na palabas na, medyo nasisilaw sya dahil sa liwanag nito.

Naging maliwanag na ang paligid dahil sa pagsikat ng araw.

"Iloveyou." Bulong ni kurt na nagpangiti kay cel.

"Iloveyoutoo." Sagot nya.

"Hindi ako mag sasawang mahalin ka kahit sa huli ko pang hininga." Sabi ulit ni kurt.

"Ako rin, dahil pangako na hindi kita iiwan at magpapakasal pa tayo diba?" Sagot sakanya.

"Oo magpapakasal pa tayo at aalagaan natin ang isang dosenang makukulit na anak natin." Sabi nya ulit na nagpatawa kay cel.

"Dami ah, isang dosena talaga?" Di makapaniwalang sabi ni cel habang natatawa.

"Oo naman" seryosong sabi ni kurt..

"Okay! Sabi mo eh" sagot sakanya ni cel tyaka ngumiti.

"Sa pag lubog ng araw at pagsikat ikaw pa rin ang kasama ko at hindi ko na papakawalan pa." Malambing sabi ni kurt at hinawakan ang pisngi ni cel tyaka unti unting pinag dikit ang kanilang noo at ang pag lapat ng labi nila sa isa't isa.....


End

I hope na hindi kayo nabitin hahaha, pero thankyou pa rin sa pag hihintay ng update kahit matagal at salamat sa mga taong nananatili pa rin mag basa ng story ko na to, una pa lang to pero sana makagawa pa ako.

Pero itatry ko na gumawa ng special chapter I'm not sure kung makakagawa ako, kaya wag kayo masyadong mag expect na makakagawa ako. Up coming story ko ay 'When love can wait' . Pero hindi ko pa alam kung itutuloy ko hahaha.

Thankyou ulit sa pagbabasa!

~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡

She Fall in Love With a Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon