1. Si Inkarnasyon, Mamamatay?

270 20 1
                                    


♥♥♥

Pa'no ba magpakaalipin?

1.'Ang ngumiti lang sa customer na pinagdamutan ng kagandahang asal? Tumango-tango ng parang tanga habang iniisip na ang mumunting pagpapahaba ng pasensya ay libreng tiket para manalo ng 'emloyee of the month'?

2. O 'yung nasa number one?

Buhay nga naman ng working student. Ang hirap mag-aral sa umaga at magpakadilang service crew sa Café Viva 'pag gabi. Kaya ito ako ngayon, bala-balanse ang tray ng kape na order ng customer na hipon. Kung ga'no kakinis ang legs, gano'n din kakinis ang abs n'ya-sa mukha. Dahil sa simangot na binibigay sa'kin, nakumpleto ang kanyang six pack hanggang noo.

"What took my order so long?" tanong ni Hipon.

Ang bonus, para sa bonus na one five.

"Maam, I'm sorry if your coffee was sent three minutes after you ordered. Enjoy," sabi ko naman with plastic smiling face.

"Aba't sarcastic ka pa. You can go."

Ngumiting Mr. Bean uli ako sabay talikod. Nang makailang hakbang, biglang may tumulak sa'kin na kasing lakas ng pwersang pang-exorcism. Syempre pa, sumubsob ako sa bakanteng mesa at basi sa hapdi ng noo, mukhang nagmarka ang 'V' na disenyo nito. Bago pa masapian ng demonyo at paghahambalusin ang salarin, umlingawngaw ang sigawan ng dalawang lalaking nagrarambulan.

"Tuli na ako ulol! Palibhasa laking abroad ka kaya supot pa rin!" singhal ng lalaking pinaglihi kay machete.

"Shut up! It doesn't have to do with the problem! You had one job ape, one job- win the bloody race. And where were you? Banging chicks, then bang some more!" sagot naman ng tisoy.

"Bang-bang-bang!" at nag-mala action star si machete habang kunwaring pinagbabaril ang kaaway. Katabi n'ya ang isa pang lalaking nakaupo lang habang pumipindot-pidot sa cellphone, walang pakialam sa mga kasama.

Natampal ko nalang ang noo at isinumpa ang gabing ito. Kung minamalas nga naman, hindi lang nagmamagandang customer ng napadaan ngayon, meron pang mga unggoy na kasing kulay ng inumin ang balat; isang kapeng barako, coffee with cream at purong gatas. Syempre, wala na akong magagawa kundi mamagitan sa kaguluhan.

"Excuse me sir, um, pakibabaan, lang ang boses n'yo. Baka po makaistorbo tayo ng ibang customers," magalang kong sabi. Walang nakikinig sa'kin habang ang dalawang lalaki ay natatalo at ang isa ay nakatungo pa rin sa cellphone n'ya.

"Sirs? Excuse-"

Rambol pa rin.

"Sir, Kasi po ang ibang custo-"

Mura.

"-tomers, baka po-"

At pumutok ang Bulkang Inkarnasyon.

"Gago pala kayo eh! Hoy!"

Sinakop ng katahimikan ang buong cafe, huli na para bawiin ang nasabi ko.

"What did you bloody say?" tanong ng mestizo. Habang ang moreno naman ay nagsalubong ang kilay at paulit-ulit na sumusigaw ng 'bang-bang-bang' kunwaring binabaril ako.

"You heard her right," singit ng pangatlong lalaki ng 'di man lang nagtaas ng tingin.

"Ah, w-wala ho. Sabi ko ho baka maistorbo ang ibang customers... ho," depensa ko naman.

Patay na.

Lumingon sila sa paligid ng shop at hinahanap ang sinasabi kong mga customer. Wala silang nakita maliban sa ngayo'y bakanteng mesa kung saan nakaupo ang babaeng hipon. Para saan pa't gawin n'yang panangga ang muscles sa mukha habang pinagtatanggol ako? Pero wala, agad na tumakbo kasama ng pag-iinarte n'ya.

Hello, Sh*tface!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon