30. Si Inkarnasyon, Dinalaw?

67 5 0
                                    


Short update. Sooooooorry.
♥♥♥

Sabi na eh. Kaya napapa-oooh at napapa-aaah na naman ang iilang customer sa cafe, dumating pala si Ice.

"Good evening sir, welcome to Cafe Viva, what's your order?" Kay laki ng ngiti ko habang iniaabot ang menu sa kanya.

Anong sumapi sa lalaking 'to? Matapos aong tawagan kanina, bigla-biglang sumusugod at nagpapakyut? Binuklat-buklat niya ang menu at seryosong nagsabi. "It's not on the menu."

"Ano po ibig niyong sabihin sir?"

Sinara niya ang menu at ibinalik sa'kin, nakakunot pa ang noo. "What I want is not on the menu."

"Ah, what do you want sir?"

Tumingin siya sa akin at buong madamdaming sinabi, "You. I want you."

Boom! Ang galing mo boy pick up! Nahigit ko ang hininga at 'di alam ang gagawin. Pick up line 'yon 'di ba? Kanino siya nagpaturo, kay Jo? O saang libro niya nabasa iyon?

"Sorry sir, wala... I mean kuwan, hindi po ako kasali, sa ano, sa menu." Enebe.

Nasira ba ang aircon? Grabe, ang init! Nararamdaman ko na ang epekto ng global warming. Ang epekto ng kalandian ng fertility goddess.

"Then black coffee and a slice of dark forest cake." Maliban sa nakakasilaw na ngipin, pansin rin ang maayos niyang buhok. Akala ko wala na siyang ikakapogi pa, meron pa pala, kapag hindi niya tinakbuhan ang suklay.

Saglit lang, ang puso ko, nalaglag at kailangang pulutin. Kapwa kami nagpipigil ng ngiti ng magpaalam ako sa kanya. Imbes na asikasuhin ang order, sinabi ko nalang iyon sa kasama kong crew at dumiretso sa kitchen. Nagtatalon-talon ako at nagpaikot-ikot habang nanggigil na impit sumigaw.

"Anong nangyayari sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Flor, ang staff sa kitchen.

"Wala. Wala 'to. Ano, biglang sapi lang. Okay lang ako. Hindi ako mamatay dahil sa pickup line. Hindi pa," at nag-thumbs up sa kanya.

Siya namang pagpasok ni Ton-ton. "Hoy babae. Hinahanap ka na ni boylet. Nagtataka bakit iba ang nagserve sa kanya. Ang swerte mo gaga."

Matapos ayusin ang sarili ng kaunti, bumalik ako sa counter na gandang-ganda sa sarili. Maya-maya sumusulyap ako kay Ice at nahuhuli niya dahil ganoon din ang ginagawa niya. Dalawang oras niya akong sinusundan ng tingin, at kapag napapadako ang tingin sa kanyang direksiyon, ay kinikindatan niya. Ang totoo, kinikilabutan ako. Kinikilabutan sa kilig.

Pasara na kami nang magbayad si Ice. At nang ibalik ko sa kanya ang credit card, hinawalan niya ang kamay ko at dumukwang sabay bulong, "Too bad, you're not on the menu. I would've ordered all of you and take you home."

Naiwan akong nakanganga at namumula na parang naarawan. "I'll wait in the car. I'll take you home." Nag-iwan uli siya ng kindat bago lumabas. Nang hindi pa rin ako gumagalaw at nakatingin lang sa pinto, lumapit si Ton-ton.

"Ito gunting o, baka gusto mong magputol ng buhok, haba eh," nang-iinis niyang sabi, bahagyang hinila ang ilang piraso ng buhok ko para magising sa kahibangan. "Kami na magsasara nito. Mauna ka na at puntahan mo na si jowaers, baka mainis ako kalbuhin kita," pagtataboy niya.

Minsan lang sipagin si Ton-ton at once in a blue moon lang magpakyut si Ice. Kaya aarte pa ba ako? Magmamaganda? Mabilis pa sa alas kwatro na pumasok ako sa employee room, nagpalit ng damit at halos takbuhin kung saan nakaparada si Madonna. Bago umuwi, dumaan pa kami sa drive thru para bumili ng cheese burger. Limang piraso. At para sa'kin lahat. Spoiled ako sa kanya ngayon.

Hindi na ako nagtanong kung bakit. Hindi na ako nag-uusisa. Basta pinasaya niya ako ng bongga at wagas. Bago magpaalam, iniwan niya ako ng isang halik sa noo.

Walang pressure. Walang tanong kung kelan ko siya sasagutin o kung mahal niya ako. Basta 'yon. Isang tahimik na sandali sa loob ng kotse. Isang sandali na bagamat romantic at tahimik, nakakabulabog ng puso.

"Good night Sh*t Face."

♥♥♥

Hello, Sh*tface!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon