Sorry for the late update. Sisihin niyo si Supertyphoon Odette. Anyway, enjoy!
🤧♥♥♥
Mali ako ng kalkulasyon.Higit pa sa tissue ang kailangan, kundi makapal na napkin, idikit sa magkabilang pisngi upang saluhin ang luha.
Hindi naman ako umasa, hindi rin ambisyosa, pero masakit pa rin.
Ngayon alam ko na ang ibig sabihin ni Michael V sa kanta niya.
Sinaktan mo ang puso ko,
sinaksak mo ng kutsilyo,
binuhusan mo ng asido,
pinakain sa aso...
Palitan lang ang 'puso' ng pride.
Sinaktan mo ang pride ko, sinaksak mo ng kut- hindi magkatugma, pero ganoun na rin.
Bilang isang tangang nagitla sa narinig, dali-dali akong lumabas ng condo ng nakapolo shirt, pambahay na short at tsinelas, all sponsored by the kupal himself.
Hindi na ako kakain ng spaghetti o ice cream na mangga. Ayoko ko ring kumanta, maglaro ng mga online games, kahit Klas Of Klans o Kendi Kras. Kinamumuhian ko ang karera.
Masakit maging panakip butas, alanganing panakip butas na hindi alam na inuuto na upang maging panakip butas.
Panakip butas pa more. Masaktan pa more. Iyak pa more.
Isang pantapal sa butas ng kalawanging puso ni Ice. Nagtataka nga ako kung bakit 'di pa s'ya nati-tetano.
Mangga siya... Manggagamit!
Ba't ko pa kasi naisipang kunin ang sulat? Doon nagsimula, dahil pakikialam at letseng curiosity! Ba't pa ako nagpauto? At higit sa lahat, ba't ako lumabas ng condo? Pano ako uuwi? Wala nga akong dala ni sinkong libag.
Nakasandal ako sa gilid ng pintuan nila, nagpatuloy sa pag-iyak matapos ang madamdaming 'walling' na CCTV lang ang nakasaksi.
Tanga.
Tanga.
Tanga... katugma ng pangalang Ina. Malalang crush pa nga lang, kumota ako sa iyak. Ang painful.
"You look funny."
Sa pagtingala, bumungad ang seryosog mukha ni Kots. Funny daw, hindi naman siya tumatawa.
"I'll take you home," 'ika niya sabay tabi. Lalo akong humagulgol ng iyak.
"Wag mong isipin na umiiyak ako dahil sa kanya, sipon 'to," paliwanang sa pagitan ng paghikbi. "Kasama 'to sa signs and symptoms!"
"Yes, I know." Tumayo siya at naglakad papunta ng elevator. "If you won't get up, Ice would have to take you home."
Iyon lang ang kailangan at tumayo, ako pa mismo ang gigil na pumindot ng Ground Floor.
Tahimik ang naging biyahe maliban sa maya't-mayang pagsinghot ko. At nang sinubukan niyang buksan ng radyo, sumakto ang Pusong Bato. Nais ko lang klaruhin na nakakain parin ako ng maayos at nakakatulog, pero wala ako sa mood makinig ng mga awitin ng pusong wasak.
"Give him a chance."
Nabinbin ang balak kong paglabas ng pinto matapos ng pasasalamat at pamamaalam. Ngayong wala na kaming konekyosn ni Ice, ganuon din sila ni Jo.
"Ice. He's a bloody fool, but give him a chance." Hindi ako sumagot maliban sa pasalamat at tuluyang umalis.
Kinagabihan, idinahilan ko kay Tita Bams ang pananamlay na nahalata sa video call. Nabanggit din niya na ibinalita ng tagapamahala ng compound ang ilang beses na pagdalaw ni Ice.
Note To Self: Chismoso ang mga tao sa compound, umiwas chismis.
Idinahilan ko nalang na bakla si Ice at gumagawa kami ng project. Wala mang kinalaman sa usapan, dinagdagan ko na ring mayroon siyang almuranas at malalang kaso ng badbreath. Kasinungalingan syempre, sinubukan ko lang naman siyang pagtawanan. Pero lalo akong nainis.
Ngayong nakahilata na sa kama at naghintay dalawin ng antok, minumulto ako ng payo ni Kots. Give him a chance.
Hah! Kainin ni Ice ang chance niya, mabulunan siya sana.
♥♥♥
Sorry so short! Hope you still liked it! :) Sinong mga hurt diyan? Anong payo niyo kay Inkarnasyon?
Ellena Odde ♥
BINABASA MO ANG
Hello, Sh*tface!
ChickLit'Di sa pagmamayabang, pero muntik ng maging muse si Ina noong elementarya, nakulangan lang sa boto. Kaya anong karapatan ni Ice na tawagin s'yang mukhang tae at pagbuntungan ng galit? Sa sama ng ugali nito, hindi na kataka-takang nabasted ng babaen...