♥♥♥
Kumuha siya ng ballpen sa bag at tumikhim habang hawak-hawak ang papel. Matapos mabasa ang kung ano mang nakasulat doon ay nagsalita. "How long have you guys been talking?"Fighting 'kamo. "Mga dalawang buwan mahigit na po."
Tumango tango siya, at may isinulat.
"Uhm, ano pong nilalagay niyo d'yan?" Bahagya pang nainat ang leeg ko para sumilip.
Tinupi naman niya ang papel. "Footnotes," ang masungit na sagot.
Tumabingi ang ulo ko sa pagtataka. "At bakit... may footnotes kayo?"
"Reference of course!"
"Para saan?"
"Whether you passed as my daughter-in-law or not."
Bumigat ang pang-ibaba kong mga ngipin, napalaki ng nganga ko. Kung gaano ang kinauso ng pananamit ng babaeng 'to, ganoon naman ang kinubulok ng mga ideya niya. Interview? Kailangan kong sagutin ang mga tanong na ewan kung saang eksperto nakuha para mapatunayang karapat-dapat ako kay Ice.
'Di ko mapigilang kamutin ang anit. Mas malala pa 'to sa inaasahan ko. "Ilan po ba ang mga tanong diyan? At saang website niyo na-kopya 'yan?"
"About a hundred, but don't worry, I'll only ask the important ones. And how did you know?"
"Ang alin po?"
"That I took it from a website? Have you seen these questions before?" Binigyan niya ako ng nagdududang tingin. "That is considered cheating," ang kanyang banta.
Gusto kong iumpog ang ulo niya sa mesa, pagkatapos ay isunod ang ulo ko sa sahig. Anong klaseng kabaliwan ba ang pinasok ko? Ganito rin ba ang mga kamg-anak ni Ice? "Utang na loob po, hindi. Nahulaan ko lang na si internet na research 'yan dahil wala naman pong baliw, no offense, ang gagawa ng isang daan mahigit na katanungan tungkol sa relationship status ng anak niya."
Tumango-tango siya at hindi man lang na-offend. "Can we start now? Inday, I have a flight to catch."
Wala akong nagawa kundi tumango, lihim na humiling sana'y ang natutulog na si Austin ang sumagot para sa'kin.
Muli siyang pumormal at nagpatuloy sa interogasyon. "What are you going to do after you graduate?"
"Magtatrabaho po. O kaya magtayo ng negosyo. Business Ad po ang kurso ko, baka sakaling hindi nabanggit ng private investigator niyo," hinaluan ko ng sarkasmo ang sagot. Tapos kukuha po ako ng Degree sa Psychiatry. Para kahit papaano ay maintindihan kung bakit ganyan ang mga ikinikilos niyo.
Matapos magsulat ng kung ano sa papel, nagbigay siya ng kasunod na tanong. "Do you plan on having a serious relationship with my son?"
Serious relationship. Hanep! Kung ako lang oo, hindi naman kasi ako ang tipong nag-iinarte. Pero kailangan ko ring siguraduhin na pareho kami ng nararamdaman ng anak niya.
"O-Oo." 'Di ko nakita ang makabuluhang sulyap niya dahil nag-iwas ako ng tingin.
"Do you plan on getting married or having children in the near future?"
"Syempre naman po." Pero kung araw-araw ganito nakakailang kausap ang magiging byenan ko, aba'y sasali ako sa SSL, Samahan ng Mga Single For Life.
"Are you safe? What protection do you use?"
"Syempre naman." Bakit nasali dito ang kaligtasan ko?
"Good... good." Mukhang malaki pa pag-sang-ayon niya sa sinasabi ko habang nagsusulat sa papel. "So, what protection are you using?"
BINABASA MO ANG
Hello, Sh*tface!
ChickLit'Di sa pagmamayabang, pero muntik ng maging muse si Ina noong elementarya, nakulangan lang sa boto. Kaya anong karapatan ni Ice na tawagin s'yang mukhang tae at pagbuntungan ng galit? Sa sama ng ugali nito, hindi na kataka-takang nabasted ng babaen...